Ω Kabanata XI Ω
Lihim
Ω
Napalingon si Amihan ng pumasok sa kanyang silid tanggapan si Aquil kasama si Muros."Mashna Aquil, Hafte Muros....ano ang dala niyong ulat?" Tanong ni Amihan sa dalawa.
"Ayon sa nakalap namin Mahal na Reyna.....ayon sa mga encantado narin, hathor ang nakita umaaligid sa Lireo ng mga panahon na yaon." Sabi ni Aquil. Naikuyom ni Amihan ang kanyang kamao.
"Kung gayon ang mga hathor ang may kagagawan...." Sambit ni Amihan
"Nais nyo bang tayo ay sumalakay sa mga hathor?" Tanong ni Muros."Hindi....ang pagsalakay sa mga hathor ay magdudulot lamang ng malaking suliranin.....mapagbabayaran din nila ang kanilang kasalanan sa ibang pamamaraan." Sambit ni Amihan nagkatinginan tuloy sila Aquil at Muros.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
Itinago ni Ades ang mga sulat ni Mine-a para sa kanyang mga anak sa isang kahon. Mga sulat na naglalaman ng mga lihim ng kanilang ina kaugnay sa kanila."Mine-a.....di ko alam ngayon ang aking gagawin.....dapat ko pa bang sabihin kay Amihan ang katotohanan o itago ko na lamang ito hanggang sa aking kamatayan?" Tanong ni Ades habang nakatingin sa madilim na kalangitan.
"Ano ang bumabagabag sa iyo Ades?" Tanong ni Imaw sa punong dama.
"Wala ito Imaw....isang bagay lamang ito na di na dapat malaman ng kung sinoman." Sabi ni Ades.
"Ang iyong mga tinuran ay ikinababahala ko Ades...." Sambit ni Imaw
"Wag mo na lamang isipin iyon nunong Imaw.....marahil ay nagluluksa pa din ako sa pagkawala ng Inang Reyna Mine-a...." Sabi ni Ades."Siyang tunay...maging ako Ades ay nalulungkot sa pagkawala ng aking malapit na kaibigan." Malungkot na tinuran ni Imaw tumango naman si Ades sa tinuran ni Imaw.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Ama maari ka bang maka-usap?" Tanong ni Ybarro pagpasok sa kubol ng ama na nagpapahinga.
"Ano iyon anak?" Tanong ni Apitong sa anak. Umupo naman si Ybarro sa tabi ng ama.
"Ama.... Nagkaroon ako ng isang panaginip nitong nagdaang araw...." Panimula ni Ybarro
"Isang panaginip....anong panaginip anak?" Tanong ng ama."Panaginip kasama ang reyna ng mga diwata." Sabi ni Ybarro. Nagulat na napatingin si Apitong sa anak.
"Ang reyna ng mga diwata?"
"Oo ama....at sa panaginip na yaon ay may nangyari sa amin.....ano ang ibig sabihin nun Ama...di ba at ang pinipili lamang ng bathalang Emre ay isang dugong bughaw para sa reyna?" Naguguluhang sabi ni Ybarro kay Apitong na napahinga ng malalim.Tiningnan niya ang naguguluhang wangis ni Ybarro. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin niya sa anak ang katotohanan sa pagkatao nito? Ngunit paano kung manganib ang buhay niya.....
"Marahil ay isang walang silbing panaginip lamang iyan Ybarro....wag mong pagkaisipin." Sabi ni Apitong na dagli iwinaksi sa isipan ang ideya na sabihin ang totoo kay Ybarro pagkat ayaw niyang mawalan ng anak.
"Sana nga ama.....sana nga....pagkat nalilito na ako." Sabi ni Ybarro saka ito tumayo at lumabas ng kubol. Di lamang ang kanyang isipan ang nalilito maging ang kanyang damdamin.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanficOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018