Ω Kabanata XV Ω Ang Pagkawala ni Alena

2.2K 63 12
                                    

Ω Kabanata XV Ω
Ang Pagkawala ni
Alena
Ω


Inilibot ni Ybarro ang kanyang paningin sa loob ng abandonadong Moog ng Sapiro. Nang malaman niya ang katotohanan sa kanyang ama-amahang si Apitong ay agad niyang niyaya sila Paco at Wantuk papuntang Sapiro.

"Ybarro....este Prinsipe Ybrahim....ano naman ang gagawin natin dito....sabi nila may mga ivtre dito....." May takot sa boses na sabi ni Wantuk kay Ybarro.

"Ssheda Wantuk....magkakasama naman tayo kaya wag ka nang maduwag." Sabi naman ni Paco samantalang tahimik lamang si Ybarro.

"Dito ba talaga ako galing sa isang bumagsak na kaharian?" Tanong ni Ybrahim sa sarili niya.

"Bakit Ybarro.....nagdududa ka ba sa ipinagtapat ni Among Apitong?" Tanong ni Paco. Umiling si Ybarro.

"Hindi Paco....." Sambit niya
"Kung gayon ay bakit ganyan ang katanungan mo Prinsipe Ybrahim?" Tanong ni Paco.

"Prinsipe Ybrahim....napaka-banyaga ng pangalan na iyan sa akin....isang prinsipe na walang kaharian...." Naiiling na sabi ni Ybarro.

"Kung di ka naman mapalagay pala ay umalis na tayo dito...kanina pa naninindig ang aking balahibo dito." Sabi ni Wantuk saka ito nagpatiunang maglakad na sinundan naman ni Paco saka lang naglakad si Ybarro paalis.....

"Ybrahim......"

Napalingon si Ybarro ng marinig niya ang mahinang pagtawag na iyon, ngunit wala naman syang nakita kaya ipinagkibit balikat na lamang iyon at baka namali lang ang pandinig niya.

Saka siya naglakad palabas ng moog ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.

Napalingon si Amihan ng pumasok sa kanyang silid si Danaya mula sa labas ng palasyo. Agad siyang tumayo at sinalubong ang apwe.

"Danaya ano ang nangyari sa iyong paghahanap kay Alena?" Tanong niya agad dito. Umiling si Danaya.

"Hindi ko nakita si Alena....Hara nangangamba ako na baka kung ano ang nangyari kay Alena." Sambit ni Danaya. Napaliling si Amihan saka siya lumingon sa isang kawal.

"Abog....ipatawag si Mashna Aquil at Hafte Muros." Utos niya kay Abog na agad naman na sumunod.

Ilang sandali pa ay dumating na ang dalawa na yumukod muna kay Amihan.
"Mahal na Reyna ano't kami ay iyong ipinatawag?" Sabi ni Aquil.

"Mula pa kagabi ay di pa umuuwi si Alena kaya naman nais kong sumama kayo kay Danaya at siyasatin niyo maging ang kuta ng mga mandirigma....baka naroon si Alena." Utos ni Amihan sa tatlo.

"Masusunod Hara Amihan." Sambit ni Aquil saka sila naglakad palabas ng Lireo. Napahinga naman ng malalim si Amihan dalangin niya ay makita na ng mga ito si Alena ng walang masamang nangyayari.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.

"Sang'gre Danaya....wala ni bakas ng Sang'gre Alena dito sa kagubatan." Sambit ni Aquil sa kanya. Napailing naman si Danaya at kanyang inilabas ang brilyante ng lupa.

"Ngunit nararamdaman ng aking brilyante na malapit lamang ang aking apwe dito." Sabi niya sa Mashna at saka sila naglakad sinundan nila ang liwanag na binibigay ng brilyante ng lupa hanggang sa makita nila ang isang balabal na kulay berde na kagat ng isang dragon.

"Pashnea! Kay Alena yan!" Sigaw ni Danaya at kanyang pinatamaan ang dragon na ikinaungol nito sa sakit saka ito lumipad paalis naiwan ang balabal ni Alena, agad itong dinampot ni Danaya.

"Kay Sang'gre Alena nga iyan....ngunit nasaan siya?" Tanong ni Muros sa mga kasama.

"Malalaman natin yan gamit ang tungkod ng balintataw ni Imaw." Sabi ni Danaya saka kumapit sa kanya ang dalawa saka sila gumamit ng evictus pabalik ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.

Pagdating sa Lireo ay nagpunta agad sa punong bulwagan sila Danaya at Aquil kung nasaan sila Amihan at Imaw.

"Danaya....ano ang nangyari?" Tanong ni Amihan sa kapatid na may pag-aalala sa wangis.
"Hindi namin nakita ang sang'gre Alena...." Sabi ni Aquil.

"Ngunit nakita namin ang kanyang balabal sa bibig ng isang dragon." Sabi ni Danaya saka binigay kay Amihan ang balabal ni Alena na inabot naman ni Amihan.

"Imaw....alamin mo kung ano ang naganap sa aming kapatid." Utos ni Amihan sa pinuno ng mga adamyan.

"Masusunod Mahal na Reyna....tungkod ng balintataw ipakita sa amin ang naganap sa Sang'gre Alena!" Utos ni Imaw sa tungkod ng balintataw. Nag-ilaw naman ang tungkod ng balintataw at ipinakita ang paglaban ni Alena sa isang dragon at ang pagkagapi nito.

"Ibig sabihin napaslang ng dragon na yaon si Alena?" Naiiyak na sabi ni Danaya.

"Mahabaging Emre....Danaya.... ang ating kapatid...." Naiiyak na sabi na din ni Amihan ng ilang sandali pa ay dumating si Pirena kasama si Gurna.

"Bakit ganyan ang iyong mga wangis....ano ang nangyari?" Tanong ni Pirena

"Si Alena, sa palagay namin ay napaslang ng isang dragon" umiiyak na sabi ni Amihan, agad na lumapit si Pirena kay Amihan at kanya itong niyakap. Maging si Danaya ay kanya ding niyakap...

Nagluksa ang mga sang'gre at buong Lireo sa pagkamatay ng sang'gre Alena.....ang pangatlong anak ni Mine-a.

"Magbigay pugay sa Sang'gre Alena...." Sabi ni Aquil at ang lahat.ng kawal ay nagbigay ng pugay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos magbigay ng mga babaylan ng pagpupugay kay Alena ay agad na umalis si Pirena ng Lireo ng walang nakaka-alam at sa isang malayong tagong kubol siya nagtungo.

Marahan siyang pumasok dito at kanyang nakita ang nahihimbing na si Alena na inalaagaan ni Hitano. Ng makita siya nito ay tumayo ito at nagbigay pugay sa kanya.

"Kailangan niyo nang makaalis ng Encantadia ng sa gayo'y di na kayo makita nila Amihan.....ito ang mga ginto....ang kalahati ay ibigay mo sa mga bandido ng sa gayo'y paraanin nila kayo sa kanilang lagusan papuntang mundo ng mga mortal at ang kalahati ay gamitin niyo pansimula roon." Sabi ni Pirena.

"Avisala Eshma....Sang'gre Pirena.....ngunit bakit niyo ba ito ginagawa?" Sabi ni Hitano.

"Bakit ko ito ginagawa? Ng sa gayo'y mabawasan ang aking mga vedalje." Sabi niya. Tumango naman si Hitano at kanyang binabalan si Alena at binuhat.

"Avisala Meiste..." Sabi nito saka ito naglakad palabas ng kubol. Nakangiti naman na inilabas ni Pirena ang brilyante ng tubig na kanyang kinuha mula sa mahinang apwe na si Alena.

Katulad ng kanyang apweng si Alena ay madali din niyang nalinlang sila Amihan, madali niyang napaniwala na si Alena ang napaslang ng dragon ngunit ang totoo ay siya ang nakita nila, nagbalat-kayo siyang si Alena at ang dragon ay kanyang alaga kaya naman di siya nasaktan ng kagatin siya nito at nagkunwaring pinaslang siya.

"Paiikutin ko kayong lahat sa kamay ko.....hanggang sa makuha ko na sayo ang trono ng Lireo, Amihan." Nakangising sabi ni Pirena.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
#EvilPirena
Sorry sa super late update....
Anyway enjoy!
Comments and Votes.


Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon