Ω Kabanata LVI Ω Ang Dalawang Kahilingan

2.6K 76 57
                                    

Ω Kabanata LVI Ω
Ang Dalawang
Kahilingan
Ω


            Masusing pinag-aaralan ni Ybrahim ang mga kalatas na nakuha nila mula sa lumang silid-aralan ng Sapiro, nais niyang makakuha ng mga aral o batas na magagamit niya sa pamamalakad sa bagong Sapiro.

            "Ybarro ito pa ang mga kalatas na nakuha ng mga dama sa lumang silid-aralan." Sambit ni Alena saka ipinatong sa mesa ang mga kalatas
           "Avisala eshma." Sambit naman ni Ybrahim dito ng nagmamadaling pumasok si Wantuk sa silid

           "Rehav Ybrahim.... Nabalitaan mo na ba ang ulat na dala mula sa Lireo?" Tanong nito. Nakaramdam naman ng saya si  Ybrahim ng malaman na may ulat galing Lireo di na niya napansin ang balisang wangis ni Wantuk.
           "Galing sa Lireo... Ano ang ulat na ito?" Tanong niya
          "Wag kang mabibigla ngunit ang Mahal na Hara Amihan... Nasaksak dahil sa panghihimasok ni Pirena sa kanyang silid." Pag-uulat ni Wantuk. Napakunot ang noo ni Alena sa ulat na dala ni Wantuk
             Samantalang binalot ng kaba at takot ang puso ni Ybrahim para kay Amihan.

            "Ano.... Kailangan malaman ko ang lagay ni Amihan... Wantuk ipahanda ang karwahe tayo ay magtutungo sa Lireo" utos ni Ybrahim kay Wantuk pero bago pa ito makaalis ay pinigilan na ito ni Alena.

           "Di na kailangan... Mas madali tayong makakatungo sa Lireo kung gagamitin natin ang aking evictus....kaya lumapit na kayo sa akin." Sambit ni Alena tumango naman ang dalawa saka humawak sa balikat ni Alena saka sila naglaho papuntang Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
               Kagagaling lang ni Lira sa silid na imbakan ng pagkain nag-ayos kasi siya ng mga imbak na pagkain doon ayon na din sa utos sa kanya, wala naman kasi siyang magagawa ngayon kundi ang maging dama sa Lireo wag lang siyang malayo sa nanay at tatay niya. Paglabas niya don ay nakita niyang nagmamadali ang Mashna Aquil at Hafte Muros papunta sa silid ng Reyna sa dulo ng pasilyo.

                Alam niyang doon ang silid ni Amihan sapagkat iyon ang nag-iisang silid sa dulo ng pasilyo. Nakaramdam naman siya ng kaba para sa Ina niya na di siya naaalala. Agad na nagtatakbo si Lira papunta doon ng pigilan siya ng kawal.

            "Dama hindi ka maaari dito... Walang ibang pinapapasok maging ang kanyang mga dama." Sambit nito sa kanya.
           "Ngunit di naman ako isang dama lang." Malungkot na bulong sa sarili ni Lira pero wala na siyang nagawa at tumabi na lang siya at doon niya nakita ang humahangos na sila Rehav Ybrahim, Sang'gre Alena kasama si Wantuk, may pag-aaalala din sa mga wangis nito. Agad na pinadaan ito ng mga kawal.

           Gusto sanang sumunod ni Lira pero alam naman niya na di siya papayagan kaya naman nagtungo na lang siya sa silid dasalan. Pagdating niya doon ay pinagsalikod niya ang kanyang mga kamay at tumingin kay Emre.
            "Emre.... Lord.... God o kung sino man ang nanadyan sana po naririnig niyo ako.....Sana po ibalik niyo na po ako sa isipan at ala-ala ng aking mga magulang kasi po miss na miss ko na po sila..... At mahal na mahal ko po sila." Umiiyak na sabi ni Lira at siya ay umaasa na sana dinggin at tuparin ni Emre ang kanyang munting kahilingan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                      Nagmamadaling pumasok sa silid ng Reyna sila Ybrahim, Alena at Wantuk. Naratnan nila sa loob sila Danaya, Aquil, Muros at Imaw. Agad na nilapitan ni Ybrahim Amihan at nakita niyang gising na ito.

          "Kamusta ang iyong lagay Amihan?" Tanong niya sa Hara at di niya napigilan ang sarili na hawakan ang kamay ni Amihan.
          "Maayos na ang aking pakiramdam Ybrahim, avisala eshma sa iyong pag-aalala." Sambit nito.
          "Sinabi ko naman sayo.... Palaging may pag-aalala ang aking puso para sayo." Mahinang sambit ni Ybrahim. Di naman iyon nakatakas sa pandinig ni Alena marahan siyang napayuko.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon