Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang

2.4K 82 4
                                    

Ω  Kabanata XII Ω
Panlilinlang

Ω


                  Nagtuloy sa batis si Ybarro pagkagaling sa Lireo di mawala sa kanya ang ngiti sa kaalaman na may anak na siya ngayon.

         "Ybarro!" Napatayo sya ng may tumawag sa kanyang ngalan at nakita nya ang kawal na si Hitano at nakatutok na sa kanyang leeg ang espada. May kasama din itong isa pang kawal.

          "Hitano" sambit ni Ybarro at hinawakan ang espada niya.
          "Wag mo nang tangkain pa." Sambit ni Hitano. Marahang tumayo si Ybarro.

           "Anong kailangan mo sa akin Hitano?" Tanong niya saka siya umurong para mailabas niya ang kanyang espada at itinutok din sa kawal.

          "Kailangan ko ay ang mawala ka sa landas namin ni Alena!" Galit na sigaw ni Hitano saka niya sinugod si Ybarro na sinangga nito ng espada nito.

          Sumugod din ang kawal na kasama ni Hitano at parehong kinalaban sila ni Ybarro. Tinadyakan ni Ybarro si Hitano na ikinatumba nito saka hinarap niya ang isa pang kawal ngunit nakatayo si Hitano at nasugatan siya nito sa tagiliran.

          "Aaargggh!" Napaluhod si Ybarro sa ginawa ni Hitano.
          "Katapusan mo na Ybarro!" Galit na sabi ni Hitano at kanya na sanang isaksak kay Ybarro ang espada niya ng hubarin ni Ybarro ang kanyang balabal at inihagis kayla Hitano na ikinatumba ng mga ito saka nagmadali si Ybarro na tumakbo palayo.

..........

          
           "Pashnea!" Sigaw ni Hitano Inis na hinagis nya ang balabal ng mapatingin sya dito at nakita niya ang bahid ng dugo ng mandirigma.

           Isang plano ang kanyang naisip.

           "Hitano anong gagawin natin ngayon baka magsabi ang mandirigma kay Sang'gre Alena?" Nangangambang sabi ni Liton, ang kawal na kasama niya.

          "Wag kang mag-alala may naisip na akong plano....at malaki ang gagampanan mo doon." Nakangising humarap sa kawal si Hitano at kanya itong sinaksak na ikinamatay nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             "Agane.... Nasaan ang aking.... Nasaan si Pirena?" Tanong ni Hagorn ng mapansin niyang wala ang diwata.

         "Panginoon nakita ko siya kaninang kasama si Gurna na umalis wari ko ay may binabalak ang sang'gre" sagot ni Agane sa kanya. Napatiim bagang si Hagorn. May plano ang diwata na di niya alam. Sana lang ay sa ikabubuti nila dahil kung hindi siya mismo ang kikitil sa buhay ng alibughang sang'gre ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
               Nakikinig si Amihan sa mga panukala ng kanyang mga konseho ng walang pasabi ay lumitaw sa kanilang harapan si Pirena. Agad na kumilos ang mga kawal at tinutukan ng sibat ang alibughang sang'gre ng Lireo.

          "Ano ang ginagawa mo dito Pirena?" Tanong ni Amihan saka siya tumayo sa trono.

           "Narito ako para makipag-usap sayo Amihan." Sambit ni Pirena.
           "At sa tingin mo Pirena hahayaaan ka naming maka-usap si Amihan na pinagtangkaan mong paslangin?" Galit na sabi ni Danaya sa nakatatandang kapatid.

           "Ngunit di ba natin pagbibigyan kahit saglit man lang si Pirena?" Tanong ni Alena.

           "Ssheda Alena ano naman ang ating panghahawakan na totoo ang mga lalabas sa bibig ni Pirena?" Galit na turan ni Danaya.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon