Ω Kabanata XLVIII Ω Edi Sanctre

2.3K 78 15
                                    

Ω Kabanata XLVIII Ω
Edi Sanctre
Ω


Nakangiting napatingin si Alena kay Agua na natutuwa ding makita ang dati niyang panginoon.
"Masaya akong makita ka Agua." Nakangiting sabi niya.
"Ako din Mahal na Sang'gre...natutuwa akong makita ka." Nakangiting sabi ni Agua saka naman lumingon si Alena kay Evades.

"Avisala eshma... Evades." Nakangiting sabi niya.
"Walang anuman diwata..." Sambit naman nito saka naglaho.
"Agua nakikiusap ako aayo gamitin mo naman ang kapangyarihan mo para matunton ang aking anak." Nakiki-usap na sabi ni Alena sa gabay diwa ng tubig. Tumango naman ito.

"Aking kapangyarihan hanapin mo ang daloy ng dugo ng anak ni Sang'gre Alena na si Kahlil at kami ay dalhin mo sa kanya." Sambit ni Agua at kanyang hinawakan ang kamay ni Alena saka sila naglaho papunta sa kinaroroonan ni Kahlil.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Brilyante ng----" di naman naituloy ni Amihan ang sasabihin ng maramdaman niya ang pagtagos ng espada sa kanyang katawan agad na napaluhod si Amihan at napalingon sa kanyang likuran para lang makita ang isang encantado na nakatalukbong ang ulo ang sumaksak sa kanya at ng masinagan ng liwanag ang muka nito ay nakita niyang si Kahlil ito.

"Amihan!" Gulat din na sabi ni Pirena pero mas nagulat siya na sinaksak ito ni Kahlil saka niya naalala ang sinambit ng kanyang ama.....ito nga kaya iyon?

"K-Kahlil..... Bakit... Aking h-hadia?" Nahihirapang sabi ni Amihan. Wala naman siyang nakuhang sagot kay Kahlil na nakatingin lamang sa kanya saka nito tinaas muli ang espada at sasaksakin muli si Amihan ng patamaan ito ni Pirena ng bolang tubig na ikinatumba nito saka ipinalibot ni Pirena ang tubig sa katawan ni Khalil ng di ito makakilos saka siya lumapit sa sugatang si Amihan.

"Amihan...." Sambit niya saka niya ito hinawakan sa magkabilang balikat.
"Pirena..." Nahihirapang sambit ni Amihan.
"Ibigay mo na sa akin ang brilyante ng hangin bago ka tuluyang mamaalam" sabi ni Pirena sa kapatid. Umiling naman si Amihan.
"Ssheda... Wala kang makukuha sa akin!" Sambit niya saka niya pinatamaan ng enerhiyang hangin si Pirena na ikinatalsik nito saka nagpilit tumayo si Amihan at nag-evictus para makalayo sa dalawang nagtatangka sa buhay niya.

Dahil sa pagtalsik ni Pirena ay nawala ang tubig na humabalot kay Kahlil kaya nakatayo ito at kinuha muli ang espada para si Pirena naman ang salakayin na ikinagulat ni Pirena.

"Yaaaahhhh!" Sigaw nito pasugod sa kapatid ng ina. Nanlaki naman ang mata ni Pirena na napatingin dito lalo ja at di siya agad makakilos dahil sa sakit ng ginawa ni Amihan.
"Ssheda!" Sigaw ni Danaya na kararating lang kasama si Ybrahim. Isang ugat ng puno ang pumulupot kay Kahlil kaya naman di ito nakakilos kahit nagwawala at nagsisisigaw ito.

"Pirena!" Sambit ni Danaya sa panaganay na kapatid na tumayo naman.
"Ano ang nangyayari sa aking anak bakit siya nagkaganyan?" Nagtatakang tanong ni Ybrahim na nakatingin kay Kahlil na tila di na siya nakikilala.

"Hindi ko alam bigla na lang niya akong sinugod" sambit ni Pirena. Sa dalawang bagong dating.
"Sapagkat siya ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Ether...." Napalingon ang lahat ng nagsalit si Cassiopei-a.

"Kapangyarihan? Anong kapangyarihan o sumpa ang ibinalot ng masamang Bathaluman sa aking anak? Magagamot pa ba ito?" Tanong ni Ybrahim.
"Oo kaya ako narito para tanggalin ang sumpa ni Ether sa kanya." Sabi nito saka lumitaw sa kamay nito ang isang kopita, lalapitan na niya sana ito ngunit biglang umusok si Kahlil.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon