Lumipas ang araw at ramdam namin ang pagkakailang kay Ianrie at Keith. Hindi sila gaanong naguusap gaya ng dati.
"Tigil na?" tanong ko kay Keith, kahit na iyon naman na talaga ang obvious.
Ngumisi siya at tumingin sa mga bulaklak. Nandito kami ngayon sa garden. Lunch time at wala kaming magawa kaya dito muna kami tumambay. Tutal ay hindi naman kami gutom parehas.
"Nagpapahinga lang ako. Napapagod na kasi, e..."
Nagulat ako doon. Buong akala ko ay titigil na siya. Hindi naman sa ayaw ko ng ligawan niya si Ianrie pero...
"Itutuloy mo pa din?" tanong ko.
Pangtanga masyado ang tanong ko dahil base sa sagot niya kanina ay oo na ang sagot.
"Oo,"
"Ano bang sabi ni Brozon sayo nung nakaraan?"
"Gawin ko lang daw kung anong gusto ko. Iyon lang e. Alam mo naman 'yun,"
Minsan si Brozon pa ang aakalain mong anak ni Tita Doms. Madalas siyang tahimik at minsan lang magsalita. Minsan naman ay madaldal kapag nasa mood. Parehas talaga sila ni Kyle na masungit.
"Ganun pala kapag yung parehas masungit at minsan lang magsalita ang nagtalo 'no? Bullseye mga sinasabi e," sabi ko sakaniya.
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.
"Naiinis na din ako nun kay Kyle pero hinayaan ko. May kasalanan nga din naman ako."
"Hay! Alam mo, kung 'di lang kita bestfriend? Baka nainlove na ako sayo. Kaso ayoko 'no!" umiling pa ako.
"Oo, 'wag ka munang magboyfriend! Dadaan muna samin nila Kuya Bryle mga magiging boyfriend ninyo. Lalo ka na!" tinuro niya pa ako.
"Scary!" sarkastiko kong sabi at umirap.
Tumawa siya at inakbayan ako. "Tara na. Bumalik na tayo sa room."
Tumayo na kami at hinayaan ko siyang nakaakbay saakin. May mga studyanteng nagkalat at bumabati saamin. Binabati din naman namin hanggang sa makabalik kami sa room.
Napatingin saamin sila Julia habang nagk-kwentuhan. Pinauna akong pumasok ni Keith sa row namin para makaupo ako sa tabi ni Brozon.
"Ang sweet niyo talaga! Ba't hindi na lang maging kayo?" maingay na tanong ni Via sakin.
"Ayoko!" agaran kong sabi.
"Napakabait nitong pinsan ko na 'to. Ayaw pang magboyfriend!" manghang sabi ni Julia.
"Sira!" umiling pa ako.
"Saan kayo galing?" tanong ni Enzo.
"Diyan lang sa tabi tabi..." sagot sakaniya ni Keith.
"Napakatino mo talaga, pre!"
Nagtawanan lang kami at nagbasa na lang ako para sa Earth Science.
Dumating si Miss Rose. Nagdiscuss siya tungkol sa topic namin sa Earth Sci. Si Enzo na nasa kabilang side ay rinig na rinig ang ingay sa kakadaldal kay Julia.
"Mr. Sorosa, anything you want to share to us?" tanong ni Miss Rose ng marinig ang daldal ni Enzo.
"Ano po bang gusto niyong ishare ko, Miss? Yung pagkahulog ko po sa kama kanina o yung panliligaw ko doon sa fourth year na student?"
Nasapo ko ang ulo ko dahil sa sagot ni Enzo. Nagtawanan ang mga kaklase ko at napailing na lang ako.
"One hour detention." desididong sabi ni Miss Rose.
BINABASA MO ANG
My Other Half
Teen FictionBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!