Ω Kabanata LXVII Ω Halik ng Pamamaalam

3.2K 78 85
                                    

Ω Kabanata LXVII Ω
Halik
ng
Pamamaalam
Ω

"Amihan... Pirena... Ano't tila nagkaka-iyakan kayo dito?" Sambit ni Danaya habang papasok sila ni Alena sa silid tanggapan kung nasaan sila Amihan at Pirena.

"Wala lamang ito may pinag-usapan lang kami ng ating edea" nakangiting sabi ni Amihan.
"Sana ay matapos na ang lahat ng ito at makapamuhay na tayo ng tahimik." Sambit ni Alena ng makalapit na sila ni Danaya sa mga kapatid.

"Ipinapangako ko sayo Alena... Na sa pagbalik niyo galing Avila ay maayos na muli ang Encantadia." Nakangiting sabi ni Amihan samantalang malungkot na nakatingin lang sa kanya si Pirena.

"Danaya...." Pagtawag ni Amihan sa bunsong kapatid saka niya hinawakan sa kamay ang Sang'gre
"Ano yun Amihan?" Tanong ni Danaya.
"Sana hangga't nananatili kayo sa mundo ng tao... Sa Avila. Sana wag mong iwaglit sa iyong tabi sila Lira at Caspian.... Sana ituril mo silang parang tunay mo nang anak" pakiusap ng Hara sa Sang'gre ng lupa.

"Makakaasa ka Amihan.....na pangangalagaan ko ang mga anak mo na parang sila ay anak ko na hangga't wala ka." Nakangiting sabi ni Danaya.

"Avisala Eshma Danaya..." Pasasalamat niya saka niya inilabas mula sa sisidlan na nakapatong sa mesa ang plauta ng mga Mulawin.

"Sa ngayon marapat ng tawagin ang mga Mulawin na gagabay sa inyo para makapunta kayo ng Avila ng ligtas. Tumango naman ang tatlo saka hinipan ni Amihan ang plauta.

Makalipas ang ilang sandali pagkatapos patugtugin ni Amihan ang plauta ay nakarinig na sila ng mga pagalaw ng pakpak sa ilang sanglit pa ay dalawang mulawin ang bumaba.

"Pagaspas." Nakangiting sabi ni Amihan sa Mulawin na langing tumutulong sa kanya..
"Avisala Pagaspas..." Nakangiting sabi niya, yumukod naman ito at ang isa pang Mulawin na kasama nito.

"Avisala Mahal na Reyna....siya nga pala ito si Anya... Kami ang ipinadala ng Haring Panabon ng marinig sa Avila ang pagtugtog ng plauta." Sambit ni Pagaspas. Tumango naman si Amihan.

"Avisala eshma sa lagi niyong pagtugon sa aming panawagan sa inyo." Sambit ni Amihan.
"Malaking karangalan sa amin na mapag-lingkuran kayo Hara." Sambit naman ni Anya.

"Kung ganoon ay iiwan ko muna kayo sa aking mga apwe at sila na ang magpapaliwanag sa inyo ng dahilan kung bakit ko kayo muling ipinatawag." Sambit ni Amihan saka niya iniwan ang mga ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Panginoon.... Nakikita kong tama ang inyong sapantaha na dito sa Sapiro nagkakanlong ang mga diwata." Sambit ni Agane habang nakatanaw sila sa Sapiro.

"Wala namang ibang lugar na pupuntahan ang mga diwata kundi dito..... At sinisigurado ko Agane na dito na din matatapos amg kanilang mga buhay." Nakangising sabi ni Hagorn saka niya tinaas ang kamay niya.

"Mga hadezar.... Tayo na." Sambit ni Hagorn saka niya pinangunahan ang pagsalakay sa Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Rehav.... Mauuna na kami sa puno ng asnamon." Sambit ni Alira Naswen kasama nito ang mga ililikas na mamamayan ng Sapiro at Lireo.

"Mag-ingat kayo....ilang saglit lamang ay susunod na din kami sa inyo." Sambit ni Ybrahim tumango naman si Mashna de Alira Naswen at Hafte Mayca saka sila nagsimulang lumikas.

Nang mapag-isa si Ybrahim ay saka niya nilabas ang isang singsing.... isang palamuting nakita niya noon sa mundo ng mga tao na binibigay ng mga kalalakihan sa mga kababaihan na kanilang iniibig. Napangiti siya ng mapagmasdan ang singsing may adorno itong dyamanteng lira na kulay asul....napakaganda nitong tingnan... Bagay na bagay sa kanyang mahal na reyna.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon