Ӝ Kabanata LXXII Ӝ Ang Bagong Etheria

2.2K 57 27
                                    

Ӝ Kabanata LXXII Ӝ
Ang Bagong
Etheria

Ӝ


             Pagkatapos makita sa kanyang mata ang isang propesiya ay pinilit ni Cassiopei-a na makita kung sino ang batang babae sa kanya propesiya. Nais niyang magabayan ito nang di ito maiba ng landas.

        At sa ilang gabi niyang ginagawa iyon ay ipinakita din sa kanya ng kanyang mata ang kanyang hinahanap. Isang batang babae na galing sa lahi ng mga babaylan na mula sa Eceros. Kaya ngayon sakay ng isang Argona ay naglalakbay siya papuntang Eceros na matatagpuan na katabi ng lumang Avila dito sa Encantadia.

         Ilang sandali pa ay nakikita na niya ang nakatagong lugar ng mga babaylan saka niya pinababa ang argona. Nang makita siya ng mga nakatatandang babaylan ay nagyukuran ito sa kanya tanda ng pagbibigay pugay sa kanya.

        Agad naman na lumapit sa kanya ang pinuno ng mga babaylan na si Bukang Liwayway at nagbigay din ng pugay sa kanya bago nagsalita.
       "Avisala Cassiopei-a.... Ano ang maipaglilingkod ko sa isang abang babaylan sa mataas na diwata na kagaya mo." Sambit ni Bukang Liwayway. Napangiti siya hanggang ngayon ay naaalala pa niya kung paano niya dinala sa Encantadia ang mortal na si Bukang Liwayway noong dumalaw siya kay Dakila sa Avila.

        Isa itong babaylan doon na napagbintangan ng masamang gawain na di naman nito ginawa kaya naman kanya itong kinuha at dinala sa Encantadia at sa pamamagitan ng pag-inom nito sa tubig ng batis ng katotohanan ay di na tumanda ang katawan nito at nabiyayaan ng mahabang buhay na ginamit naman nito para magsanay ng mga bagong babaylan ng Lireo.

         "Isang pangitain ang aking nakita sa aking mata.... Isang paslit ang aking dapat pangalagaan at siya ay namumula dito sa Eceros... Sa lahi niyong mga babaylan." Sagot ni Cassiopei-a. Napahinga ng malalim si Bukang Liwayway samantalang nagbulungan naman ang mga babaylan sapagkat si Selea lamang ang paslit sa kanilang hanay.

          Pinalapit naman ni Bukang Liwayway ang isang babaylan para ipatawag sila Aella at Selea. Agad naman itong sumunod at ilang saglit pa ay nagbabalik na ito kasama ang mga ipinatawag ni Bukang Liwayway.

        "Narito na ang iyong hinahanap Cassiopei-a." Sambit nito. Nagtataka naman na napatingin si Aella at Selea sa Bungaitan.
       "Ano ang nangyayari Punong Bukang Liwayway?" Tanong ni Aella. Humarap naman sa kanila si Cassiopei-a at hinawakan ang kamay ni Selea at nakita niya na sa kanyang mata na ito ang kanyang bata na kanyang hinahanap.

        "Ikaw ang aking hinahanap." Sambit niya.
         "Ang hinahanap niyo po?" Nagtatakang sabi ni Selea. Ngumiti naman si Cassiopei-a saka siya tumungin kay Aella.
         "Ang iyong anak ay nakatakda na aking pangalagaan para sa mas higit pang bugna na kanyang haharapin.... Kaya nais ko sana siyang isama." Sabi ni Cassiopei-a sa tumatayong Ina ni Selea. Napatingin si Aella sa anak-anakan. Tumingala din si Selea sa kanya.

        "Kakayanin mo ba anak?" Tanong ni Aella. Tumango naman si Selea. Ngumiti naman si Aella saka ito tumingin kay Cassiopei-a.
       "Kung sinasabi ng anak ko na kaya niya ito.... Sige pumapayag na ako." Sambit ni Aella sa Bungaitan. Ngumiti din si Cassiopei-a sa kanya.

         Niyakap naman ni Aella si Selea.
        "Palagi kang mag-iingat anak." Sambit ni Aella.
        "Opo Ina." Sagot ni Selea saka siya nito pinalakad papunta kay Cassiopei-a.
         "Avisala eshma sa inyong lahat." Sambit ni Cassiopei-a saka niya isinakay sa Argona si Selea bago siya sumakay din at pinalipad ang argona pabalik sa kanyang isla.

          Inihatid naman ng tanaw ni Aella ang anak. Dalangin niya na kung magawa nito ang nakatakda dito ay babalik ito muli sa kanila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          "Saan ba tayo pupunta Bathalumang Ether?" Tanong ni Hara Avria habang sila ay naglalakad sa kakahuyan, maging ang ibang nabuhay ng muling Etherian ay iyon din ang nais itanong sa kanilang Bathaluman.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon