Ӝ Kabanata XCVII Ӝ Pagmamahal

1.6K 38 5
                                    

Ӝ Kabanata XCVII Ӝ
Pagmamahal

Ӝ


Sa Nakaraan.....
      Sa Sapiro.........

            "Natutuwa talaga ako na nakilala namin ni Danaya ang aming ama" Nakangiting sabi ni Alena sa mga apwe ng bumalik sila sa Sapiro samantalang si Enuo naman ay nagpunta na sa kuta ng mga diwata na nasa Ascano ngayon.

           "Maging ako Alena natutuwa ako para sa inyo ni Danaya." Nakangiting sabi ni Pirena sa mga dalawa samantalang di naman mapakali si Amihan dahil di sila nagkita ni Ybrahim ng umalis sila sa Hera Andal.

         "Amihan.... Tila di ka mapakali?" Tanong ni Danaya sa kanya.
        "Si Ybrahim.... Di ko na siya nakita ng paalis na tayo ng Hera Andal.... Nangangamba ako na baka may nangyari sa kanya." Sagot naman niya kay Danaya.

        "Malakas at may taglay na talino si Ybrahim alam kong darating din siya dito sa Sapiro." Sambit ni Danaya sa kanya tumango na lamang siya samantalang may simpatya naman siyang tiningnan ng tatlo.

          "Ngunit sino kaya ang nagtakas sa ating Ina?" Pagbubukas ni Pirena ng panibagong diskusyon.
        "Isa pa iyan sa aking iniisip Pirena." Sambit niya

        "Ina? Nakapiit saan ang inyong Ina?" Tanong ni Asval na lumapit sa kanila kasama si Arkrey napatingin naman ang mga Sang'gre sa sapiryan.

       "Ano bang pakialam mo?" Inis na sabi ni Pirena kay Asval na kumunot ang noo sa kanilang kapatid.

        "Poltre Prinsipe Asval sa inasal ng aming apwe at para sagutin ang iyong tanong oo nakapiit ang aming Ina sa Hera Andal." Sabi ni Alena kay Asval tumango naman ito sa kanila.

        "Kaya ba nakikipaglaban kayo sa Etheria?" Tanong nito sa kanila.
        "Oo....tama ka." Sagot naman ni Danaya. Tumango muli si Asval
       "Mas nasisiguro ko ngayon na mas gagawin niyo ang makakaya niyo para pabagsakin ang Etheria kasama namin dahil sa inyong layunin." Natutuwa na sabi ni Asval.
       Tiningnan na lamang nila ito at nanahimik na lamang sila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Kasalukuyan......

          Nakalabas na din ng bundok ng Saluya sila Mira at Lira kasama ang mga Mulawin dala na nila ang ruwido na hawak ni Lira.

        "Mabuti naman at nakuha na natin ang ruwido.... Makakabalik na tayo sa Lireo para magapi ang Minukawa" sambit ni Mira na inilabas ang susi sa puno ng Asnamon.
        "Tama ka bessy." Nakangiting sabi naman ni Lira.

        "Kaya ano pa ang hinihintay natin tayo na." sabi naman ni Almiro tumango naman sila saka kumapit ang mga Mulawin sa dalawang Sang'gre saka sila nag-evictus papunta sa puno ng asnamon pagdating nila doon ay itinaas ni Mira ang medalyon.

        "Asnamon voyanazar. Papasukin mo kami sa mundo ng Encantadia!" Sambit ni Mira saka nagliwanag ang puno ng asnamon.

         "Tayo na." Sabi niya sa mga kasama.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

         "Sigurado ka bang dito mo siya gustong dalhin Rehav Raquim?" Tanong ni Ybrahim kay Raquim na nilalagyan ng halamang gamot ang sugat ng walang malay na si Mine-a.
        "Oo.... Ang kailangan niya ngayon ay magpalakas at maging ligtas sa mga Etherian." Sagot naman nito tumango naman siya saka siya umupo sa tabi nito.

        "Ngunit naiisip mo ba na magdudulot ito ng hidwaan sa pagitan ng Hathoria at Sapiro?" Tanong niya muli dito. Napahinga naman ng malalim si Raquim.
       "Alam ko at handa akong harapin ang galit nila pero ang mahalaga ngayon ay si Mine-a." Sambit ni Raquim saka hinaplos ang pisngi ng ng tulog na encantada.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon