Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena

2.2K 63 10
                                    

Ω Kabanata LXIII Ω
Ang Agam-agam
ni Pirena
Ω


              Luminga-linga sila Amihan, Ybrahim at Danaya sa guho ng Hathoria ng dumating sila doon.
         "Nasaan kaya ang buktot na hari ng Hathoria?" Tanong ni Amihan.
         "Nandito lang siya Amihan... Nararamdaman ko kaya maging handa kayo." Sambit ni Danaya. Samantalang si Ybrahim naman ay ginagawa ang lahat wag lang mawaglit sa paningin niya si Amihan.

          "Avisala Amihan." Napatingin silang tatlo sa taas ng guho ng Hathoria at doon nila nakita si Hagorn kasama ang nakatali at nakabusal na si Mira.

         "Hagorn.... Wala ka na talagang kadala-dala." Sambit ni Amihan saka nila nilabas ni Danaya ang kanilang mga brilyante.
         "Sige gamitin nyo ang inyong mga brilyante kung gusto niyong matupok ang inyong hadia." Nakangising sabi ni Hagorn saka nito inilabas ang brilyante ng apoy at itinapat kay Mira na kahit nakabusal ang bibig ay halos magsisigaw sa init na dala ng brilyante ng apoy.

          "Pashnea Hagorn! Wag mong gawin yan kay Mira!" Sigaw ni Amihan na gustong gusto nang gamitan ng kapangyarihan ng brilyante si Hagorn kundi lang manganganib  ang buhay ni Mira.
         "Ssheda bitawan mo ang anak ko!" Sigaw ni Pirena na biglang dumating.

         "Pirena!" sabi ni Amihan
         "Nandito ka." Sambit naman ni Danaya.
         "Avisala mga warka.... Sa tingin niyo ba pababayaan ko ang anak ko?" Tanong ni Pirena sa kanila.

         "Mabuti naman kung ganoon." Sambit ni Amihan.
         "Tama na yan.... Pagtuunan natin ng pansin ang pagliligtas kay Mira." Sabi ni Ybrahim sa kanila ng biglang napalibutan na sila ng mga natitirang hathor.

         "Mabuti at nandito kayo para sabay sabay ko na kayong mapaslang!" Sigaw ni Hagorn sa kanila saka sila sinalakay ng mga hathor. Agad naman na kinalaban nila Danaya at Pirena ang mga ito.
    
          "Amihan." Sambit ni Ybrahim, tumango naman si Amihan. Inilahad ng Rehav ang kanyang kamay na hinawakan naman ng Hara at magkahawak-kamay nilang nilabanan ang mga hathor na sumalakay sa kanila. Kung sino man ang makakakita sa dalawa ay masasabing kilala na nila ang isa't-isa dahil alam ng bawat isa kung paano susuportahan ang pag-atake na ginagawa ng isa.

          Nang mapansin ni Hagorn na natatalo na ang kanyang mga Hathor ay agad niyang nilagyan ng pananggalang apoy si Mira para di ito malapitan nila Amihan saka siya bumaba para harapin ang mga Sang'gre. Agad naman siyang hinarap ni Pirena.

          "Tayo ang magharap Hagorn..... Napakasama mo talaga... Pati ang sarili mong apo idadamay mo dito?" Galit na sabi ni Pirena.
          "Kagaya ng sinabi ko noon walang kadugo o pamilya sa digmaan." Sambit ni Hagorn saka nito sinalakay si Pirena na agad namang sinangga ng Sang'gre at nagtungalian sila gamit ang espada ng isa't-isa kinalimutan na nila ang pagiging mag-ama nila.

         "Danaya.... Si Mira puntahan mo kami na ang bahala ni Ybrahim sa mga hathor" Utos ni Amihan kay Danaya na agad naman na sinunod ng apwe niya. Gamit ang brilyante ng lupa ay gumawa si Danaya ng isang buhawi na nag-alis sa mga hathor sa daraanan niya saka niya tinakbo ang kinaroroonan ni Mira.

          "Mira... Aking hadia." Sambit ni Danaya pero di siya makalapit dito dahil sa apoy na nakapalibot sa diwani. Muli ay nilabas ni Danaya ang brilyante ng lupa at inutusan itong patayin ang apoy na nakapalibot kay Mira. Nang mawala ang mga apoy ay agad na nilapitan ni Danaya si Mira at tinanggal ang busal nito at tali.
 
         "Avisala Eshma ashti Danaya." Nakanhinga ng maluwag na sabi ni Mira saka siya niyakap ng kanyang ashti.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon