Ӝ Kabanata LXXIII Ӝ
Ang
Huling Pagsubok
para kay
Lira at Mira
Ӝ
Malalim na ang gabi at katulad ng nakasanayan ni Rama Ybrahim ay muli itong tumanaw sa Lireo mula sa azotea ng Sapiro.
Sa tuwing tinitingnan niya ang Lireo ay para na din niyang nakikita ang wangis ng kanyang mahal na si Amihan. Huminga siya ng malalim saka siya tumingin sa madilim na kalangitan."Amihan.... Kamusta ka na kaya Mahal ko.... Sana masaya ka sa kinalalagyan mo ngayon..." Sambit niya ng maramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Lira.
"Itay nandito na naman po pala kayo...iniisip niyo na naman po si Inay?" Tanong ng anak niya sa kanya."Di mo naman maiaalis sa akin iyon Lira.... At sa bawat araw sa loob ng nagdaang taon ay di nawala sa aking isip at puso ang iyong Ina." Sambit niya sa anak. Tumango naman si Lira.
"Tama kayo Itay... Ako din walang araw na di ko iniisip si Inay... Kung ano na kaya ang buhay natin ngayon kung nananatili siyang buhay... Siguro mas masaya tayo lalo na si Caspian." sabi ni Lira napatango naman si Ybrahim sapagkat ang mga tanong na iyon din ang kanyang itinatanong sa kanyang sarili."Pero naniniwala ako anak na darating din ang panahon na makakasama natin siyang muli." Sambit ni Ybrahim saka niya niyakap ang anak. Sabat silang napahinga ng malalim ni Lira at pinagmasdan ang madilim na kalangitan.
"Oh siya magpahinga ka na at alam kong magiging mahaba ang araw mo bukas dahil sa huling pagsubok sa inyo ni Mira mula kay Cassiopei-a." Sambit niya sa anak.
"Wag kayong mag-alala Itay gagalingan ko po para maipagmalaki niyo ako." Nakangiting sabi ni Lira."Anak di naman kailangan iyon.... Ako ipinagmamalaki ko kayo ni Caspian kahit pa ano ang maging desisyon niyo sa buhay." Nakangiting sabi ni Ybrahim sa anak. Nakangiting tumango din si Lira sa ama.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hapong napa-upo sa batuhan si Lila Sari pagkatapos nilang maglakbay pabalik ng kagubatan ng Lireo.
"Sa tingin mo ba tama ang gagawin natin na paghingi ng tulong sa nga Sang'gre, noon nga di nila ako tinulungan." Sambit ni Lila Sari kay Hitano."Sa tingin ko naman ay tutulungan tayo ng mga Sang'gre... Wala naman dahilan para hindi nila tayo tulungan ngayon." Sagot ni Hitano. Mahaba-haba na din ang nilakbay nila sa nakalipas na anim na taon para lang mahanap si Amaia, ngunit walang nangyari nanatili silang bigo.
Kaya naman ng imungkahi ni Hitano na humingi sila ng tulong sa mga diwata, kahit na may pagdadalawang isip siya ay pumayag na din siya. Sana lang ay wag silang biguin ng mga ito.
"Tayo na Lila Sari ng tayo ay makarating na sa palasyo." Sabi pa nito. Tumango naman siya saka sila muling naglakad.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinaumagahan ay agad ba ipinatawag ni Cassiopei-a sa kanyang isla sila Lira at Mira para sa kanilang huling pagsubok para maging isang ganap na Sang'gre."Mira kinakabahan na naeexcite talaga ako!" Nakangiting sabi ni Lira sa pinsan habang inaayos nila ang kanilang mga dalang espada.
"Ako nga din Lira... Ngunit alam ko na dapat nating husayan dahil di magiging madali ang pagsubok na ibibigay ni Cassiopei-a." Sambit ni Mira sa pinsan."Tama ka naman diyan." Sabi ni Lira saka siya luminga-linga pero di pa rin niya makita ang hara-durie.
"Pero nasaan kaya si Cassiopei-a?" Tanong ni Lira.
"Yan nga din sana ang itatanong ko sayo." Sabi ni Mira ng maramdaman nilang dalawa ang pagbabago ng lupang kinatatayuan nila.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanfictionOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018