Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena

2.9K 72 24
                                    

Ω Kabanata XXXVII Ω
Ang Muling Pagkikita nila
Amihan at Alena
Ω


Kanina pa palinga-linga si Aquil sa kuta ng mga mandirigma ngunit di niya makita ang Hara Amihan kaya naman siya ay lumapit kayla Muroz at Alira Naswen.

"Mga kasama nakita niyo ba ang Hara Amihan?" Tanong ni Aquil sa mga ito.
"Nakita ko silang nag-usap kaninang umaga ng Rehav Ybrahim at pagkaalis nito ay pumasok na sa silid niya ang Hara at di na muli pang lumabas." Sagot ni Alira Naswen.

"Ano kaya ang napag-usapan nila at tila nalungkot ang Hara?" Tanong ni Muroz na kanina pa di mapakali at nais na puntahan ang Hara Amihan.
"Kung ano man ito ay wala tayong karapatan na malaman liban na lang kung sila ang magsasabi....." Sagot naman ni Alira naswen napatango naman si Aquil.

"Ngunit napapansin niyo ba ang napapadalas nilang pagsasama?" Tanong ni Aquil. Napatango naman ang dalawa. Ngunit ayaw na itong palawigin ni Alira Naswen bukod sa masasaktan ang kanyang kaibigan na si Muroz ay ayaw din niyang magkaroon ng hinala sa Hara at Rehav ang Mashna.

"Marahil kaya lagi silang magkasama ay sa kadahilanan na pinagm-aaralan nila kung paano mababawi ang Lireo." Sabi ni Alira. Napatango naman si Aquil pero may mga bagay na naglalaro sa kanyang isipan na alam niyang walang basehan pero ayaw lumisan sa isip nya ang mga sapantaha na iyon.
.
.
.
.
.
.
.
"Kanina ka pa nakatingin sa Diwani Mira ah" nakangiting sabi ni Lawiswis sa kaibigang si Pagaspas habang ito ay nakatingin sa diwani ng mga diwata.
Simula ng ihatid nila ang dalawa ay di pa sila bumabalik sa Avila.

"Sadyang nagagandahan ako sa Diwani Mira...." Sambit ni Pagaspas na nakatingin pa rin kay Mira.
"Baka naman iba na yan?" Tukso ni Lawiswis sa kaibigang matalik. Nakangiting lumingon sa kaibigan si Pagaspas.
"Baka nga." Nakangiting sabi nito saka tumingin muli sa diwani na katabi ang mortal na si Anthony. Nawala naman ang ngiti ni Lawiswis na tila ba nasaktan sa sinambit ng kaibigan.
.
.
.
.
.
.
.
Nakangiting nakatingin si Mira kay Anthony habang nagke-kwento ito ng mga bagay mula sa mundo nito.
"Sadyang kamangha-mangha ang mga bagay na nasa iyong mundo." Nakangiting sabi ni Mira kay Anthony.

"Oo.... Pero maganda din ang mundo niyo... Parang mundo din namin nung di pa polluted." Nakangiting sabi ni Anthony kay Mira. Napangiti na lang ang diwani nitong mga nagdaang araw ay nakakaramdam siya ng pagka-komportable sa tabi ng mortal.

"Sana lang ay nandito na si Mila or rather Lira..... Namimiss ko na siya." Nakangiting sabi ni Anthony na naalala muli ang kanyang pinsan.
"Sana nga." Sabi na lang ni Mira ngunit di niya alam kung bakit nay naramdaman siyang sakit sa tuwina'y mababanggit nito ang kanyang pinsan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kakamot-kamot ng ulo si Lira habang naglalakad siya sa kagubatan kanina pa niya iniisip kung saan niya makikita ang inay niya o maging si Ashti Danaya niya.

"Hay nakakaloka naman.... Hanggang kailan ako maglalakad dito paikot-ikot na lang yata ako eh." Sabi niya sa sarili habang tinataga ng espada niya ang mga nagkalat na sanga ng kahoy sa daraanan niya ng may makasalubong siya

"Avisala...." Sambit nito. Napatingin siya sa lalaking may dalang malaking palakol..
"S-sino ka?" Tanong niya dito.
"Ako si Asval ang magdadala sayo sa iyong Ina." Nakangising sabi nito. Napangiti naman si Lira sa sinabi nito at daglian lumapit sa Sapirian

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon