Kabanata CV: WAKAS

3.4K 53 35
                                    

Kabanata CV
WAKAS

      

       Matapos ang pag-iisang dibdib ng Rama Ybrahim at Hara Amihan ng Sapiro ay sinundan ito ng isang linggong pagdiriwang ng buong Sapiro. Bumaha ng makakain at maiinom sa Sapiro bawat isa ay nagsasaya para sa bagong maharlikang pamilya.

         "Kanina pa kita hinahanap, asawa ko." Napalingon si Amihan mula sa pagtanaw sa bintana ng kanilang silid dahil sa sinabi ni Ybrahim.
        "Ano ang iyong tinuran?" Natatawang tanong niya sa kabiyak.
       "Asawa ko....sabi ni Lira ay iyon daw ang isa sa mga tawag ng kabiyak na lalaki sa kanilang kabiyak sa mundo ng mga mortal....masama bang pakinggan?" Tanong ni Ybrahim sa kanya napangiti siya saka niya hinaplos ang pisngi ng kabiyak.

        "Si Lira talaga......ngunit....ayos lang naman sa akin....nakakatuwang isipin na tayo lang ay may tawagan na ganyan dito sa Encantadia" nakangiting sabi nya saka niyakap ito. Inangat naman ni Ybrahim ang kanyang mukha at binigyan ng halik ang kanyang labi na kanya namang tinugon hanggang sa  laliman na nila ito.

        "Inay! Itay!" Napahiwalay sila sa isa't-isa ng marinig ang boses nila Caspian at Lirios na maya-maya pa ay tumatakbo na palapit sa kanila.
      "Mukang tinakasan na naman nila si Wantuk" naiiling na sabi ni Ybrahim nitong mga nakaraang araw kasi ay di na sila nakakapag-sarinlan kaya pinakiusapan nito si Wantuk na alagaan muna ang dalawa ngunit lagi naman natatakasan ng dalawa ang kanilang aldo Wantuk na madalas mangyari.

      "Caspian, Lirios di ba dapat kasama niyo si Aldo Wantuk?" Tanong ni Ybrahim sa mga anak
       "Eh nagtataguan po kami sa kagubatan ngunit ang tagal na namin nakatago ni Caspian di pa rin kami nahahanap ni Aldo Wantuk" sabi ni Lirios habang kinarga naman niya si Caspian.

     "Ngunit di niyo pa din dapat iniwan sya doon" sambit ni Ybrahim.
     "Tama na iyan Ybrahim....Caspian..Lirios halina sasalaysayan ko na lang kayo ng mgagandang mito" nakangiting sabi niya saka niya hinawakan sa kamay si Lirios.

        "Ngunit asawa ko.....nakalimutan mo yata ako." Paalala sa kanya ni Ybrahim. Nailing siya .
        "Maraming panahon para dyan Ybrahim" nakangiting sabi niya saka sila lumabas at tumuloy sa silid ng kambal.

        Naiwan naman si Ybrahim na di malaman kung matatawa o maiinis dahil sa kanyang mga anak.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

         Makalipas ang isang taon mula ng mag-isang dibdib nila Ybrahim at Amihan ay naghanda naman ang lahat para sa pagbaba sa trono ng Lireo ni Hara Danaya at pag-upo naman ni Alena sa trono. Alinsunod sa napag-usapan ng dalawang sang'gre

       Lahat ay dumalo sa araw ng pagpuputong ng korona sa bagong hara. Pagka-upo ni Alena sa trono ay inalis ni Danaya ang kanyang korona bilang sang'gre saka ipinutong naman ni Cassiopei-a ang korona sa kanyang ulo.

        "Ivo live Hara Alena." Sambit ng  mashna  ng Lireo na si Muroz
        "Nawa'y mapanatili ko ang kasaganaan at kapayapaan." Sambit ni Hara Alena.
      "Ivo live Hara Alena!" Ang paulit-ulit na sigaw ng lahat ng nasasakupan ng bagong reyna.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

        "Ngayong nakaupo ka na sa trono ng Lireo...marapat na siguro ay humiling na tayo sa Bathalang Emre ng iyong magiging tigapag-mana mo Hara Alena." Sambit ni Imaw habang sila ay nasa silid tanggapan nito. Napatahimik at napatingin naman sa kanila si Alena.
         "Imaw...Cassiopeia... Mga kapatid ko......di pa yata ako handa na magkaroon ng anak muli" sambit ni Alena na ikinataka ng lahat.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon