Ω Kabanata LXIX Ω
Isang Bagong
Simula
ΩMakalipas ang ilang araw ay naging katanungan sa mga diwata kung sino ang hahalili sa trono sa pagkawala ni Hara Amihan kaya naman muli ay nagtungo ang Hara Durie na si Cassiopei-a sa Lireo at tinipon ang lahat sa punong bulwagan ng kaharian.
"Hara Durie.... Sino nga ba ang hahalili sa namayapang Hara Amihan?" Tanong ni Aquil ganoon din ang katanungan ng lahat.
"Magkakaroon ba muli ng paligsahan para sa pagiging Reyna?" Tanong din ni Muros napatingin naman ang mga Sang'gre kay Cassiopei-a at naghihintay ng kasagutan."Hindi na kailangan ng paligsahan Muros.... Danaya alam kong may kalatas na iniwan sa iyo si Amihan." Baling ni Cassiopei-a sa pinakabatang Sang'gre. Tumango naman si Danaya at lumingon sa isang dama.
"Marikit.... Kuhanin mo sa aking silid ang kalatas na ipinagkatiwala sa akin ni Amihan." Utos ni Danaya sa dama
"Masusunod Sang'gre Danaya." Sambit ng dama saka ito yumukod at nagtungo sa silid ni Danaya.Di naman malaman ni Lira kung ano ang mararamdaman. May lungkot siyang mararamdaman dahil sa pagkawala ng Ina at saya para sa magiging bagong Hara. Naisip tuloy niya pagkatapos nito ay sa Sapiro muna siya maninirahan tutal nandoon din naman si Caspian dahil hangga't nasa Lireo siya lagi lang niyang maaalala ang kanyang Ina.
"Bes... Ayos ka lang?" Tanong ni Mira sa kanya.
"Oo naman Bes." Nakangiting sabi niya sa pinsan at kay Anthony na nakatingin sa kanila. Ilang sandali pa ay bumalik ba ang damang si Marikit na dala ang kalatas ibinigay nito iyong kay Danaya na binigay naman nito kay Cassiopei-a tumango naman ito at binuksan ang kalatas."Ang aking huling habilin....sa aking pagkawala hindi ko ninanais na kayo ay maguluhan at mawalan ng isang hara.
Kaya naman ginawa ko ang habilin na ito para sa inyo... Para bigyan kayo ng kalinawan.
Sa aking pagkawala.... Itinatalaga ko bilang aking kahalili sa trono ng Lireo ay ang aking kapatid na si Danaya.... Alam kong mapapangalagaan niya kayo at ang buong Lireo....Ivo live Danaya....
Amihan, Anak ni Mine-a, ika-limang Hara ng Lireo." Pagtatapos ni Cassiopei-a sa liham ni Amihan.Gulat na nakatingin si Danaya sa Hara durie at sa kanyang mga apwe.
"Danaya.... Tinatanggap mo ba ang habilin ni Amihan?" Tanong ni Cassiopei-a kay Danaya napatingin naman si Danaya sa mga kapatid. Nakangiting tumango naman sa kanya sila Pirena at Alena."Kung ito ang habilin ni Amihan... Tinatanggap ko" buong tatag na sabi ni Danaya, nagpalakpakan naman ang lahat sa pagtanggap ni Danaya sa pagiging hara.
Agad na pinakuha ni Cassiopei-a sa dama ang korona ng Lireo at pagbalik nito ay ibinigay ng dama ito kay Alena.
Marahan namang umupo sa trono si Danaya, habang tinanggal ni Pirena ang adorno sa buhok ni Danaya saka kinuha ni Cassiopei-a ang korona kay Alena at marahang ipinutong sa ulo ng bagong reyna.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanficOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018