Ω Kabanata XLVII Ω
Bugna
Ω
Muling nagtungo si Hagorn sa lumang Etheria para makausap ang Bathalumang Ether.
"Mahal na Bathaluman.... Magpakita kayo sa inyong abang lingkod." Sambit ni Hagorn at ilang saglit pa ay lumabas na ang Bathalumang Ether.
"Hagorn... Ano ang iyong kailangan?" Tanong ni Ether.
"Bathaluman... Nararamdaman ko na ako ay tinatraydor ng aking anak.... Kailangan may gawin ako laban dito." Sambit ni Hagorn.
"Sadyang tuso ang iyong anak.. Ngunit wag na muna iyan ang ating pag-usapan dahil may mas mahalagang mangyayari ngayon." Sambit ni Ether sa Hari ng Hathoria. Nagtataka naman na nakatingin si Hagorn kay Ether."Ano ang iyong tinutukoy?"
"Ang aking bugna... Sa anak ni Alena ay magaganap na." Nakangising sabi ng Bathaluman sa Hari na napangiti naman sapagkat matagal na niyang hinihintay ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Mahal na Reyna... Narinig ko sa isang dama na pinahahanap ni Haring Hagorn kay Asval si Agane." Sambit ni Gurna kay Pirena. Napahinga naman ng malalim si Pirena sa sinabi ng dama."At nararamdaman ko din na naghihinala na si Ama sa aking ginawang panlilinlang.....Gurna...ano ang marapat kong gawin?" Tanong ni Pirena sa matapat niyang dama.
"Isa lamang ang aking nakikitang solusyon sa iyong suliranin... Ang mahigitan ang kapangyarihan ni Hagorn." Suhestiyon ni Gurna, napalingon si Pirena dito.
"Mahigitan ang kanyang kapangyarihan?"
"Sa ngayon pantay ang kapangyarihan niyo dahil may tig-isa kayong brilyante." Sabi ni Gurna.
"Ngunit kung magkakamit ako ng mas higit kesa sa kanya..... Matatalo ko na siya..... Kailangan makuha ko ang mga brilyante sa aking mga kapatid at sa batang ligaw." Sambit ni Pirena."Sa ganoong paraan matatalo mo ang iyong ama." Sambit pang muli ni Gurna. Napatango naman si Pirena kailangan na niyang makuha ito sa lalong madaling panahon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mula sa pagkakahimbing ay nagising si Agua at agad niyang hinanap ang anyong pawikan na si Alena."Sang'gre Alena... Nasaan ka... Magpakita ka sa akin." Kinakabahan na sabi niya sapagkat nangangamba siya na mawala ito.
"Wag kang mangamba Agua." Sambit ni Evades sa gabay diwa ng brilyante ng tubig."
"Ngunit nasaan na siya nais ko na siyang makita." Sambit ni Agua.
"Kung gayon ay narito na siya" sambit ni Evades at nakarinig si Agua ng mga yabag sa lupa. At mula sa likod ng puno ay nasaksihan muli ang wangis ng sang'gre Alena."Avisala Agua." Nakangiting sabi nito sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
Nakita ni Mira si Anthony sa hardin inilapag nito sa batuhan ang mga bukaklak na dala ibibigay sana nito kay Lira. Marahang lumapit si Mira sa mortal."Anthony tila yata nag-iisa ka dito?" Tanong ni Mira.
"Ah oo.... Wala naman kasi akong maka-usap sa loob masyadong malalim ang salita nila." Sabi ni Anthony pero alam naman niyang hindi iyon ang totoong dahilan nito.
"Wag ka ng maglihim sa akin... Nakita kita ibibigay mo sana sa pinsan kong si Lira ang mga bulaklak na dala mo...." Sambit ni Mira sa mortal, napangiti naman ito."Sa tingin mo ba may pag-asa ako sa pinsan mo?" Tanong nito sa kanya. Napalunok naman si Mira, nais niyang sabihin na sa kanya na lang nito ibaling ang pagtingin nito ngunit di niya magawa nais niya kung mamahalin man siya nito ay dahil iyon sa kagustuhan nito.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanfictionOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018