Ӝ Kabanata XCI Ӝ Sila Memen at Ornea

1.5K 49 13
                                    

Ӝ Kabanata XCI Ӝ
Sila Memen at Ornea

Ӝ


Sa Ascano.....

          Malalim na ang gabi ngunit di pa din makatulog si Danaya kaya naman napagpasyahan niya na lumabas ng kanyang kubol. Kanina pagdating nila sa Ascano ay sinalubong sila nila Marvus at ng pinuno ng mga barbaro na si Ad'kha.

          Paglabas ni Danaya sa kubol ay isang malakas na hangin ang sa kanya ay tila yumakap at may ibinulong. Napangiti naman siya sa kanyang nalaman... Pinadala ni Amihan ang hangin na yaon para sabihin sa kaniya na nasa Sapiro ito at si Ybrahim.

        "Danaya.... Di ka pa ba magpapahinga?" Tanong ni Aquil na lumapit sa kanya.
         "Hindi pa Aquil... Ngunit buti na lamang dahil nagpadala ng mensahe sa hangin si Amihan at nasa Sapiro sila ngayon." Sagot ni Danaya kay Aquil.
        "Ano ang balak mo ngayon.... Pupuntahan ba natin sila?" Tanong nito.

        "Oo Aquil... Nang sa gayo'y mapuntahan na namin sila Pirena at Alena sa Hera Andal." Sagot muli niya kay Aquil.
         "Masusunod..... Pero sa ngayon ay magpahinga ka muna dahil alam kong mahaba-habang paglalakad ang papuntang Sapiro lalo na at di mo magagamit ang iyong evictus" mungkahi ni Aquil sa kanya. Tumango naman si Danaya.

       "Avisala eshma Aquil." Nakangiting sabi ni Danaya at ngumiti din ito sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa kagubatan ng Adjantao....

           "Memen, Ornea... Bilisan niyo baka tayo ay maabutan ng mga Kawal-Etherian." Sambit ni Evades sa dalawa na iniingatan naman sa pagtakbo ang kanilang sanggol na si Cassiopei-a.
          "Saan ang inyong tungo?" Nakangising sabi ni Andora na hinarangan na ang dinaraanan nila samantalanv pinalibutan na sila ng mga kawal-Etherian.
          "Andora... Aking hadia.   Hayaan mo na kaming maka-alis." Sabi ni Memen

          "Ssheda.... Ang aking katapatan ay nasa Reyna Avria kaya siya lang ang susundin ko! Dakpin sila!" Sigaw nito. Agad naman silang dadakpin ng mga kawal-Etherian ng pinatamaan sila ni Evades ng enerhiya mula sa tungkod nito
Napaatras naman ang pwersa nila Andora at Vixtus.

           "Ornea... Evades! Umalis na kayo!" Sigaw ni Memen na nilabanan ang mga kawal-Etherian na agad sumugod sa kanila pagkawala ng usok.
         "Memen paano ka?" Tanong ni Ornea na di mapigilan ang maiyak.
         "Huwag mo na akong alalahanin!  Sige na umalis na kayo!" Sigaw ni Memen. Tumango naman si Evades at hinila na paalis si Ornea at ang karga nitong anak na si Cassiopei-a, iniwan nila ang nakikipaglaban na si Memen na ginamitan naman ng kapangyarihan ni Andora. Kinontrol nito ang isipan ni Memen kaya nagawa niya itong pasukuin para madakip ng mga kawal.

         "Hera Andora... Sila Ornea at Evades." Nag-aalalang sabi ni Vixtus sa kanya. Nilingon naman niya ang dinaanan ng dalawa at madaling sinundan ang mga ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
           "Ornea bilisan mo...." Sabi ni Evades sa walang tigil sa pag-iyak na si Ornea.
          "Evades.... Kunin mo ang anak ko....umalis na kayo....... Babalikan ko si Memen... Di ko kakayanin na mawala siya sa amin ng anak ko." Umiiyak na sabi niya.
          "Ngunit Ornea manganganib ang buhay mo!" Sambit ni Evades na kinarga na ang sanggol na si Cassiopei-a.

          "Ang mahalaga ay ang aming anak kaya sige na Evades umalis na kayo..." Sabi ni Ornea. Napailing naman si Evades saka ito nagsimulang tumakbo ng makita na parating na ang mga kawal-Etherian kasama sila Andora.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon