Ω Kabanata XXVIII Ω Ang Pagkikita nila Danaya at Lira

2.9K 92 34
                                    

Ω Kabanata XXVIII Ω
Ang Pagkikita nila
Danaya at Lira
Ω


              Pinagpahinga ni Amihan si Pao-pao sa kubol na inihanda ng mga dama para sa kanya at ng makita niyang maayos na ang kalagayan ng batang ligaw ay saka siya lumabas ng kubol.

           "Hara Amihan.... Alam kong napagod kayo... Kaya naman may dala akong mga paneya kumain muna kayo." Nakangiting sabi ni Muroz sa kanya.

          "Avisala Eshma...." Sabi niya saka niya kinuha ang paneya na inaalok nito. Napangiti naman si Muroz.
          "Mahal na Reyna.... May dala tubig para panulak sa iyong kinakain." Sabi ni Lakan na lumapit din sa kanila.

           "Avisala eshma Lakan." Nakangiting sabi niya at kinuha din ang tubig na inalok nito. Nakangiting tumango naman si Lakan.  Nagsimula nang kumain si Amihan ng lumapit din sa kanila si Ybrahim na may dalang mahabang tela.

           "Amihan.... Baka lamigin ka.....narito ang telang may sapat na kapal para panangalang sa lamig." Sabi ni Ybrahim. Napatingin si Amihan kay Ybrahim at saka siya tumango. Marahan namang ibinalabal ng Rehav ang kanyang dala sa Hara.

            "Avisala eshma.... Rehav." Sabi niya dito. Napangiti naman si Ybrahim pakiramdam niya ay naka-ungos siya sa dalawa. Napailing siya bakit niya ba naisip iyon.

           "Ybrahim..... Maaari ba kitang maka-usap?" Tanong niya. Tumango naman si Ybrahim sa sinabi nya. Marahan namang umurong sila Lakan at Muroz para hayaang mag-usap ang dalawa.

            "Ano ang nais mong pag-usapan Hara?" Tanong nito sa kanya.
           "Ang anak-anakan kong si Li---Mira..... Nasagip mo ba siya?" Tanong niya. Napahinga naman ng malalim si Ybrahim.

          "Poltre Amihan.... Nahanap ko siya ngunit nawala siya sa aking tabi ng mas lalong magkagulo." Sabi ni Ybrahim. Napailing naman si Amihan sa sinabi ni Ybrahim umaasa pa naman sana siya na makakasama niya ito.

            Magsasalita pa sana si Ybrahim ng dumating ang humahangos na si Wantuk at kinuha nito ang paneya kay Amihan at kinagat di pa nakuntento at ininom pa ang tubig na tangan ng Hara.

           "Wantuk napakalapastangan mo!" Sabi ni Muroz na binatukan si Wantuk dahil kinain nito ang paneya na binigay niya kay Amihan. Di man nagsalita ay siniko ng malakas ni Lakan sa likod si Wantuk dahil pag-inom nito sa tubig na hinanda niya para sa Reyna.

            "Aray naman bakit kayo nananakit!" Inis na sabi ni Wantuk. Muntikan naman matawa si Ybrahim sa ginawa ni Wantuk.

          "Ssheda ano ba at humahangos ka Wantuk?" Tanong ni Amihan. Lumunok at uminom muna ng tubig bago nagsalita si Wantuk.

          "Mahal na Hara...isang malungkot na balita ang aking dala...." Sambit nito. Sumeryoso naman sila dahil sa sinabi ni Wantuk.
          "Ano ang ulat na iyong dala?" Tanong niya. Napahinga ng malalim si Wantuk bago nagsalita.

          "Si Ades Mahal na Reyna.... Pinaslang na siya ni Pirena." Sambit ni Wantuk. Gulat na napayuko si Amihan sa sinambit ni Wantuk. Samantalang napatahimik naman sila Ybrahim, Muroz at Lakan sa balita ni Wantuk.

          "Paanong nagawa ni Pirena iyon sa aming kinilalang pangalawang Ina?" Kitang kita ang lungkot sa muka ng Hara ng iabot ni Wantuk ang isang sulat.

         "Mahal na Hara.... Ayon sa dama na naka-usap ko pinaabot daw sa inyo ni Ades." Sambit ni Wantuk. Kinuha ito ni Amihan saka siya lumayo ayaw niyang makita siya ng mga ito na umiyak.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
               Nasira ang pader at ng mawala ang usok ay halos matakot sila sa nakita nilang naroroon.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon