Chapter 7

6.6K 192 36
                                    

"Dad!" saway ni Kyle sa tatay niya.

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Nahihiya ako at the same time ay naiilang.

Tumawa sila Tito. Uminom na lang ako sa baso ko para kahit papaano ay mabawasan ang kaba na nararamdaman ko.

"Ay naku, Kurt! Kahit anong pilit mo diyan sa anak ko wala kang mapapala. Desidido 'yan na 'wag munang magboyfriend," umiiling na sabi ni Mommy.

"Mas mabuti nga iyon. Ayokong masaktan agad ang anak ko. Ganiyang edad tayo noon ng ilang beses kong sinaktan 'tong asawa ko. Ayokong maranasan iyon ng anak ko," sabi ni Daddy.

"Oo. Tarantado ka kasi noon!" humahalakhak na sabi ni Tito Ian at uminom sa baso niya.

"Ian!" saway ni Tita Jai.

"Totoo naman kasi!" sabat ni Tita Kinah Kiara.

"His words, Kinah! May mga bata!" angal ni Tita Jai.

Umirap si Tita Kinah. "Oh please, Jai. 'Wag kang magpaka-plastik sa harap ng mga anak natin. Dati ganiyang edad nagmumurahan at lumalandi na tayo,"

Naghagalpakan ang lahat sa tawa. Pwera kay Tita Jai na nakasimangot habang nakatingin kay Tita Kinah.

"Beshy!" sabi ni Mommy sa gitna ng pagtawa niya.

"Grabe, Mom," hindi makapaniwalang sabi ni Keith kay Tita Kinah.

"Oh ngayon alam mo kung gaano ka-walang hiya nanay mo!" sabi ni Tita Ara at tumawa.

Natawa na lang ulit kaming lahat.

Imagining all of them when they were at the age like us seems so cool. Ngayon ngang matatanda sila ay ang kukulit nila paano pa kaya noon na bagets pa sila?

I also wondered how Tita Kinah and the other women protected Mom before. Kung paano nila ipagtanggol noong nerd pa si Mommy. Ang astig kaya? Nakakainis! Manghang mangha ako sakanila kahit hindi ko alam kung paano nila ginawa iyon!

"G? Crystal Maiden ang gagamitin ko," rinig kong sabi ni Enzo.

"'Wag na! Puro Maiden gamit mo."

"Tara bilis. Kesa nakatunganga tayo dito,"

Tumayo sila Kuya kaya napatingin sika Mommy sakanila.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Tito Jhersel sakanila.

"Maglalaro lang po kaming online game, Tito." paalam ni Keith.

"O, Kyle! Sumama ka! Ano bang laro iyon? Dora?" tanong ni Tita Kinah.

"Dora?" halos lahat pa kami napatanong nun.

"Diba si Dora explorer? Panong laro 'yun, Tita?" tanong ni Kuya Darwin.

"Baka dota, Tita?" sabi ni Kuya.

"Ay, dota ba? Binago na?" inosenteng tanong ni Tita Kinah.

Tumawa kaming lahat. Inakbayan siya ni Tito John at hinalikan sa pisngi.

"Galing talaga ng asawa ko. Kailan ba nabago ang dota? Ngayon lang?" humagalpak si Tito.

"Heh! Bwisit!" nagtatampong sabi ni Tita Kinah.

"Osige na. Umakyat na kayo doon. Isama niyo 'tong mga babae!" tinuro pa kami ni Tita Lovely. "Love, Kyle, kayo na ang bahala sa taas..."

Tumayo na din kami. Sumunod kami kila Kuya na naguusap usap na ngayon tungkol sa magiging laro nila.

Pagpasok namin sa isang pinto ay bumungad samin ang ilang computer. Naalala kong ganito din ang bahay nila Lola sa side ni Mommy sa Cali.

"Pwesto!" sigaw ni Kuya at agad umupo.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon