Chapter 12

6.2K 170 68
                                    

"E kanino po ako sasabay ngayon?" tanong ko, bahagyang iritado dahil sa sinabi ni Yaya sakin.

Mom and Dad went to work. Habang si Kuya ay maagang pumasok dahil may reporting daw sila. He didn't say he'll go to school early!

"Hintayin niyo lang daw po ang naghatid sa Kuya niyo. Ang isang sasakyan po kasi nililinis."

Sobrang diin ang ginawa ko sa pagtipa ng mensahe kay Kuya. Nakakainis!

Kuya:

Kanina pa umalis si Manong. I tried knocking on your door but I think you're inside the bathroom when I told you I'll go first.

Nilapag ko na lang sa tabi ko ang cellphone ko at humalukipkip. It's already 7:30 at 8 ang umpisa ng klase namin!

"Ma'am?" nilingon ko si Yaya na dumating at hawak ang telepono.

"Po?"

"Uhm, ano kasi Ma'am e..." para bang natatakot siyang sabihin sakin kung ano iyon.

"Ano po?" ayokong sungitan ang mga kasambahay namin. It's disrespectful.

"Nasiraan daw po si Manong."

Nagpakawala ako ng bayolenteng paghinga.

Tumango ako at nginitian si Yaya. Minuwestra ko sakaniya ang kusina at agad siyang umalis sa harap ko.

No choice. Kailangan kong magcommute papuntang school.

Kinuha ko ang bag ko at aalis na sana ng bumukas ang pinto. Showing Ate Melody and Keith. Tumango sakin si Ate Melody bago umalis.

"Keith?" nagtatakang tanong ko. "Bakit ka nandito?"

"Kuya Bryle called me. Sabi niya naiwan ka nga daw dito at walang magsusundo sayo dahil tumawag si Manong sakaniya. Balak ko rin naman talagang sunduin ka." sabi niya at nilapitan ako.

"Kumain ka na ba?"

Tumango siya. "Shall we?" tanong niya na para bang kawal siya.

Tumawa ako at lumabas na kami. Nagpaalam na din ako kag Ate Melody na inaalagaan ang mga bulaklak ni Mommy sa garden.

Habang nasa byahe kami ay wala siyang ibang kwento tungkol sa nangyari noong Sabado.

"Hindi ako nagpakasweet sakaniya noong Sabado. Maiintindihan niya naman diba? It's our day at ayokong sakaniya ang atensyon ko samantalang monthsarry natin,"

Napangiti ako. Hindi ko alam kung sinong mas swerte saamin ni Ianrie.

Siya ba na mahal ng lalaking ito o ako na kahit may mahal na ay iniisip pa din ako.

"You know, I'll still understand if you show her how sweet you are that day."

Umiling siya. "Not on our day."

Pumaskil ang ngiti ko hanggang sa makadating kami sa EU. Bumaba ako at hahawakan na sana ang bag ko pero nakita kong hawak na ni Keith iyon.

"Ako na," nakangiti niyang sabi at inayos ang polo niya bago ako akbayan.

Girls are looking at us or to him? Nakita kong kinikilig sila habang tinitignan si Keith.

Yeah right. Ganiyan naman sila lagi kapag kasama namin sila Enzo. Ito namang si Enzo at Keith gwapong gwapo sa sarili.

"Kayo na?" tanong ng isang kakilala namin na Junior din.

Tumingin ako kay Keith at agad umiling. "Hindi!" halos matawa ako.

"Ay? Sayang..." nanghihinayang niyang sabi.

Tumawa lang kami ni Keith at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa room. Sa bawat nadadaanan namin na room ay napapatingin kami sa loob. Glass ba naman e. Hindi maiiwasan.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon