Ω Kabanata LXV Ω
Ang Kapatawaran
Ω
Sa isang bahagi ng kagubatan na di kalayuan sa Lireo ay doon natagpuan ni Amihan ang kanyang hinahanap sa loob ng isang maliit na kubol. Naghahanda ng makakain si Alena saka siya lumapit napatingin naman ito sa kanya at halata sa wangis nito na di nito inaasahan na makita siya doon."Amihan?"
"Alena bakit nandito ka mag-isa? Bakit wala ka sa Lireo?" Tanong niya dito.
"Di pa ba nabanggit sayo ni Ybarro?" Tanong din nito.
"Kung ano man iyon ay di nya pa nababanggit... At isa pa ay nasa Sapiro siya. Bakit ano ba ang nangyari?" Medyo naguguluhan na sabi ni Amihan."Nagpasya na ako Amihan....itinigil na namin ang anumang namamagitan sa aming dalawa.... Kaya matuwa ka sapagkat malaya na kayo" sambit ni Alena na di maiwasan maluha. Napaiwas naman ng tingin si Amihan sa apwe.
"Ako ang reyna Alena.... Kaya di maaaring mangyari ang iniisip mo."
"Kaya't titiisin mo na lang lahat ng nararamdaman mo?" Tanong ni Alena di naman siya nakasagot saka sila umupo."Wag mo akong alalahanin Amihan... Sapagkat naranasan ko na ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko... At iyon ay ang pagkawala ni Kahlil kaya't kaya ko toh.... Kakayanin ko toh." Sambit ni Alena. Napatungo naman si Amihan sapagkat nahihiya siya at nakakadagdag pa siya sa sakit na nadarama ng kanyang apwe.
"Di kita kaya saktan pa Alena... Lalo na si Ybrahim....di namin magagawa ang iniisip mo....ganun pa man ay patawarin mo ako kung nagdudulot pa ako ng higit na pasakit sayo." Di mapigilan ni Amihan ang maluha.
"Kung ganoon ay di na ako ang mananakit sa inyo kundi ang inyong mga sarili na lamang." Patuloy na umiiyak si Alena saka niya hinawakan ang kamay ni Amihan.
"Amihan.... Patawarin mo din ako sa nagawa kong pagpapanggap noon kay Ybarro.... Ngayon alam ko na, na maaaring ginamit lang ako ni Emre para muli kayong magtagpo." Umiiyak na sabi ni Alena"Wala na sa akin yun Alena......ngayon ay hayaan mo naman akong makabawi sayo.... Bumalik ka ng Lireo... Bumalik ka ng ating tahanan." Sambit ni Amihan saka niya
"Ngunit Amihan..."
"Sige na Alena.... Ito ay di hiling ni Amihan kundi utos ng iyong reyna." Sambit ni Amihan saka marahang napatango si Alena at niyakap siya ng mahigpit ni Amihan."Amihan.... Alena..." Napalingon ang dalawa ng dumating si Danaya ngumiti naman ang dalawa.
"Halina Danaya..." Nakangiting anyaya ni Amihan kay Danaya at inilahad naman ni Alena ang kamay niya kay Danaya saka lumapit ito at yumakap sa dalawa.
"Masaya ako para sa inyo." Nakangiting sabi ni Danaya ng may maramdaman si Amihan kaya niya nilabas ang brilyante ng hanggin saka umihip ang malakas na hangin. Napatayo ang Hara."Ano ang nangyayari Amihan?" Tanong ni Danaya na tumayo na din kasabay ni Alena at sabay silang lumapit sa nakakatandang kapatid.
"May ibinubulong ang hangin." Sambit ni Amihan
"Ano ito?" Tanong ni Danaya sa kapatid.
"Si Pirena" mahinang sambit ni Amihan. Kumunot naman ang noo ni Alena.
"Ano ang nangyari kay Pirena? Baka nasa kapahamakan siya." Nag-aalalang sabi ni Alena.
"Sa totoo lang Alena wala akong pakialam kung ano nangagaganap sa kanya." Sambit ni Danaya
"Ssheda Danaya.... Kapatid pa rin natin si Pirena." Pagsaway ni Alena sa nakababatang kapatid napatahimik naman si Danaya.
"Halina kayo may pakiramdam ako na nasa panganib si Pirena.... Hanapin natin siya." Sambit ni Amihan sa dalawa saka nila nilisan ang kubol para hanapin si Pirena.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakangising bumaba mula sa balsa si Hagorn saka siya lumingon sa daan-daang hadezar na sakay ng mga balsa ilang sandali pa ay nakarating na ang mga ito sa dalampasigan.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanficOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018