Ӝ Kabanata LXXIX Ӝ
PagkakabihagӜ
Marahang inalis ni Danaya ang kanyang korona saka siya umupo sa kanyang higaan. Kanina ay nagpadala siya ng mga kawal na lihim na magmamanman sa Etheria sakaling may gawin ang mga ito laban sa kanila.
Napalingon siya ng pumasok ang bagong dama na si Odessa sa kanyang silid. May dala itong mga kandila.
"Para saan yan Odessa?" Tanong niya sa dama.
"Itong mga kandila na ito ay makakatulong para makalma kayo Mahal na Reyna.... Nakikita ko na pagod na kayo." Sambit mo Odessa, napatango naman siya."Avisala eshma... Odessa... Sige na buksan mo na ang mga iyan.... At ako ay magpapahinga na." Nakangiting sabi niya saka siya humiga.
"Masusunod Hara Danaya." Sabi ni Odessa saka niya sinidihan ang tatlong kandila na kanyang dala at itinulos ang mga ito."Masne Sera Hara Danaya." Sambit niya saka siya lumabas. Pumikit naman si Danaya at totoo nga ang sinabi ni Odessa dahil di naglaon ay naramdaman niya ang ginhawa na hatid ng mga sinidihan nitong kandila at ilang sandali pa ay naigupo na siya ng antok.
.
.
.
.......
.
.
.
.
Nakangiting pinagmasdan naman ni Odessa ang pagkakahimbing ni Danaya. Ang mga kandila ay may orasyon galing kay Avria.At sa madalas na paggamit ni Danaya ng mga ito alam niyang di maglalaon ay maisasagawa na nila ang kanilang ikalawang plano laban sa mga diwata.
Sa sandaling mangyari na ang ikalawang plano ng Hara Avria ay pagtutuunan ng pansin ni Odessa ang Rama Ybrahim.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakangiting pinagmamasdan ni Amihan ang kanyang anak na si Lirios, muli sa ikaapat na araw nitong nananatili sa Hathoria ay alam niyang nasabi na ni Pirena ang mga dapat nitong malaman.Marahan niyang hinaplos ang noo ng anak ng di sinasadyang nagising ito at pupungas-pungas na tumingin sa kanya. At ng makilala siya nito ay agad itong umayos ng upo.
"Hara Durie." Pagbati nito saka ito yumuko. Marahan naman hinawakan ni Amihan ang kamay ng anak.
"Lirios.... Maaari mo akong tawagin na Ina. " sabi nya dito. Ito naman ang yumuko at tila di nagustuhan ang kanyang sinambit."Kukunin niyo po ba ako sa Amang Azulan ko?" tanong ng anak niya.
"Hindi anak.... Maaari siyang tumira sa Sapiro kung nanaisin niya.... Ang mahalaga ay maging masaya ka anak." Nakangiting sabi niya. Tumango ito muli at di na nagsalita, ramdam na ramdam niya na napakalayo ng loob ni Lirios sa kanya at nasasaktan siya."Mukang inaantok ka pa..... Sige magpahinga ka na muli..." Sabi niya saka niya tinulungan na makahiga ito at kinumutan niya. Nag-aalangan man ay binigyan ng isang halik sa noo ni Amihan si Lirios, sa munting halik man lang na iyon ay maramdaman nito ang pagmamahal at pangungulila niya dito, ipinikit naman nito ang mga mata. Marahan syang naglakad palabas sa silid nito.
Nang nasa labas na siya ay di nya mapigilang maluha dahil sa sitwasyon nila ng anak niya ngayon.
"Amihan?" Napalingon siya kay Pirena na palapit sa kanya.
"Pirena...." Pagtawag niya dito saka siya yumakap at umiyak sa balikat ng kanyang edea."Iiyak mo lang Amihan... Pasasaan ba at matatanggap at mamahalin din kayo ni Lirios..." Sambit ni Pirena na marahang hinahagod ang likod ni Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanfictionOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018