Napahawak ako ng mahigpit sa locker ko nung nakita ko si Brozon sa likod nito.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
His bloodshot eyes bore into me that made my heart beat faster. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa. Mukhang galit siya sa anumang bagay pero hindi ko alam kung ano.
Dati hindi ko naman 'to nararamdaman. Dati okay lang. Tipong kahit makita o makasama ko siya wala lang. Pero iba na ngayon e. Alam kong siya si Unknown. Alam ko ng siya yung lalaking bigla bigla na lang akong pinapangiti.
"Bakit ka lumalayo?" bakas na bakas ang sakit sa boses niya.
Umiling ako. Please, I'm near to getting tired of all of this.
"Brina kahit hindi mo ako gusto ayos lang. Hindi kita pinipilit na gustuhin ako pabalik ang gusto ko lang makasama ka. Ang gusto ko lang malaman mo. Na kahit gano kasakit, kahit gano kahirap, nandito ako. Pero ang pinakahindi ko lang naman kakayanin ay yung makita kang masaya sa iba."
Sa bawat kawala ng salita ay parang may tumutusok sa puso ko.
Kung pwede ko lang sabihin sakaniya na pwede. Na gusto ko din siya. Na maging selfish naman kami kahit ngayon lang ginawa ko na. Pero hindi e. Hindi ako ganun.
Gusto ko siya pero mas mahalaga yung pagkakaibigan namin ni Ianrie.
I tried to smile. I tried even if deep down in me my heart is breaking into pieces.
"Ianrie's better," tanging sinabi ko at tumalikod.
"But you are the best! Fuck it!" sigaw niya na mauy halong galit.
Hindi na ako lumingon lalo na nung narinig ko na ang boses ni Ianrie na lumalapit sakaniya. Kinagat ko ang labi ko at mas binilisan ang paglalakad.
Dahil Friday ngayon pupunta kami sa Gymnasium dahil pinapatawag na kami ni Miss Hertin. Tinignan ko muna sa salamin kung maayos ba ang itsura ko bago ako pumunta doon.
Nauna ako kay Ianrie. Bumuntong hininga na lang ako habang papalapit sa mga kasama ko. Syempre, mauuna talaga ako dahil kasama niya si Brozon. Inaalo niya si Brozon.
Palapit pa lang ako ramdam ko na agad yung mga masasamang tingin na tinatapon sakin ni Zoe at ng grupo niya. At dahil ayaw ko ng away kay Miss Hertin ako tumabi na agad naman akong nginitian.
"Where's Ianrie?" tanong niya sakin.
"May ginagawa lang po. Papunta na din po 'yun dito maya maya," sabi ko at pilit iniiwasan ang mga tingin sakin nila Zoe.
Buti na lang hindi lang si Ianrie ang wala pa kaya naghintay pa kami ng ilang minuto.
Nakita kong pumasok si Janeah at Keith kasama si Ianrie na ganun pa din ang itsura. Pero ngayon hindi mugto ang mata niya. Kumaway sakin si Keith habang nakangiti pero hindi ko binalik ang ginawa niya sakin.
"Yay! You're here!" sabi ni Zoe at hinawakan si Ianrie sa kamay.
Bumagsak ang tingin ko sa pagkakahawak niya sa kamay ni Ianrie. Nakita ko ang pagbabago ng expression ni Janeah at Keith habang tinitignan din nila ang kamay ni Zoe.
"What are you doing?" tanong ni Janeah at tinanggal ang pagkakahawak ni Zoe sa kamay ni Ianrie.
"Wait, don't tell me I'm not allowed to be friends with her? Duh! We're in one squad! Tsaka, I know something's going on between her and Brina so she need someone to accompany her and that's me, right?" parang inosente pa siya at tinuro ang sarili niya.
"Kung ihagis kaya kita tutal gustong gusto mong ginaganun, diba? Ang kaibahan lang hindi kita sasaluhin para mamatay ka ng bruha ka." sabi ni Janeah.
BINABASA MO ANG
My Other Half
Roman pour AdolescentsBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!