Ω Kabanata VII Ω
Ang Itinadhana ni Emre
Ω
Marahang nagmulat si Amihan ng mga mata mula sa pagkakahimbing agad siyang nabagabag ngunit nasa tabi niya ang ina at mga kapatid."Ina..." Sambit niya
"Amihan maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Tanong ni Mine-a sa anak, tumango si Amihan. Nakahinga naman ng maluwag ang kanyang ina at mga kapatid."Inang Reyna Mine-a.... Naipag-utos ko na ang pagtugis sa encantado na sumaksak sa Reyna Amihan." Sambit ni Aquil pagpasok ng silid ni Amihan na nagulat sa sinabi ni Aquil.
"Aquil... Hindi encantado ang sumaksak sa akin." Sambit niya. Nagtataka naman na napatingin ang lahat sa Reyna.
"Ngunit iyon ang aking nakita." Sabi ng Mashna.
"Kung gayon ay kulang ang nakita mo Mashna.... Pagkat ang encantado na sinasabi mo ay siyang tumulong sa akin mula sa pagsaksak sa akin ni Pirena." Pagpapaliwanag ni Amihan."Kung gayon ay patawad sa mali kong paratang sa encantado." Sambit ni Aquil, tumango naman si Amihan.
"Ibig sabihin ay si Pirena ang gumawa sayo nito?" Tanong ni Mine-a, tumango naman si Amihan.
"Talagang namumuro na si Pirena sa mga pinag-gagagawa niya." Galit na turan ni Danaya, maging si Alena ay nakaramdam ng iritasyon para sa panganay na kapatid.
"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ni Pirena sa iyo, anak." Sambit ni Mine-a, umiiling naman na hinawakan ni Amihan ang kamay ng ina.
"Ina... Di niyo kailangan humingi ng paumanhin, ang ano mang kasalanan ni Pirena ay wala ka nang kinalaman doon sariling kapasyahan niya iyon." Sambit ni Amihan sa ina na sinang-ayunan ng mga apwe niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Inang Reyna... Ano't ipinatawag niyo raw ako?" Tanong ni Imaw pagpasok niya sa silid panalanginan ng Lireo."Pagkat aking napagtanto na para masiguro ang kaligtasan ng trono at Lireo.... Kailangan na ni Amihan ng tigapagmana." Sabi ni Mine-a kay Imaw, napatango naman ang pinuno ng mga adamyan.
"Marahil ay tama ka Inang Reyna.... Panahon na nga marahil para tayo ay humingi sa Bathalang Emre ng tigapagmana para sa ating bagong reyna." Pag-sang-ayon ni Imaw. .
Napangiti naman si Mine-a sa pagsang-ayon ni Imaw kaya naman ipinatawag na niya kay Ades ang mga babaylan ng masimulan na ang pagdarasal para sa basbas ni Emre.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Sa pagbalik ni Ades sa silid panalanginan kasama ang mga babaylan ay nakasalubong niya si Gurna.
"Punong Damang Ades ano't kasama mo ang mga babaylan papuntang silid panalanginan?" Tanong ni Gurna sa kanya.
"Pagkat mananalangin sila sa Bathalang Emre para sa kahilingan ng Inang Reyna Mine-a ng tigapagmana para sa Reyna Amihan." Sagot ni Ades kay Gurna saka ito pumasok sa silid panalanginan.
Naikuyom naman ni Ades ang kanyang mga kamay.... Naisip niya na nararapat na ito ay malaman ni Pirena.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Napangiti si Alena ng makita na naghihintay na si Ybarro sa batis na lagi nilang pinagtatagpuan."Avisala Ybarro." Nakangiting sabi ni Alena saka niya hinalikan sa pisngi si Ybarro na napangiti sa ginawi ng sang'gre.
"Ano't may iba ka yatang iniisip?" Sabi ni Alena. Huminga ng malalim si Ybarro.
"May nais akong sabihin sayo Alena.... Nagpunta ako kagabi sa Lireo para sana sorpresahin ka.... Ngunit may nakita akong diwata na sinaksak ng kapwa niya diwata at siya ay tinulungan ko... Ang masama lang ako yata ang napagbintangan ng kawal niyo." Pagtatapat ni Ybarro sa katipan. Nagulat naman si Alena.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanfictionOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018