Ӝ Kabanata LXXXI Ӝ
Ang
Brilyante ng ApoyӜ
"Punong Bukang Liwayway.... Di pa ba kayo magpapahinga?" Tanong ni Aella sa punong babaylan na kanina pa tinatanaw ang bukana ng Eceros.
"May hinihintay lamang ako Aella... Si Selea.. Nahihimbing na ba?" Tanong nito.
"Oo nahihimbing na siya Punong babaylan." Sagot niya ng may mamataan siyang pumapasok sa Eceros...
"Sandali lang sino sila?" Tanong niya tumingin din si Bukang Liwayway at di niya nagugustuhan ang kanyang nakikita."Sino kayong basta-basta na lang pumasok dito sa Eceros?!" Tanong niya sa pinuno ng mga ito.
"Kami ang mga Etherian at kailangan namin ng mga bagong kaanib laban sa mga diwata..." Sambit ni Arkrey samantalang ang ibang Kawal-Etherian ay nagsimula nang manalanta sa mga babaylan ng Eceros."Tilgilan niyo iyan! Kapanalig ng mga Babaylan ng Eceros ang mga diwata kaya nagkamali ka ng pinuntahan para hingian ng tulong" sabi ni Bukang Liwayway.
"Sino naman ang may sabi na hihingian ko kayo ng tulong.... Kukuhanin ko ito ng saplilitan mula sa inyo!" Sabi ni Arkrey saka nito hinawakan sa balikat si Bukang Liwayway at sinaksak ito."Punong Babaylan!" Sigaw ni Aella na pilit hinila ni Sidra palayo sa binawian ng buhay agad na si Bukang Liwayway.
"Mga Etherian bihagin sila at paslangin ang manlalaban!" Sigaw ni Arkrey.Mabilis naman na tinungo nila Aella at Sidra ang kubol nila at kinuha ang nahihimbing na si Selea. Agad na pumito si Sidra ilang sandali pa ay bumaba ang isag argona sa harapan nila agad silang sumakay dito.
"Sidra paano ang mga kasamahan natin?" Tanong niya.
"Aella wala na tayong magagawa kundi ang lumikas.... Iligtas natin ang ating sarili at ang iyong anak... Sa oras na makabawi tayo ng lakas ay tutinguhin natin ang Lireo para sabihin sa kanila ang naganap sa Eceros." Sabi ni Sidra wala naman nagawa si Aella kundi ang tumango at yakapin ang anak na si Selea habang lumilipad ang Argona.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Marahang pumasok si Mira sa silid ng kanyang Ina at naratnan niya itong nahihimbing. Huminga siya ng malalim saka niya nilabas ang punyal na kanyang hawak. Ang sabi ni Imaw para makuha sa isang tigapangalaga ang brilyante kailangan ay sugatan ito sa palad gamit ang punyal na Arvos, isang punyal na gawa sa pinakamatibay na tinga at sa pinaghalong dugo ng mga naunang tigapangalaga, sila Meno ng Sapiro, Cassiopei-a ng Lireo, Bartimus ng Hathoria at Aegen ng Adamya.Nakuha niya ang punyal mula sa kamara ng mga sandata ng Lireo. Hindi maiwasan ni Mira ang maiyak at kabahan. Sana ay mapatawad siya ng kanyang inang si Pirena sa kanyang gagawin ngunit di niya kaya na tuluyang mapunta sa kamay ng mga etherian si Anthony ano man ang dahilan kung bakit ito nakuha ng mga etherian noon. Marahan niyang hinawakan ang kamay ng kanyang Ina.
Umisip naman siya ng ibang paraan ngunit nauubusan siya ng oras di niya kakayanin na mawala si Anthony.
"Poltre.... Ina." Sabi niya saka niya inilapit sa kamay nito ang punyal at susugatan na sana niya ang palad nito ng biglang humagis ang punyal mula sa kanyang kamay.
"Mira ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Gulat na tanong ni Pirena sa kanya. Di naman malaman ni Mira kung paano titingin sa Ina.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Rama.... Ano at gising pa kayo? Napadaan ako sa silid nila Caspian at Lirios sila ay nahihimbing na." Sabi ni Wantuk kay Ybrahim ng madaan siya sa silid nito at makitang gising pa ito at may tinitingnan sa kamay.
"Di lamang ako dinadalaw ng antok." Sagot ni Ybrahim sa kaibigan.
"Hindi dinadalaw....o iniisip mo na naman ang Sang'gre Amihan na nasa Lireo?" Tanong nito.
"Bakit naman hindi ko siya iisipin kung may ganitong banta na naman sa kapayapaan ng Encantadia." Sagot niya kay Wantuk.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanficOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018