Ω Kabanata LIII Ω Mga Mapaglarong Puso

2.4K 75 25
                                    

Ω Kabanata LIII Ω
Mga Mapaglarong
Puso
Ω

Papasok na sana ng kamalig ng Sapiro si Lira ng siya ay harangin ng isang kawal-diwata.

"Sino ka encantada?" Tanong ng isa. Kinabahan naman si Lira.
"Ano ka ba... Ako si Lira.... Anak ni Hara Amihan at Rehav Ybrahim ano ba kayo!" Sabi niya at tatawa tawa pa siya pero nanatiling nagtataka ang dalawang kawal.

"Ssheda wag mo kaming niloloko encantada... Matagal ng patay ang anak ng aming Hara kaya di maaaring ikaw yun." Sabi ng Kawal na ikinagulat niya.

"Natupad nga ang sumpa ng malaking uod..." Sambit ni Lira sa sarili.
"Hindi... Ano ka ba nagsasabi ako ng totoo, ako nga ang anak ng Hara Amihan." Sambit ni Lira sa di naniniwala na kawal. Ngunit kahit ano yata ang kanyang sabihin ay di maniniwala ang mga kawal.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Papunta na sana si Amihan sa silid na binigay ni Ybrahim sa kanya ng mapansin niya ang munting kaguluhan sa bukana ng kamalig kaya naman napagpasyahan niyang puntahan ito at naabutan niya doon ang isang di kilalang encantada.

"Ano ang nagaganap dito kawal?" Tanong ni Amihan.
"Mahal na Hara ang encantada na ito nais niyang pumasok sa Sapiro" sabi ng kawal.
"Dahil dyan naman po talaga ako nakatira.....Inay...ako ito si Lira!" Sambit ng encantada sa kanya na kanyang ikinataka.

"Encantada... Ano ang iyong pinagsasasabi?" Tanong ni Amihan sa encantada.
"Nay... Ako toh si Lira... Ang anak mo." Naiiyak na sabi ni Lira ni di niya malapitan si Amihan sapagkat siya ay hinaharangan ng kawal.

"Ssheda encantada.... wag mo nang dagdagan ang sakit sa aking puso ngayong gabi.... Matagal ng namayapa ang aking anak.... Kaya kung maaari lamang... Kung ikaw ay manloloko lamang umalis ka na..... Mga kawal." May galit sa boses na sabi ni Amihan saka ito tumalikod at pumasok na muli sa loob ng Sapiro.

"Inay!....Inay.....ako toh....si Lira ang anak mo...." Umiiyak na sabi ni Lira.
Bago tuluyang makapasok sa Sapiro si Amihan ay napalingon siya ng marinig ang pagtawag sa kanya ng encantada. Para bang may kung anong naramdaman ang kanyang puso... Para bang nais niyang balikan ang encantada... Napailing siya saka siya pumasok ng tuluyan sa Sapiro.

"Inay!....Inay.....ako toh...." Umiiyak na sabi ni Lira.
"Umalis ka na encantada... Narinig mo ang aming Hara... Alis!" Sambit ng kawal. Napahinga ng malalim si Lira... Alam niyang wala siyang magagawa ngayon at ang kailangan niya ay makaharap muli ang Bathalumang Ether.

"Pangako Inay... Babalik ako sa piling niyo ni Itay... Magkakasama tayo muli." Sambit ni Lira saka niya nagpahid ng luha niya at umalis na sa bukana ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Patungo na sana si Ybrahim sa kanyang silid ng madaanan niya muli ang silid ni Alena at nakita niyang di pa natutulog ang sang'gre...naka-upo ito at umiinom ng alak. Kaya naman kanya itong nilapitan.

"Alena.... Bakit gising ka pa... Malalim na ang gabi dapat nagpapahinga ka na." Sambit niya dito. Tumingin ito sa kanya.
"Maraming gumugulo sa isip ko... Ikaw may gumagambala din ba sa iyo na mga suliranin?" Tanong ni Alena. Napahinga naman ng malalim si Ybrahim at umupo sa tabi ng sang'gre....tama si Alena maraming gumagambala sa kanyang isipan ngunit higit sa kanyang puso.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon