Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas

2.7K 68 41
                                    

Ω Kabanata LIX Ω
Ang Paglalakabay
Patungong Devas
Ω


Buong maghapon na nakamasid at nagbabantay sa Sapiro si Asval. Nalaman kasi niya na wala ang kanyang hadia sa palasyo. Kaya umiisip siya ngayon ng paraan para makapasok dito at malusutan ang mga kawal na tapat kay Ybrahim.

"Asval.... May nakikita ako." Sambit ni Axilom sa kanya saka ipinasa sa kanya ang largabista na agad niyang kinuha at sinilip kung ano ang nakita ni Axilom.

"Si Pirena at mga babaeng mukang palaban....." Sabi niya saka niya ibinaba ang largabista.
"Tanakreshna! Hindi dapat ako maunahan ni Pirena sa pagkubkob sa Sapiro.... Tayo na!" Sigaw ni Asval sa mga kasama saka sila bumaba ng bundok na kinaroroonan nila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang naglalakbay sa himpapawid papunta sa Devas gamit ang caracoa ni Wahid ay nilapitan ni Lira si Anthony.
"Anthony." Tawag niya dito napalingin naman ito sa kanya saka tumayo at iniwan muna ang natutulog na si Mira.

"Lira...bakit?" Tanong nito.
"Ah gusto ko lang sabihin na salamat sa pagsama mo kay Mira at pagtulong mo sa akin dito." Pagpapasalamat ni Lira sa kaibigan.
"Walang anuman Lira.... And beside gusto talaga kitang makita para lang makasigurado ako." Sambit nito na ikinakunot ng noo ni Lira.

"Makasigurado saan?" Tanong ni Lira.
"Sa nararamdaman ko para kay Mira." Sambit nito.
"Nararamdaman mo para kay Mira?" Nagtatakang tanong niya. Tumango naman si Anthony
"Nitong mga nakaraang linggo.....I've been thinking kung ano ang nararamdaman ko para kay Mira... Magkasama kami sa mundo natin rather mundo ko pala.
And I find her attractive.... Lovable...." Sambit nito sa kanya. Napahinga naman ng malalim si Lira.

May koonti siyang sakit na nararamdaman, aaminin niya na may gusto siya kay Anthony pero ano ba ang magagawa niya kung di nabaling sa kanya ang pagtingin nito. Pilit siyang ngumiti.

"Eh bakit kailangan mo pa akong makita para makasiguro ka?" Tanong ni Lira muli.
"Aaminin ko nagkagusto ako sayo Lira.... But as day, weeks passed by na magkasama kami ni Mira.... Nalaman ko na di ganoon kalalim ang pagtingin ko sayo." Sabi ni Anthony saka ito tumingin sa mga kaulapan. Napayuko naman si Lira kahit papano masaya siyang nalaman na nagkaroon din ito ng pagtingin sa kanya kahit di iyon nagtagal.

"At ngayon ngang nakita mo na ako muli.....masasabi mo ba na mahal mo na si Mira hindi isang pagtingin lang?" Tanong ni Lira muli kay Anthony. Marahang tumango si Anthony.
"Mahal ko si Mira although di ko muna sasabihin sa kanya" nakangiting sabi ni Anthony.
Napangiti si Lira, masaya siya na malaman na minamahal ni Anthony ang pinsan si Mira. Kahit na may kirot sa kanya ito alam naman ni Lira na mawawala din iyon.

Ibinaling na lang ni Lira ang paninigin niya sa unahan ng caracoa at nakita niya si Wahid na nakangiting kumaway pa sa kanya. Napangiti na lang tuloy siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Marahang ibinalot ni Amihan kina Caspian at Lirios ang balabal na ginawa niya na may burda ng pangalan nila saka niya binuhat ang kanyang mga anak sa kanyang bisig salamat na lamang sa kapangyarihan ng hangin at napapagaan nito ang bigat ng kambal sa kanyang mga bisig.

"Ate Amihan bagay na bagay po sa kanila ang mga balabal na pinagawa niyo." Nakangiting sabi ni Pao-pao kanina pa ito di umaalis sa kanyang tabi at nilalaro ang kanyang mga anak.

"Tama ka Pao-pao." Nakangiting sabi niya saka niya pinagmasdan ang kanyang mga anak.
"Masayang masaya ako na dumating kayo sa buhay ko.....napawi niyo ang lungkot na aking nararamdaman magmula pa noong namatay ang inyong apwe.
E correi diu mga anak." Sambit ni Amihan saka niya hinalikan sa noo ang mga sanggol

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon