Ω Kabanata L Ω Rehav ese Adoyaneva

2.6K 81 23
                                    

(A/N: Happy 20K reads hahahaha Avisala Eshma mga kasama at patuloy niyong binabasa ang aking nobela....hahahaha....love you all....💙💛)

Ω Kabanata L Ω
Rehav ese Adoyaneva
Ω

           Kinabukasan habang naghahanda si Caspian para sa pagbabalik sa hinaharap ay pinuntahan siya ng amang si Ybrahim sa silid na kanyang inokupa.

           "Caspian anak..." pagtawag nito sa kanyang pansin.
           "Itay....kayo pala..." nakangiting sabi ni Caspian sa ama. Tinapik naman siya ni Ybrahim sa balikat sala ito umupo sa tabi niya.

          "Narinig ko sa iyong Ina na babalik ka na sa hinaharap." Sambit ni Ybrahim sa anak.
          "Iyon naman po ang tamang gawin para makita ko kung may tama bang nagawa ang  pagbabagong nagawa ko dito sa nakaraan." Sambit ni Caspian sa ama.

          "Pagbabago?" Tanong ni Ybrahim sa anak
          "Masama ang hinaharap na pinaggalingan ko Itay...kaya pinabalik ako dito para baguhin ito.....at gaya ng sinabi ko sa hinaharap na pinaggalingan ko ay di ko nagisnan ang pagmamahal nyo ni Inay kaya naman napaka-saya ko na kahit sandali ay naramdaman ko ang pagmamahal niyo ni Inay kahit papaano." Nakangiting sabi ni Caspian. Inakbayan naman ni Ybrahim ang kanyang anak.
  
            "Kung ano man ang pagbabago na nagawa mo dito sa nakaraan umaasa ako na maganda ang dulot nito sa hinaharap.....at lagi ka naming ipagmamalaki ng iyong Inay." Nakangiting sabi ni Ybrahim at pabirong ginulo ang buhok ni Caspian.

            "Itay....sana ay masabi niyo na kay Inay ang nararamdaman niyo." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ni Ybrahim sa sinabi ng anak.
          "Nararamdaman ko?" Tanong ng rehav. Napangiti naman si Caspian.
         "Itay....alam ko naman na mahal niyo na si Inay." Sabi ni Caspian. Napa-tikhim naman si Ybrahim saka napatingin sa anak.
         "Di ko alam ang sinasabi mo anak..." pagkakaila ni Ybrahim.
         "Basta Itay....kung ako sayo sabihin mo na kay Inay....bago pa mahuli ang lahat" sabi ni Caspian marahan naman napatawa tuloy si Ybrahim na di malaman ang isasagot sa anak.

             Napangiti naman si Amihan ng makita ang kanyang mag-ama na masayang nagke-kwentuhan sa loob ng silid. Maya-maya pa ay nasa likuran na niya si Lira.
           "Tara Inay sali tayo sa kanila." Nakangiting sabi ng diwani saka sila pumasok sa loob.
  
           "Inay....edea." nakangiting sabi ni Caspian
           "Ano ang pinag-uusapan niyo anak?" Tanong ni Amihan sa mga ito. Naging alerto na napatingin naman si Ybrahim sa anak na waring binabalaan ito sa maaaring sabihin napatawa tuloy ang nakababatang rehav.

             "Wala Inay..."
             "Tama si Caspian ito'y usapan sa pagitan ng mag-ama lamang." Pagsambot ni Ybrahim sa sinasabi ni Caspian. Napatango naman si Amihan.
             "Parang may ibang ibig sabihin yan Itay ah" nakangiting panunukso ni Lira.
             "Lira wag mo na itong alamin pa." Sabi ni Ybrahim nagkibit balikat naman ang diwani.

           "Ngayon pa lang ay nangungulila na ako sa'yo anak...paano pa kaya kung umalis ka na?" Sambit ni Amihan saka niyakap si Caspian.
           "Lagi naman po akong nasa inyong isipan at puso....hihintayin ko po na maisilang na niyo ako Inay." Nakangiting sabi ni Caspian.

           Sukat sa sinabi ni Caspian ay nagkatinginan sila Amihan at Ybrahim. Agad naman na nagyuko ng ulo si Amihan na tila nahiya sa tinuran ng anak.
          "Naku Caspian ako nga din naghihintay eh kailan kaya mangyayari yan?" Nakangising sabi ni Lira na tinutukso ang magulang.

         "Wag na nga nating pag-usapan iyan mga anak....kung darating iyan ay darating di dapat hintayin o ipilit." Sabi ni Ybrahim sa mga anak. Napatango naman sila Caspian at Lira sa sinabi ng kanilang ama.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon