Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ Ang Muling Pagkikita

1.7K 52 29
                                    

Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ
Ang Muling
Pagkikita

Ӝ


           
         Nang handa na ang mga diwata na lumikas ay nagsimula na silang lisanin ang Eceros para makaligtas mula sa mga kawal-Etherian na nasisiguro nilang babalikan sila.

         At di nga nagkamali ang kutob ng mga Sang'gre ng makasalubong nila ang mga Kawal-Etherian at si Hera Juvila.
        "Pashnea sabi ko na nga ba, babalikan nila ang mga diwata." Sambit ni Danaya. Tumango naman ang kanyang mga apwe. Agad na nilingon ni Amihan ang mga diwata at nasisiguro niyang di pa bihasa ang mga ito sa pakikipaglaban....at manganganib pa ang buhay ng nasa sinapupunan ni Ornea na siyang ayaw nilang mangyari.
         "Marvus.....mauna na kayo! Hayaan niyo na kami dito." Sabi ni Amihan kay Marvus.
        "Ngunit paano kayo?" Tanong ni Marvus.

         "Wag mo na kaming intindihin kaya na namin ito." Sabi ni Pirena. Nag-aalinlangan man ay tumango na lang sj Marvus.
         "Tayo na.... Kailangan nating iligtas ang sarili natin!" Sabi ni Marvus
        "Ngunit paano sila?" Tanong ni Demetria na nababagabag sa maaaring mangyari sa mga diwata.
        "Alam kong kakayanin nila ang mga Etherian." Sabi ni Marvus kay Demetria. Tumango na lang ito saka inakay si Ornea at sila Memen palikas.

            "Pashnea! tumatakas ang mga diwata.... Mga kawal-Etherian... Habulin sila at paslangin!" Sigaw ni Juvila. Agad naman itong sinunod n mga kawal-Etherian ngunit hinarang na sila ng mga Sang'gre.
         "Kami ang harapin niyo." Sabi ni Pirena saka niya sinaksak ang isang kawal-Etherian. Agad naman na nakipaglaban ang mga Sang'gre sa mga kawal-Etherian at madali nilang natatalo ang mga ito.

          "Hera Juvila.... Kakaibang mga diwata may mga taglay na kakayahan para gapiin ang mga kwal natin." Sabi ng isang hafte ng Hera Andal kay Juvila na naikuyom naman ang kamay dahil sa galit. Hinawakan niya ang kanyang sandatang sibat saka siya sumugod sa mga Sang'gre. Kakaibang lakas at liksi ang mayroon si Juvila na kahit na sino ay walang makakapantay kaya naman sa isang kilos pa lamang niya ay agad niyang napabagsak si Alena na malapit sa kanya.
    
         "Alena!" Nag-aalalang sabi ni Danaya na agad sinaksak ang kawal na kalaban niya saka niya dinaluhan ang kanyang kapatid maging sila Amihan at Pirena ay nag-aalala kay Alena ngunit mas inuna nila na paslangin ang mga kawal-Etherian.

        "Alena... Kamusta ang lagay mo?" Tanong ni Danaya sa apwe.
        "Wala ito Danaya... Naisahan lang ako ni Juvila.." Sambit ni Alena saka siya tinulungan ni Danaya na makatayo at hawak kamay nilang nilabanan ang mga kawal-Etherian.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            "Tila may kaguluhan na nagaganap sa di kalayuan..." Sambit ni Apitong kay Ybrahim habang naglalakad sila.
          "Kaguluhan... Di kaya dapat natin silang tulungan kagaya ng ginawa mo sa akin?" Tanong ni Ybrahim kay Apitong napahinga naman ito ng malalim.
          "Alam mo sapiryan nagkamali na ako ng tulungan ka kanina... Marahil alam na ng Etheria ang ginawa ko at maaaring pinaghahahanap na nila ako kaya di ko nadadagdagan ang aking kasalanan sa kanila." Sabi ni Apitong sa kanya.

          Di naman mapakali si Ybrahim kahit sinabi na iyon ni Apitong tila ba may nagsasabi sa kanya na kailangan niyang tulungan kung sino man ang pinahihirapan na naman ng mga Etherian kaya naman imbes na sumunod kay Apitong ay pinuntahan niya ang pinanggalingan ng ingay ng labanan.

         "Ybrahim! Ybrahim!" Sigaw ni Apitong pero wala na siyang magawa kundi sundan ang Sapiryan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Hera Andal.....

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon