Ω Kabanata XLIV Ω Isang Pamilya

3.2K 88 78
                                    

Ω Kabanata XLIV Ω
Isang Pamilya
Ω


                  Sa malaking silid sa kamalig ng Sapiro nag-silid sila Amihan at ang mga anak niya kasama sila Mira at Pao-pao.
          Niyakap ni Amihan sila Lira at Caspian habang sila ay naka-upo sa malaking higaan na kasya silang lima.

          "Di niyo alam kung gaano ko pinanabikan ang makasama kayo mga anak...." Nakangiting sabi ni Amihan napangiti naman ang apat sa sinabi ng Hara sapagkat ganoon din ang nadarama nila ng pumasok si Ybrahim sa kanilang silid.

         "Itay halika maupo ka sa tabi namin." Nakangiting sabi ni Lira. Tumango naman si Ybrahim saka siya umupo sa tabi ng mga ito.
          "Napakasaya ko at nakakasama na namin kayo." Nakangiting sabi ni Ybrahim sa mga anak pati na sa mga anak-anakan na sila Mira at Pao-pao.
          "Kami din Itay.... Masaya ako na sa panahon na ito ay makasama ko kayo." Nakangiting sabi naman ni Caspian sa ama. Napangiti naman si Ybrahim at ginulo ang buhok ni Caspian. Napangiti naman si Amihan sa ginawa ni Ybrahim sa totoo lang pareho ng mga mata ang kanyang 'mag-ama', napangiti siya sa naisip.... Kanyang 'mag-ama'.
          Samantalang si Mira naman ay nakangiting nakatingin sa mga ito habang nakahilig ang kanyang ulo sa balikat ni Amihan, napakasaya niya na mapasama sa 'pamilyang' ito.

           "Ay naku ayoko ng drama little brother.... Nay, Tay.... May tanong ako sa inyo." Sabi naman ni Lira.
         "Ano yun anak?" Tanong ni Amihan. Napangiti naman si Lira bago nagsalita.

         "Di ba po magulang namin kayo... At adoptive parents naman kayo ni Mira..." Sabi nito na ikinakunot ng noo nila liban kay Pao-pao at Caspian
         "So ibig sabihin kasal kayo... Nay..Tay....paano kayo kinasal?" Tanong ni Lira sa mga magulang.

           Napatigil naman ang dalawa pati na si Mira sapagkat alam naman niyang si Ashti Alena niya ang tunay na kasintahan ni Ado Ybrahim niya. Napaiwas naman ng tingin si Amihan. Napatingin naman si Ybrahim sa anak.

           "Anak.... Di kami kasal ng iyong inay." Sabi ni Ybrahim kay Lira na ikinakunot ng noo nito.
          "Ano po di kayo kasal pero anak nito kami ni Caspian... Si Mira..." Naguguluhang tanong ni Lira sa kanila. Napayuko naman si Caspian dahil alam naman niya din ang sagot sa mga tanong ng kanyang edea na si Lira.

         "Lira anak.... Ako ang Hara ng Lireo... Ang reyna.... At ang isang reyna ay kailanman di makakapag-asawa sapagkat ang kaharian ang kanyang kaisang-dibdib...." Hinaplos ni Amihan ang buhok ng anak saka nagpatuloy.
          "Ngunit ang isang reyna ay mangangailangan ng tigapagmana kaya naman kami ay humihingi kay Emre ng basbas para bigyan kami ng encantado na magiging ama ng anak namin..... Sapagkat sa mga may matataas na katungkulan gaya namin ng iyong ama ang nagtatakda ay si Emre." Nakangiting paliwanag ni Amihan kay Lira.

          "At isa pa Lira.... Ang kapatid ng iyong ina na si Alena ang aking katipan." Sabi naman ni Ybrahim. Kitang kita naman ang pagkadisgusto sa muka ni Lira.
         "Ganun ba Nay.... Ganun pala ka-liberated dito sa Encantadia. Ang complicated pala... Nay okay lang ba sa inyo yun?....di ka ba hurting" Tanong ni Lira kay Amihan na ngumiti lamang saka naman humarap kay Ybrahim si Lira

         "Grabe ka Tay... Sa magkapatid pa talaga.... Masamang maging two timer Tay." Sabi ni Lira na ikinakunot ng noo ni Ybrahim
         "Lira di ko naiintindihan ang iyong winika." Sabi ng nagtatakang si Ybrahim.
         "Naku wag niyo na pong alamin kasi di maganda..." Sabi naman ni Pao-pao na kumakain ng paneya

         "Saka edea ganun talaga ang tradisyon ng Lireo." Sabi naman ni Caspian. Napabuntong hininga naman si Lira.
          "Ganun... Pero gusto ko po sa akin.... Kasi conservative po ako eh... Gusto ko yung boyfriend ko sa akin lang" nakangiting sabi ni Lira.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon