Ω Kabanata VIII Ω Pagdadalang-Diwata

3.2K 105 10
                                    

Ω Kabanata VIII Ω
Pagdadalang-Diwata
Ω


              Naikuyom ni Pirena ang kanyang mga palad ng malaman niya mula kay Gurna ang nagaganap sa kapatid nyang si Amihan. Kaya naman ngayon may naisip na siyang paraan para mapantayan ang apwe.

            "Avisala Kawal." Nakangiting sabi niya sa kawal ng Lireo na naka-pwesto sa di kalayuan sa Lireo.

           "Mahal na Sang'gre... Anong kailangan niyo?" Tanong nito. Ngumiti si Pirena.
           "Ikaw..." Nakangiting sabi niya at pinatulog ang kawal na nahandusay sa damuhan saka niya pinasok ang panaginip nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           Di maintindihan ni Amihan ang saya na nararamdaman niya ngayon na nalaman niyang siya ay nagdadalang-diwata. Nasa kanyang kwarto ngayon ang kanyang ina at mga kapatid.

           "Maligayang maligaya ako para sa iyo Anak." Nakangiting sabi ni Mine-a at niyakap si Amihan.

          "Avisala Eshma Ina..." Nakangiting sabi ni Amihan.

          "Ngunit nagtataka lang ako ina... Sino ang encantadong iyon sa aking panaginip?" Tanong ni Amihan. Maging ang mga apwe ay nakuha ang pansin ng kanyang tanong.

           "Marahil ang encantado sa iyong panaginip ay isang dugong bughaw na inilaan ni Emre para sayo anak." Nakangiting sabi ni Mine-a kay Amihan.

             Napangiti naman sila Amihan sa narinig mula sa ina.

          "Malalim na ang gabi magpahinga ka na.... Alena, Danaya... Tayo na at lumabas na." Sabi ni Mine-a sa mga anak.

           "Ina maaari bang maiwan muna kami ni Danaya dito... Nais lamang namin na maka-usap pa si Amihan." Nakangiting hiling ni Alena sa Ina.
Napangiti naman si Mine-a sa hiling ni Alena.

           "Maaari naman... Ngunit pagpahingahin niyo din si Amihan... Nagdadalang diwata siya." Nakangiting sabi ni Mine-a saka ito lumabas kasama si Ades at ang ilang dama.

         Ng nakalabas na ang inang reyna at ang mga dama ay agad na tumabi kay Amihan ang mga apwe at kanilang pinagmasdan ang simbulo ng paglalang sa palad ni Amihan.

          "Ano ang nararamdaman mo ngayon Amihan?" Nakangiting sabi ni Danaya.
    
         "Nasasabik ako na natatakot Danaya.... Paano kung di ako maging mabuting ina...." Sabi ni Amihan.
         "Wag mong sabihin iyan Amihan dahil ako ay naniniwala na magiging mabuting ina ka pagkat nasa iyo ang mga katangian ng ating inang reyna." Nakangiting sabi ni Danaya sa Hara. Napangiti naman si Amihan sa tinuran ng kapatid.

          "Ngunit ang nais kong malaman ay ang wangis ng encantado na nakasama mo sa panaginip.... Ano ang hitsura niya Amihan?" Nakangiting tanong ni Alena.

             Napangiti naman si Amihan ng kanyang maaalala ang encantado sa kanyang panaginip.

           "Siya ay makisig Alena.... At ang mga mata niya.... Haaay.... Para kang matutunaw kung ikaw ay kanyang tititigan...kaya naman aaminin ko di siya maalis sa aking pag-iisip." Nakangiting sabi ni Amihan sa kapatid. Napangiti si Alena at Danaya sa sinabi ni Amihan.

           "Parang si Ybarro." Mahinang sabi ni Alena na narinig ng mga kapatid niya.
           "Ybarro? Alena sino si Ybarro?" Tanong ni Amihan. Nagulat naman si Alena sa nasabi.

            "Hmm.... Mukang may itinatago sa atin ang ating kapatid." Nakangiting tukso ni Danaya sa kapatid na si Alena.

          "Wala.... Isa lamang kakilala ang aking naalala." Nakangiting pagkakaila ni Alena sa kanyang mga kapatid.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          Agad na sinaksak ni Pirena ang kawal na kanyang ginamit at saka niya pinagmasdan ang simbulo ng paglalang sa kanyang palad.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon