Ω Kabanata XXVII Ω
Mga Itinakdang
Pagtatagpo
Ω
"Ybrahim..... Paanong nakalimutan ko siya sa mahabang panahon.... At siya paanong wala siyang maaalala tungkol sa akin?" Sambit ni Amihan sa sarili ng mapansin niya na wala na siyang mga sugat ."Ayan gising ka na!" Napatingin si Amihan sa nagsalita at isang paslit ang kanyang nakita.
"Sino ka paslit at nasaan ako?" Sambit niya.
"Nandito ka po sa Avila." Nakangiting sabi nito. Napakunot ang noo niya."Ang lugar ng mga Mulawin..... Sino ang nagdala sa akin dito.... At paanong nawala ang aking mga sugat?" Tanong niya ng may pumasok ang isang makisig na mulawin.
"Ang batang ito na Pao-pao ang ngalan ang siyang nagligtas sayo diwata... At siya din ang nagpagaling sayo....ako nga pala si Lakan....pinuno ng mga Mulawin." Sabi nito.
"Paanong napagaling ako ng isang paslit? Mulawin din ba siya?" Tanong niya.
"Hindi isa siyang ligaw na tao." Sagot ni Lakan."At napagaling ko po kayo gamit ang kaibigan ko!" Pagmamalaki ni Pao-pao at inilabas ang brilyante sa kamay na ikinagulat ni Amihan.
"Brilyante? Paanong may brilyante ka...? Saan mo ito nakuha?" Tanong niya sa bata."Napulot ko po.. ..tapos ayaw na niyang umalis sa kamay ko." Sabi ni Pao-pao.
"Kamangha-mangha...." Sabi ni Amihan saka niya inilabas ang brilyante sa kanyang palad at nararamadaman ni Amihan ang pagkilala ng kanyang brilyante sa munting brilyanteng hawak ni Pao-pao."Hawak mo ang brilyante ng Hangin.... Ibig sabihin ikaw ang Hara ng Lireo?" Sambit ni Lakan.
"Ako nga Mulawin.... Ako si Amihan." Sabi niya dito at agad naman na yumukod si Lakan sa kanya."Poltre Hara Amihan dahil di ko kayo nakilala." Sambit ni Lakan.
"Wag mo nang isipin yun Lakan...." Sambit ni Amihan saka ito tumayo at marahang lumabas ng kubol.May mangilan-ngilang Mulawin ang naratnan doon ni Amihan. Ilang sandali pa ay sumunod sa kanya sila Lakan at Pao-pao ng isang nakasisilaw na liwanag ang kanilang nakita at mula dito ay lumabas ang isang diwata na nakikilala ni Amihan.
"Cassiope-a...." sambit niya. nakangiting lumapit naman ito sa kanya.
"Natutuwa ako at ligtas ka Hara Amihan." sambit nito sa kanya.
"ganun din ako Cassiope-a..... pero kailangan ko ding makabalik agad sa Lireo.... para sa mga nasasakupan ko." sabi niya. tumango naman si Cassiope-a ng maalala niya ang brilyante ni Pao-Pao."Mata.... maaari ko bang malaman kung bakit may ikalimang brilyante ang batang ligaw?" tanong niya .
"Ang brilyante ni Pao-pao na tinatawag na brilyante ng diwa ay maliit kumpara sa mga hawak niyo.... ngunit taglay nito ang kapangyarihan na mayroon ang apat na brilyante kaya malakad din ito...." nakangiting sabi ni Cassiope-a napatango naman siya saka siya bumaling kay Pao-Pao.
"Narinig mo iyon Pao-Pao.... isa ka na sa amin.... isa ka na ding tigapangalaga ng Brilyante.... wag kang mag-alala Pao-pao ituturo ko sa iyo ang mga nalalaman ko." nakangiting sabi niya.
Nakangiting nakatingin naman si Cassiope-a kay Pao-Pao. isang paslit na pinili ng brilyante ng diwa. ngunit alam niyang di lubos na mortal si Pao-pao may kung ano sa dugo nito na ayaw ipagsabi ng mga Mulawin ngunit siya ang Mata at walang nakakatakas sa kanya.... ngunit itatago na lang din niya ito para sa kaligtasan ng lahat.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanficOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018