Chapter 4

7.3K 210 29
                                    

Mabilis lumipas ang araw. Ngayon ay nandito ako sa library at kasalukuyang ginagawa ang assignment sa Geometry. Mas pinili ko dito para matapos ko agad at mabawasan ang iuuwi ko sa bahay. Ang dami naming homework ngayon!

Vibrate din ng vibrate ang cellphone ko. Sa inis ko ay kinuha ko iyon ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"What?" inis kong salubong.

"Where are you?" rinig kong tanong ni Keith sa kabilang linya.

"Bakit? Kung manggugulo ka, 'wag ngayon dahil gumagawa akong assignment."

"Tss! Nasan ka nga kasi? I need your help!" nagmamakaawa niyang sabi.

Lumiit ang mata ko. "'Wag muna ngayon. Mas importante 'tong ginagawa ko kesa diyan sa plano mo." sabi ko at binaba ang tawag.

Nagfocus ako sa paggawa ng assignment ko. Dalawa na lang at malapit na akong matapos nang may asungot na dumating.

"Kala mo 'di kita mahahanap ah!" sigaw niya.

Agad kong pinukpok ang libro ko sa ulo niya.

"Ang ingay mo. Kita mong nandito tayo sa library e!" mahina kong sigaw.

"Tulungan mo kasi ako..." pangungulit niya.

"Hindi ka ba marunong gumawa ng assignment? O tatamad tamad ka nanaman?" nakataas ang kilay ko ng itanong ko sakaniya iyon.

"'To naman! Tutulungan mo lang ako sa surprise ko kay Ianrie." tinignan niya pa ako na parang nagpapaawa.

Parang handa akong sumabog kahit anong oras. Wala ba siyang pinipili? Kita niyang gumagawa ako ng homework dito tapos ay guguluhin niya ako para lang sa surprise niya? Nahihirapan na nga akong magsolve iyon pa din ang inaatupag niya!? E mukhang 'di pa nga din siya nakakagawa ng assignment niya!

"Keith, please!" inis kong sabi. "Pwede bang 'wag muna ngayon? Ang dami naming homework. Gagawa pa tayo ng portfolio para sa Noli at clearbook para kay Miss Gomez. Kung ayaw mong gumawa 'wag kang mangdamay! Meron pa tayong ipapasang drawing sa Mapeh kay sir Moi." hindi mawala ang inis sa tono ko.

Niligpit ko ang gamit ko at sinuksok iyon sa bag ko. Imbis na mababawasan ang gagawin ko ay may natira pang dalawa sa Geometry.

"Hala uy, sorry na. Oo promise hindi na. Kapag may homework-" hindi ko siya pinatuloy at tumayo na ako.

Iniisip ko kung magagawa ko ba lahat ng iyon mamaya. Tatlo iyon at syempre ayokong bara bara lang ang tatlong 'yun! Gusto ko kahit papaano ay may design ang mga 'yun lalo na ang portfolio ko.

Naglakad na ako palabas. Marami akong nakakasalubong at pupuntahan ko na si Kuya sa Gymnasium nang makauwi na kami at matapos ko na 'tong lahat!

"Brina! Hindi na nga e. Gagawin ko muna mga 'yun pero tutulungan mo ako ha?" maamo niyang tanong.

Hinarap ko siya at sakto tumama ang dala kong mga libro sa dibdib niya kaya napatigil siya. Mabuti na lang at hindi siya nasubsob sakin kundi masasapak ko siya!

"Bago mo ako kontratahin diyan, gawin mo muna 'yang assignment natin!" sabi ko at pumasok sa Gymnasium.

Nakita ko sila Kuya na nagtatawanan habang papunta sa bench. Nasa sampu siguro sila. Si Enzo at Brozon ay nandoon din kasama si Kuya Darwin at Kyle.

"We'll see how the babies cry!" nagtawanan ulit sila sa sinabi ni Kuya Darwin.

Nakita nila kami at napansin nila si Keith sa likod ko.

"Uy, Brina! Hoy Keith! Bakit hindi ka naglaro?" tanong ni Enzo.

"Kuya!" tawag ko kay Kuya na ngayon ay umiinom ng tubig.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon