Ω Kabanata XXI Ω
Ang Reputasyon ni
Danaya
Ω
"Aaahhhhh! Malignooooo!" Sigaw ni Mila at napa-urong ng upo.
"Diwani Lira wag kayong matakot sa akin.... Ako po si Muyak!" Sambit nito."No... No.... Nananaginip lang ako! Di totoo ito!" Sambit ni Mila na umiling iling pa lumapit naman si Muyak sa dalaga at hinawakan niya ito.
"Oh my gosh! Totoo ka!" Sabi niya.
"Oo naman Diwani Lira... Matagal na kitang sinusubaybayan mula pa ng sanggol ka di mo lang ako makita sapagkat ayaw kong matakot ka pero ngayon na lumabas na ang kapangyarihan mo.... Naisip ko na kailangan na tayong magkakilala." Sambit ni Muyak sa kanya. Naguguluhan na nakatingin si Mila sa lambana."Diwani.... Lira? Mila ang pangalan ko." Sambit niya
"Hindi Lira ang tunay mong ngalan, anak ka ng Hara Amihan ng mga diwata." Paliwanag nito.
"Hara? Amihan ano yun? Sino yun?" Naguguluhan na sabi ni Mila."Ang ibig sabihin ng Hara ay reyna... At si Amihan ang iyong tunay na Ina." Sambit ng lambana.
"Tunay na Ina? Ang tunay kong Ina?" Nakaramdam ng pananabik si Mila, kahit na siya pa ay naguguluhan sa sinasabi ng lambana sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Pirena..... Naiinip na ang aking panginoon sa paghihintay kung kailan kami sasalakay." Sambit ni Agane habang nasa kakahuyan sila kasama si Gurna.
"Gumalang ka Agane.... Sang'gre... Sang'gre Pirena ang itawag mo sa kanya." Sambit naman ni Gurna. Inangasan naman ni Agane si Gurna.
"Tanging ang aking Panginoong Hagorn lamang ang aking iginagalang dama." Sambit naman ni Agane sasagot pa sana si Gurna ng pigilan na ito ni Pirena.
"Ssheda..... Tama na ang inyong walang katuturan na pagtatalo....." Pag-awat ni Pirena sa dalawa. Saka siya bumaling kay Agane.
"Agane... Iparating mo sa iyong panginoon na sa lalong madaling panahon ay lulusubin na natin ang Lireo.... Lalo pa at mawawala na sa landas natin ang aking bunsong apwe." Nakangising sabi ni Pirena na ikinataka ni Agane.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong nito.
"Wag mo nang alamin basta ang iyan na lang ang iparating mo kay Hagorn." Sambit ni Pirena saka sila nag-evictus ni Gurna pabalik ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Masakit ang ulo na nagising si Danaya at napatayo agad siya at nakirang nasa isa siyang kweba? Ano ang kanyang ginagawa dito?Ng bigla niyang maalala si Pirena at ang kataksilan na ginawa nito....
"Tanakreshna! Kailangan malaman ni Amihan ito." Sambit niya saka siya nag-evictus papuntang Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Muli ay nagpunta sa kakahuyan si Lira.... Pagkat mula ng lumabas siya hanggang ngayon ay naiisip pa rin niya ang adoyaneva mo-re na kanyang nakasalubong.... Hanggang sa napuntahan niyang muli ang tahanan nito."Ako ba ang hinahanap mo?" Napalingon si Lira ng marinig niya ang boses nito at nasa likuran niya nga ito.
"Avisala Mira...." Nakangiting sabi nito.
"Ssheda ilang beses ko na bang sasabihin na Lira ang ngalan ko at hindi Mira, paano ka ba naging adoyaneva mo-re kung iyon na lamang ay ipinagkakamali mo pa?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Encantadia: A Love Untold [COMPLETE]
FanfictionOne Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love Legends Encantadia An Amihan and Ybrahim fan fiction story Date started: December 25, 2016 Date finished: February 28, 2018