Ӝ Kabanata LXXVIII Ӝ
Si LiriosӜ
Agad na sinuot ni Ybrahim ang kanyang pananggalang sa ulo na inabot ni Lira sa kanya.
"Avisala eshma anak... Maiwan ka na dito para sa apwe mong si Caspian..... Maiiwan din naman si Hafte Mayca para may magtanggol sa inyo samantalang isasama ko naman sa gagawing kong paghahanap sa apwe mong si Lirios, si Mashna Alira Naswen." Sambit ni Ybrahim sa anak.
"Sige po Itay... Mag-ingat po kayo." Sabi ni Lira, tumango naman si Ybrahim saka siya lumabas ng punong bulwagan doon naman dumating si Pirena."Hara Pirena.... Ano ang iyong pakay?" Tanong niya dito habang nasa likuran na niya sila Alira Naswen.
"Alam ko na kung saan matatagpuan ang aking hadiang si Lirios." Sambit nito sa kanya.
"Ano? Paano?" Tanong ni Ybrahim sa panganay na Sang'gre.
"Naalala mo noong nagkaroon ng gulo sa Encantadia sa lugar kami ng punjabwe napadpad... At sila ang tinulungan namin..... Ang kanilang pinuno.... Si Azulan... May anak siya... At sa likod ng bata ay may marka ng buwan na katulad ng nasa likuran ni Lirios na nakita ko sa balintataw ni Imaw." Pagpapaliwanag ni Pirena sa Rama ng Sapiro."Ibig mong sabihin na ang Azulan na ito ang nakakuha sa aking anak... Sa anak namin ni Amihan?" Sambit niya. Tumango naman si Pirena.
"Kung gayon ay tayo na... Nais kong matiyak ang iyong tinuran." Sambit ni Ybrahim saka siya kumapit kay Pirena samantalang kumapit naman sa kanya si Alira Naswen at ang sapat na bilang ng mga kawal Sapiryan saka sila nag-evictus papuntang Punjabwe.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Kanina pa pinagmamasdan ni Azulan si Ka-El na nakikipag-laro sa mga kasabayan nitong paslit. Katatapos lang nitong magsanay sa paghawak ng espada kaya hinayaan na muna niya itong makipaglaro sa mga kasabayan nitong bata.
Napangiti siya mula ng ibigay ni Dyosa Magindara sa kanya si Ka-El at kupkupin niya ito bilang anak ay naging magaan ang kabuhayan ng mamamayan ng Punjabwe, noon kasi hirap na hirap sila lalo na na nagiging resulta sa pagiging magnanakaw ng ginto ng ilan, wala rin namang kaharian ang may pananagutan sa kanila nasa gitna kasi sila ng Sapiro at Adamya.
Katulad nga ng sinabi niya naging magaan ang pagpasok ng kabuhayan sa kanilang tribo mula ng dumating si Ka-El na tila ba naging isang biyaya ito sa kanila kaya naman kahit na anong mangyari ay ipaglalaban niya ang anak o ang anak-anakan niya. Marahan siyang yumuko para kuhanin ang mga kahoy na susunugin niya ng makarinig siya ng mga sigawan kaya naman agad nyang nabitawan ang mga kahoy na pinupulot niya at napatakbo siya ng makita na may mga ibang encatado na dumating, may mga kasama din ito na nararamdaman niyang di maganda ang pakay.
"Avisala mga mabababang uri ng Punjabwe." Sambit ng babaeng kasama ng mga ito. Agad niyang hinawakan si Ka-El na malapit lamang sa mga ito.
"Pashnea sino kayo?" Tanong niya sa mga ito
"Kami ang mga dugong bughaw ng Etheria." Sambit nito.
"Juvila walang kwentang magpaliwanag pa sa isang mababang uri ng encantado.... Mga magnanakaw....sigs mga kawal halughugin ang tribo nila hanapin ang anak ni Amihan!" Sambit ni Arkrey sa mga kawal. Nagsumiksik naman sa kanya si Ka-El na nakaramdam ng takot."Ssheda.... Ano bang pinagsasasabi niyo.... Wala dito ang mga anak ng Hara durie Amihan!" Galit at nagtataka na sabi ni Azulan. Tiningnan naman ito ng masama ni Juvila.
"Ang batang may marka ng buwan sa likod iyon ang anak ni Amihan at Ybrahim... Siya ang kuhanin niyo!" Sambit ni Animus sa mga kawal kaya naman bawat mahagip na paslit ng mga kawal-Etherian ay tinitingnan ang mga likod ng mga paslit.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanfictionOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018