Ω Kabanata LI Ω Mga Maitim na Balak ni Adhara

2.5K 76 6
                                    

Ω Kabanata LI Ω
Mga Maitim na
Balak ni Adhara
Ω


              Matagal ng naghihintay sila Adhara ng balita mula kay Lila Sari ngunit wala silang nababalitaan mula dito.
         "Adhara, ano na kaya ang nagaganap kay Lila Sari.... Di kaya tayo ay tinraydor na niya?" Tanong ni Mayca.

          "Ayokong isipin yan Mayca ngunit kung magkagayon man.... May nakahanda na akong plano." Sambit niya.
          "At ano ito?" Tanong ni Mayca.
          "Ang makuha ang brilyante ng mga anak ni Mine-a na kalaban ni Pirena.... Pag nakuha ko ang brilyante sa kanila ay makakalaban na tayo kayla Hagorn at makukuha na natin ang nararapat para sa atin." Sambit ni Adhara.

          "Ngunit paano mo ito maisasagawa Adhara... Malakas din ang mga anak ni Mine-a." Nag-aalalang sabi ni Mayca.
          "Walang malakas na Ina kung ang anak na nito ang nalalagay sa panganib." Nakangising sabi ni Adhara sa kapanalig. Napatango naman si Mayca.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             Marahang pumasok si Lira sa silid ng kanyang ina na nakahiga katabi ang nahihimbing na si Pao-pao , saka siya tumabi sa mga ito.
          "Inay..." Sambit ni Lira napalingon naman si Amihan at napangiti ng makita ang anak.

          "Anak... May bumabagabag ba sa'yo?" Saka ito umupo, umiling naman si Lira.
           "Wala naman po... Inay...baka kasi nalukungkot pa rin kayo sa pag-alis ni Caspian." Sambit ni Lira napahinga naman ng malalim si Amihan.
          "Di naman maaalis sa akin iyon anak.... Kahit kailan ay di magiging tama para sa isang ina ang malayo sa kanyang anak...ngunit kailangan... Para sa ikabubuti naman nating lahat iyon." Sabi ni Amihan saka niya niyakap si Lira.

          "Basta ako Inay... Di ako mawawala sa tabi mo dito lang ako promise." Nakangiting sabi ni Lira sa ina na ikinangiti ni Amihan.
         "At di naman ako papayag na mawala ka sa akin anak... Itataya ko ang buhay ko para sayo.... At para kay Caspian sa hinaharap." Nakangiting pangako din ni Amihan sa anak.

          "Mabuti pa matulog na tayo anak...naging mahabang araw ito para sa atin." Sabi ni Amihan saka niya pinahiga sa kanyang kandungan si Lira at marahan niyang hinahaplos ang buhok nito at inawitan ang anak.

         "Matagal ko nang pangarap....Laman ng bawat dasal.....Makapiling, makausap ka tuwina......Masdan man lang ang iyong mga mata... " pag-awit ni Amihan saka siya napangiti dahil sa tuwing inaawit niya ang awitin na ito ay iisang encantado lang ang tumatakbo sa kanyang isipan....

           At ngayon ng dahil sa kanyang mga anak ay may bagong ala-ala siyang maikakabit sa napakagandang awitin na ito. Di tuloy nya maiwasan na haplusin ang kanyang labi.
.
.
.
.
.
.
.
.
         Mula sa paglilibot sa Dakilang Moog ay bumalik na sila Ybrahim, Wantuk at Wahid sa kamalig ng Sapiro at agad niyang hinanap ang kanyang mag-ina at kanyang natagpuan ito sa silid na ginagamit ni Amihan.

          "Araw hanggang gabi Ikaw ang aking panalangin.....Sana∙y dinggin mo nang aking hiling......Sana ay dumating na ang araw na makilala mo....At makausap ng saglit ang puso kong ito....Sana ay magkatagpo ang puso ko at puso mo....Mapagbigyan kaya itong hiling?" Narinig niyang pag-awit ni Amihan habang pinatutulog si Lira.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon