Kabanata CII
EtherMula sa Etheria ay nagtungo sa kinaroroonan nila Mine-a ang mga sang'gre at sila Ybrahim, Memfes at Aquil. Agad naman silang sinalubong ni Azulan at ng mga kawal Sapiryan.
"Maayos ba ang lagay niyo dito?" Tanong ni Amihan pagdating nila. Tumango naman si Azulan.
"Maayos ang lahat dito Sang'gre Amihan." Tugon ni Azulan saka pumasok sa loob ng kubol kung nasaan ang mga kamahalan."Amihan nakabalik na kayo....kayo ba ay nagtagumpay?" Tanong ni Mine-a nakangiting tumango naman sya.
"Nagtagumpay ang pag-aaklas ng mga kaharian laban sa Etheria." Ani Pirena.
"Avisala eshma sa Bathalang Emre sa tagumpay na ito." Sambit naman ni Nadezhda na hawak hawak si Armeo.
"Kung ganoon ay maaari na ba kaming bumalik sa Sapiro?" Tanong ni Mine-a sa kanila."Hindi na muna sa ngayon Hera Mine-a hayaan niyo na sunduin kayo ng Rehav Raquim dito." Sambit ni Ybrahim.
"Tama si Ybrahim, Mine-a....halina kayo magpahinga na kayo." Alok ni Nadezhda sa kanila ngunit umiling si Danaya.
"Gustuhin man namin ay hindi na lamang Kamahalan....Narito lamang kami para kuhanin ang aking mga hadia para kami ay makaalis na" malumanay na pagtanggi ni Danaya sa alok ng Hara.
"Bakit saan kayo magpupunta?" Tanong ni Mine-a sa kanila.
"Wag kang mag-alala Hera Mine-a....di naman kami lalayo." Nakangiting sabi ni Alena."Kung ganoon ay paalam...ngunit umaasa ako na magkikita pa tayong muli." Sabi ni Mine-a saka hinawakan ang kamay ni Amihan na tumango naman.
"Ipinapangako ko sayo Hera Mine-a na magkikita tayong muli." Nakangiting sabi ni Amihan saka nito niyakap si Mine-a bago hinawakan sila Caspian at Lirios."Mga Sang'gre tayo na." Pagtawag sa kanila ni Aquil. Tumango naman sila.
"Mag-ingat kayo." Pahabol na sabi ni Mine-a tumango naman sila saka sila lumabas ng kubol ng mga ito bago sila nag-evictus papunta sa lupain kung saan sila unang nagising sa nakaraan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Paglitaw nila sa lupain na yaon ay di maitago ang ngiti ng mga Sang'gre at nila Ybrahim.
"Sige na Ybarro baligtarin mo na ang ginintuang orasan." Sambit ni Alena sa Rama. Tumango naman si Ybrahim ngunit bago pa nito mabaligtad ang ginintuang orasan ay lumitaw ang nasa anyong ahas na si Ether winasiwas nito ang buntot na tumama kay Ybrahim na ikinabitaw nito sa ginintuang orasan."Ybrahim!" Sigaw ni Amihan at agad na ipinagkatiwala kay Azulan ang kanyang mga anak
"Warka!" Sigaw ni Pirena kay Ether na kinuha ang ginintuang orasan bago pa man niya makuha.
"Sa akala niyo ba ay ganoon na lamang kayo makakabalik sa kasalukuyan....hindi! Sisiguraduhin ko na dito kayo mamamatay!" Sigaw ni Ether sa kanila saka ito nag-anyong enkantada."Iyan naman ang di namin mapapayagan!" Madiin na sabi ni Danaya saka nito sinugod si Ether na agad nakaiwas sa pananalakay niya kasunod naman nito ay sumugod din si Alena ngunit nasikmuraan agad ito ni Ether. Mabilis naman na tumakbo si Pirena saka tumalon para salakayin mula sa taas si Ether ngunit mabilis itong naiwasan ni Ether na alam nilang mas malakas ang pakiramdam sa kanila.
"Ybrahim...ayos ka lang ba?" Tanong ni Amihan
"Ayos lamang ako tayo na at gapiin ang masamang bathaluman." Sambit ni Ybrahim sa kanya saka nito hinawakan ang kamay niya at sabay nilang sinalakay si Ether.Bawat iwas ni Ether sa pagsalakay ni Ybrahim ay sinasalubong ito ni Amihan ng kasunod na pagsalakay at di naglaon ay napatumba nila ang masamang bathuman. Bago pa ito makatayo ay tinutukan na ito ng mga sandata na sa maling kilos lamang nito ay di mangingiming itatarak ng mga sang'gre sa katawan niya.
"Sumuko ka na Ether....ibalik mo na sa amin ang ginintuang orasan." Sambit ni Alena. Masama silang tiningnan isa-isa ni Ether.
"Ssheda!" Sigaw ni Ether saka ito nag-anyong dambuhalang ahas na ikina-urong nila.
"Hindi niyo ito makukuha sa akin!" Sigaw ni Ether.
"Ikaw ang pumili nito Ether.....mga kapatid ko....tapusin na natin toh!" Sigaw ni Amihan saka nila pinalabas sa kanilang mga kamay ang espiritu ng mga brilyante."Ybrahim."
"Handa ako Mahal ko." Sagot ni Ybrahim kay Amihan saka ito tumalon pasalakay kay Ether samantalang ang kapangyarihan naman ng mga brilyante ay pumalibot kay Ybrahim.
Agad na gumawa ng pananggalang na enerhiya si Ether para sa sarili.
"Wala kayong laban sa isang Bathalumang gaya ko!" Panghahamak na sigaw nito na ikinatalsik ni Ybrahim."Ybrahim!" Nag-aalalang sabi ni Amihan di naman nagpatinag si Ybrahim agad siyang bumangon at sumalakay muli kay Ether muli ay pinipilit niyang masira ang pananggalang na enerhiya nito. Nang isang nakakasilaw na liwanag ang bumaba mula sa kalangitan at tumama sa Erra'Ordin. Sandaling napatingin siya sa kalangitan.
"Avisala ehma Bathalang Emre." Sambit niya saka siya bumaling kay Ether."Wag mong maliitin ang kapangyarihan ng mga nananampalataya sa Bathalang Emre!" Sigaw ni Ybrahim at unti-unti ay nabasag nito ang pananggalang enerhiya ni Ether saka nito itinarak sa dibdib ng dambuhalang ahas na bathaluman ang Erra'Ordin ng lahi ng mga Sapiryan.
"Aaaaarrrgghhhhhh!" Sigaw ni Ether bago ito tuluyang sumabog at maglaho. Bago pa man mahulog sa lupa ay nasambot na ni Ybrahim ang ginintuang orasan.
"Ybrahim!" Sambit ni Amihan na dinaluhan agad ang minamahal.
"Ayos lamang ako Amihan.....nakuha ko na." Nakangiting sabi nito sa Hara durie. Di naman mapigilan na maluha ni Amihan at yakapin ang rama ng Sapiro. Tuwang tuwa naman na nagtakbuhan palapit sa dalawa ang mga anak nilang sila Lirios at Caspian."Tapos na po ba ang lahat?" Tanong ni Caspian
"Makakabalik na po ba tayo sa panahon natin?" Ani naman ni Lirios.
"Oo mga anak...tapos na ang lahat magiging maayos na ang lahat." Nakangiting sabi ni Amihan saka nila niyakap ni Ybrahim ang mga anak nila."Sa wakas makakabalik na tayo sa ating panahon." Nakangiting sabi ni Pirena na yumakap kay Azulan. Ganun din si Danaya na nakahinga na ng maluwag habang hawak ang kamay ni Aquil. Samantalang nakangiti naman sa isa't-isa sila Alena at Memfes.
"Mga diwata mula sa adoyaneva." Napalingon sila sa nagsalita at nakita nila si Cassiopei-a.
"Cassiopei-a....anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Pirena.
"Ngayong alam ko na kung sino at saan kayo nanggaling....nais kong magpasalamat sa inyong naging tulong sa amin." Nakangiting sabi ni Cassiopei-a sa kanila."Walang anuman iyon Cassiopei-a....kinararangal din namin na makilala at makasama kayo sa panahon na ito." Nakangiting sabi ni Amihan dito saka niya hinawakan ito sa kamay. Napapikit naman si Cassiopei-a na tila may nakita.
"Cassiopei-a?" Nagtatakang sambit ni Amihan.
"Amihan....anak ni Mine-a at Raquim....dugo ng diwata at sapiryan....dugong nieve." Sambit nito saka binitawan ang kamay niya.
"Anong ibig sabihin ng iyong mga sinambit kay Amihan?" Tanong ni Ybrahim na inalalayan si Amihan, nag-alala naman ang lahat sa inasal ni Cassiopei-a.
"Hindi ko din alam....ngunit ano man ito ay lagi sana kayong maghanda." Sambit ni Cassiopei-a saka kinuha ang ginintuang orasan na hawak ni Ybrahim saka nito binaligtad iyon bago itinayo sa lupa at mula doon ay lumabas ang liwanag na lumikha ng lagusan."Mag-ingat nawa kayo sa pagbalik sa kasalukuyan" sambit ni Cassiopei-a. Tumango naman sila saka sila pumasok sa lagusan. Nang makapasok na ang mga ito ay sinaraduhan na ni Cassiopei-a ang lagusan saka nya naalala ang kanyang nakita ng hawakan niya si Amihan. Napailing siya.
"Mapaglabanan niyo sana sa hinaharap ang panahon ng nieve." Sambit niya saka niya pinulot ang ginintuang orasan at nilingon ang papasikat na araw.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Comment and Votes.
💙💛
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanfictionOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018