Ω Kabanata XXIV Ω Ang Pagbagsak ng Lireo

2.4K 78 8
                                    

Ω Kabanata XXIV Ω
Ang Pagbagsak ng
Lireo
Ω


             "Hara Amihan.... Napasok na ng ibang hathor ang mga maliliit na bulwagan." Sambit ni Aquil kay Amihan. Napailing ang Hara.
            "Pashnea.... Paalisin sila sa Lireo.... Aquil..... Isarado ang mga tarangkahan na di pa nalulusob ng mga Hathor.... Abog at Muros kayo sa kaliwang bulwagan, Aquil ikaw naman sa kanang bulwagan." Utos niya sa mga kawal niya.

           "Masusunod Hara Amihan." Sambit ng mga ito at yumukod sa kaniya ang mga ito bago nagpulasan. Napahinga ng malalim si Amihan ng masalubong niya si Imaw.
           "Imaw."
           "Ako ay nangangamba..." Sambit ni Imaw sa kanya.
           "Hindi nila makukuha ang Lireo sa mga diwata.....ipagtatanggol namin ito ni Pirena." Sambit niya sa pinuno ng mga adamyan.

           "Iyan ay kung tutulungan kita Amihan." Napalingon sa likod si Amihan at nakita si Pirena na nakatutok sa kanya ang espada. At ang mga kawal ng Lireo na may pulang tela sa katawan.
          "Pirena.... Ano ang ibig sabihin nito?" Tanong niya.
          "Ang ibig sabihin nito? kahit kailan ay di mo ako naging kapanalig Amihan." Sambit nito at nagdatingan pa ang mga hathor.

            "Pashnea!" Sambit niya at pinatamaan niya ang mga ito ng hangin saka siya nag-evictus kasama si Imaw papunta sa silid ni Lira ito ang mahalaga sa kanya ngayon. Dapat ligtas ang kanyang anak, ang kinabukasan ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

             Nagising mula sa pagkawala ng kanyang malay si Mira at nakitang nasa kanyang silid na siya kasama ang isang babaeng hathor.

          "Hathor.... Ano ang ginagawa mo dito?" Gulat na sabi niya at mas nagulat siya ng humarap ito at makitang si Gurna pala ito
          "Isa kang Hathor Gurna?" Sambit niya.
           "Siyang tunay Lira." Sambit nito ng biglang lumitaw sa kanyang silid ang Hara Amihan at si Imaw.
           "Lira!" Sambit ni Amihan at nagtatakbo naman sa kanya ang kanyang anak. Ng mapatingin siya sa hathor na nasa silid ng kanyang anak.

           "Gurna?"
           "Isa ka pa lang hathor Gurna!" Sambit naman ni Imaw. Ngumisi lang sa kanila si Gurna. Agad naman nagtago sa likod ni Amihan si Lira ng lumitaw na din si Pirena sa silid. Tanging ang higaan lamang ni Lira ang naghihiwalay sa kanila.

         "Pirena...." Sambit niya. Di naman siya nito pinansin, tumingin ito kay Lira.
         "Lira.... Layuan mo na si Amihan.... Sumama ka na sa amin...." Sambit nito.

         "Ssheda! Di ako makapaniwalang itinuloy mo pa rin ang iyong balak ashti!" Galit na sigaw ni Mira sa Ina. Napalingon naman si Amihan sa inaakalang anak.
        "Anak alam mong may balak na ganito ang kapatid ko sa akin?" naguguluhang sabi ni Amihan.

           "Oo Ina.... At di ko inaakalang gagawin niya nga ito" may diin na sabi ni Mira kay Amihan.
          "Tumahimik ka Lira! Nalusob na namin ang Lireo Amihan, kaya't sumuko ka na ng di na magdagdagan pa ang mga kawal at diwatang masasaktan." Sambit ni Pirena kay Amihan. Nagtagis naman ang bagang ni Amihan sa sinabi ni Pirena.

           "Hindi ko gagawin yan Pirena, dahil ako pa rin ang reyna ng Lireo!" Buong tapang na sabi ni Amihan kay Pirena saka niya inilabas ang kanyang brilyante ng hangin.

           "Pirena... Gamitin mo ang mga hawak mong brilyante." Bulong ng nangangambang si Gurna.
           "Di ko magagawa yan sapagkat nasa panig niya si Mira." Mahinang sabi din ni Pirena.

          "Isinasamo ko sa brilyanteng ito na tanggalin ang hininga ng mga hathor, ng kanilang mga kadugo at kapanalig... Tulad nila Gurna at Pirena ng sa gayo'y di matuloy ang masamang balak nila sa Lireo!" Pagbibigay utos ni Amihan sa kanyang brilyante. Saka lumipad ang brilyante papunta sa kalangitan at unti-unti ay binabawi na nito ang hininga ng mga hathor.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon