Ӝ Kabanata XCIII Ӝ Ang Ina ng mga Sang'gre

1.5K 44 5
                                    

Ӝ Kabanata XCIII Ӝ
Ang Ina
ng mga
Sang'gre

Ӝ

Sa Nakaraan.....
        Sa Sapiro.....

             "Ang ibig mong sabihin siya si Aldo Raquim?" Nakangiting sabi ni Alena kay Amihan habang sila ay nagpapahinga sa hardin at kanilang nakikita ang pagsasanay ni Raquim kasama si Arkrey.
           "Siyang tunay Alena.... At natutuwa ako kahit na di ko masabi na ako ang anak niya ay masaya na akong makita siya." Sabi naman niya.
         "Nakakainggit nga si Amihan... Dahil siya nakilala na niya ang kanyang ama dito sa nakaraan... Sana tayo din Alena makilala natin ang ating amang si Enuo dito." Nakangiting sabi ni Danaya tumango naman si Alena sa sinabi ni Danaya ng maalarma sila sa pagdating ng mga hathor.

           "Mga Hathor!" Sabi ni Pirena na inilabas ang kanyang espada.
          "Mga diwata ano ang inyong pinangangambahan sa pagdating namin?" Sambit ng tila pinuno ng mga ito. Nagkatinginan naman ang mga Sang'gre.

          "Hagorn kaibigan!" Nakangiting tawag nu Raquim na nilapitan ang kadarating lamang na hathor.
           "Raquim!" Nakangiting sabi din nito saka nagkamay ang dalawa. Nagkatinginan naman ang mga Sang'gre di nila akalain na magkaibigan sila Raquim at Hagorn na sa panahon nila ay mga mortal na magkaaway.

         "Sino ba ang mga diwatang ito at may hawak pa silang mga espada." Tanong ni Hagorn.
         "Ah sila ang mga diwata na pinaghahanap ng Etheria... Kinukupkop sila ni Aldo Meno." Sagot ni Raquim sa kaibigan.
         "Ano... Teka Raquil alam mo ba na isang malaking kasalanan sa inang kaharian ang ginagawa niyo?" Tanong ni Hagorn sa kanya.

         "Hagorn wag na nating pag-usapan ito.... Sabihin mo na lamang kung bakit ka naparito?" Tanong niya sa kaibigan. Nakinig naman ang mga Sang'gre sa kanilang pag-uusap.
         "Nais ko lamang sabihin sayo na sa nalalapit naming pag-iisang dibdib namin ni Mine-a... bilang aking matalik na kaibigan kaya nais ko na ikaw ay naroon." Nakangiting sabi ni Hagorn kay Raquim. Tinapik naman ni Raquim sa likuran si Hagorn.
         "Makakaasa ka kaibigan... At ako ay nasasabik din na makilala ang Hera Mine-a na iyong makakaisang-dibdib." Nakangiting sabi mi Raquim saka naglakad ang mga ito papasok ng Sapiro.

          "Narinig niyo iyon.... Siya si Hagorn ang aking ama.... At ikakasal sila ni Ina?" Tanong ni Pirena sa mga kapatid.
        "Kung iyon ang paraan para mabuo ka Pirena bakit natin ito pipigilan?" Tanong ni Alena.
        "Ngunit di iyon ang bumabagabag sa akin... Hera Mine-a?.... Ginagamit lang ang Hera para sa maharlikang etherian." Sabi ni Amihan. Nagkatinginan naman sila Pirena at Alena.
         "May di ba kayo sinasabi sa amin ni Amihan?" Tanong ni Danaya sa dalawa.

         "Nang nakapiit kami sa Hera Andal..... Nakita na namin si Ina.... At siya ang anak ni Avria..." Sagot naman ni Alena.
         "Ibig sabihin ang dugo natin ay nahahaluan ng kasumpa-sumpang lahi ng mga Etherian?" May disgusto sa tinig ni Amihan. Napailing naman si Danaya.

          "Wala na tayong magagawa....itong lahat ng nangyayari ay parte na ng ating kasaysayan..... Kaya kung kakayanin natin wag na lang tayong gumawa ng ikakabago ng ating kasaysayan na maaring makabago ng ating kinabukasan." Sambit naman ni Pirena sa kanyang mga apwe na wala namang nagawa kundi sumang-ayon.

●●●●●●●●●●●●

Sa kasalukuyan....
       Sa bundok Saluya......

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon