Ӝ Kabanata LXXX Ӝ Isang Alok

1.9K 42 6
                                    

Ӝ Kabanata LXXX Ӝ
Isang Alok

Ӝ


              "Natutuwa talaga ako Caspian na ikaw pala ang aking isa pang apwe.... Kaya siguro magaan ang loob ko sayo noon sa academya." Nakangiting sabi ni Lirios habang nasa hapag sila ng Sapiro at hinahainan ng mga dama ng makakain.

         "Ako din Ka-E.... Ang ibig kong sabihin ay Lirios...masaya akong malaman ito pero aaminin ko nagulat ako noong una... Ang akala ko ay isa ka lang pangkaraniwang punjabwe." Sabi niya sa kapatid. Natawa naman si Lirios
         "Ako nga din.....di ko akalain na may dugong bughaw ako." Sagot nito.
         "Ngunit di mo pa tinatanggap ang ating mga magulang.... Sabihin mo di mo ba nais mapasama sa aming pamilya?" Tanong ni Caspian.

          "Isang karangalan ang mapasama sa pamilya niyo Caspian ngunit di ko rin naman matatalikuran ang aking kinalakhang lugar at lahi" sabi nito sa kanya. Napatango naman si Caspian.

        "Nandito lamang pala kayo." Napalingon ang dalawa ng pumasok sa silid ang kanilang amang si Rama Ybrahim saka ito umupo sa tabi nila.
        "Itay... Kinakausap ko lamang si Lirios para di siya manibago dito sa Sapiro." Sabi ng anak niyang si Caspian sa kanya.
         "Mabuti naman kung ganoon...." Nakangiting sabi ni Ybrahim sa anak.
         "Itay? Bakit tila ngayon ko lamang narinig ang salitang iyan patungkol sa isang ama?" Tanong ni Lirios, napangiti naman si Ybrahim sa anak.

         "Pagkat ang salitang 'itay' at ang salitang 'inay'... Ay salitang di nabibilang sa atin, Lirios.... Ito ay mga salitang galing sa mundo ng mga tao...na dala ng iyong edea Lira." Sagot niya sa anak.
         "Mundo ng tao? Bakit nanggaling na ba doon ang edea Lira?" Tanong ni Lirios.

         "Oo anak... Pagkat katulad mo at katulad namin ng iyong Inay ay nawalay din sa kanyang tunay na pamilya, sa amin ang iyong edea Lira....
          Ako ay nawalay sa iyong Ilo Armeo at napunta sa mga mandirigma kung saan ako kinupkop ng mga ito sa pamumuno ng iyong Ilo Apitong...." Sambit niya sa anak tumango naman si Lirios at si Caspian na ngayon lang narinig ang kwentong ito.

           "Ang iyong Ina ay nawalay naman sa kanyang Ina sa iyong Ila Mine-a...siya din ay nanirahan sa mundo ng mga mortal katulad ng iyong edea Lira kasama ang iyong Ilo Raquim....... Mapalad na lamang kami na nakita pa namin ang daan pabalik sa aming tunay na pinagmulan katulad mo at katulad ng iyong edea Lira" Nakangiting sabi ni Ybrahim saka niya niyakap ng sabay ang kanyang dalawang prinsipe.

          Nakangiti man ay may ibang tumatakbo sa isipan ni Caspian, pakiramdam niya ay siya lang ang naiiba sa pamilya nila sapagkat ang kanyang mga magulang at mga apwe ay may mga magkakaparehong karanasan ngunit siya ay wala. Napahinga na lang tuloy ang Diwan Caspian.

          "Rama Ybrahim." Sambit ni Mashna Alira Naswen na yumukod sa kanila.
         "Ano yun Alira?" Tanong niya.
         "Nagpadala po ng mensahe ang Hara Danaya ng Lireo. Nasa Lireo daw po ngayon ang Hara Avria ng Etheria at nais silang makausap mga Sang'gre." Pag-uulat ni Alira Naswen. Naalarma naman si Ybrahim.

           "Mga anak maiwan ko muna kayo.... Tutungo lamang ako sa Lireo...." Sambit niya sa mga anak na nagtanguan naman saka siya tumayo at tinawag si Hafte Mayca.
           "Rama." Sambit nito.
           "Hafte Mayca.... Pag-igihan niyo ang pagbabantay dito... Tutungo lamang kami ni Mashna Alira Naswen sa Lireo.....at wag mong aalisin ang paningin mo sa aking mga anak." Pagbibilin ni Ybrahim sa hafte.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon