Ω Kabanata XLIII Ω Ang Punyal ng Sandugo

3K 99 30
                                    

Ω Kabanata XLIII Ω
Ang Punyal ng Sandugo
Ω

         Habang naghahanda ng makakain ang mga dama para sa mga natitira sa Sapiro ay dumating ang argona ni Ybrahim sakay siya at si Caspian. Agad naman na lumapit sila Danaya, Aquil, Muroz, Imaw at Mira sa mga bagong dating.

          "Ybrahim natutuwa ako at dumating ka na.... Si Amihan?" Tanong ni Danaya.
         "Poltre nagkahiwalay kami... Ngunit ang nakita ko ay si Caspian." Sambit ni Ybrahim sa Sang'gre. Tipid na ngumiti naman si Caspian sa mga ito.

          "Kamusta aking hadia." Sambit ni Danaya na ikinagulat ng mga nakarinig.
          "Hadia... Paano mo siya naging hadia?" Tanong ni Muroz sa sang'gre ng nakita naman ni Caspian si Muroz ay lubos na kasiyahan ang kanyang nadama na makita muli ang kanyang ama-amahan.

          "Ado..." Nakangiting sabi ni Caspian at kanyang niyakap si Muroz na ikinagulat ng lahat lalo na nila Danaya at Ybrahim.

         "Si Muroz ang iyong ama?" May disgusto sa tinig ni Ybrahim ng kanyang sinabi ito. Ng di naman tumugon sa yakap niya si Muroz ay saka bumitiw si Caspian sa hafte
         "Poltre Ado.... Di mo pa nga pala ako kilala." Sabi ni Caspian.
          "Siyang tunay... Di ka pa namin kilala lahat..  Sang'gre Danaya sino ba ang encantado na ito?" Tanong ni Aquil kay Danaya na napahinga naman ng malalim.

         "Siya si Caspian.... Anak ni Amihan....mula sa hinaharap." Sambit ni Danaya sa lahat na nagulat sa tinuran ng sang'gre.
        "Ngunit papaano nangyari yun?" Tanong ni Mira na naguguluhan sa nagaganap.

         "Imaw may paraan ba ang iyong balintataw para malaman kung may katotohanan ang sinambit ng encantado?" Tanong ni Ybrahim. Mayroon pag-aalinlangan sa kanyang puso lalo na ng malaman nya maaring si Muroz ang ama nito. Di lang talaga matanggap ng kanyang isip o ng kanyang puso ang posibilidad na si Muroz nga ang ama ni Caspian.

            "Ang aking balintataw ay walang magagawa lalo na kung tama ang sinasabi niyo na galing siya sa hinaharap ang kanyang nakaraan ay di pa nagaganap kaya di ito makikita ng aking balintataw.
           Rehav may isang bagay ang makakapgpatunay nito... Ang punyal ng sandugo." Sambit ni Imaw. Napatingin naman si Caspian sa amang si Ybrahim marapat na ba niyang itama ang maling akala nito?

           "Kung gayon ay akin na itong hahanapin.... Ng malaman na natin ang totoo." Sambit ni Ybrahim at muli sanang sasakay sa argona ng lumitaw si Amihan.

         "Sa tingin ko ay ipagpaliban mo muna ang iyong gagawin Ybrahim.... Dahil may kasama ako na tiyak kong nanaisin mong makilala." Nakangiting sabi ni Amihan.
         "Mahal Kong Reyna mabuti at ligtas ka.... Ngunit sino itong sinasabi mo na ikatutuwa kong makilala?" Takang tanong ni Ybrahim sa Hara na ngumiti naman sa kanya.

           "Malugod kong ipinapakilala sa inyong lahat ang aking anak.... Si Lira." Sambit ni Amihan saka naman lumitaw si Lira.
          "Lira." Tuwang sabi ni Danaya. Napangiti naman ng malaki si Lira ng makita si Danaya.
         "Ashti!" Tuwang sabi ni Lira at niyakap ng mahigpit ang kapatid na bunso ng ina. Nakangiting tumabi naman si Amihan kay Ybrahim na di makapaniwala na nasa harapan na niya ngayon ang kanyang anak... Ang anak nila ni Amihan.

            Samantalang tuwang tuwa naman ang lahat sa pagdating ng anak ng Hara. Si Caspian naman ay natutuwang makita ng personal ang pinakamahalagang sandali sa buhay ng apwe.

         "Lira?" Tawag ni Ybrahim sa anak. Napalingon naman ang diwani sa mga magulang.
         "Po?"
         "Lira lumapit ka sa kanya...." Nakangiting sabi ni Amihan
          "Bakit po Inay?  Kaibigan niyo po?" Tanong ni Lira sa ina.
          "Hindi Lira... Mas mahigit pa... Pagkat siya ang iyong ama." Nakangiting sabi ni Amihan sa anak na nagulat naman sa nalaman ngunit napalitan din ng tuwa ng di naglaon.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon