Chapter 11

5.7K 183 35
                                    

"Ano nga? Itong chocolate mousse o mocha?" tanong ko kay Kuya.

"Kahit ano nga kasi! Parehas niya din namang kakainin 'yan!" inis na sambit ni Kuya.

Ngumuso ako. Kanina pa kami nandito pero dito kami sa cake nagkakatalo.

It's saturday. Quarter to ten ng dumating kami dito sa mall kaya naghintay pa kami na magsaktong ten para makapasok.

Yes, binibilan ko si Keith ng regalo para pambawi manlang sakaniya. Isu-surprise ko din siya. Hindi niya alam na pupunta ako sakanila. Kinunchaba ko din sila Enzo na ayain si Keith magbasketball kapag nabili ko na lahat ng kailangan.

"Chocolote Mousse na lang kaya?" tanong ko at tinignan ang mocha. "Kaso parang masarap 'tong mocha e!"

Hindi ko alam kung anong bibilhin ko. Parehas silang masarap para sakin kaya nahihirapan ako.

"Kanina pa ako nangangalay dito. Ang dami mong pinapabitbit sakin. Cake lang hindi mo mapagdesisyunan?" iritang tanong ni Kuya sakin.

"Eh! Kung tinutulungan mo kaya akong pumili?"

Umiling na lang siya at tumingin sa labas. Nakanguso ako ng tignan ko ang dalawang pinagpipilian ko.

"Fine! Chocolate Mousse!" sabi ko kahit hindi ako pinansin ni Kuya.

Lumapit ako sa counter at sinabi ang order ko. Binayaran ko din at ng makuha ko na ay lumapit ako kay Kuya.

"Hmm..." tinignan ko ang listahan. "Last destination. Yung pina-customize kong necklace." sabi ko kay Kuya at hinila siya.

Nakabusangot si Kuya ng hilahin ko siya pero hindi na din siya umangal. Sinabi ko na kasing 'wag niya na akong samahan. Siya lang itong makulit at masyadong nagaalala sakin.

Tumungo kami sa shop kung saan ko pina-customize ang necklace naming dalawa ni Keith. Hindi ko alam kung mababaduyan siya pero ito lang yung naisip kong surprise para sakaniya.

I know it's common. Pero anong magagawa ko? Gusto kong makabawi sakaniya kaya ito ang ginagawa ko. Wala na akong panahon para magisip pa ng unique na suprise para sakaniya.

"Goodmorning, Ma'am! What can we do for you?" salubong sakin ng saleslady.

"Uhmm, kukunin ko po yung pina-customize ko." sabi ko sakaniya.

Nakita kong napasulyap siya kay Kuya na nasa likod ko. Tinignan ko si Kuya at nakita kong tumitingin tingin ito ng mga singsing.

"Miss?"

"Ay, Ma'am!" para bang naputol ko ang pagpantasya niya kay Kuya.

Ateng! Sixteen pa lang po 'yan!

"Ano pong pangalan niyo, Ma'am?" tanong niya na parang natataranta.

Natawa ako ng bahagya kaya namula ang pisngi niya.

"Brina Kaye Garcia. Couple necklace po yung pinagawa ko," sabi ko na agad niyang tinanguan.

"Wait lang po, Ma'am..."

Tumango ako at tumingin tingin din ng mga alahas na nandito. Noong una talaga pinagisipan ko kung necklace ba o singsing. Pero naisip kong kapag 9th anniversary na lang namin ang singsing. Nagtampo kasi siya kaya eeffortan ko ng husto.

Dinungaw ko ang cellphone ko at wala siyang text ni isa. Puro kila Enzo lang ang mga text. Nagtatampo ang mokong ng husto!

"Ma'am Brina, ito po ba?" tanong sakin ng babae kaya napalingon ako sakaniya.

Binuksan ni ate ang dalawang box kung saan nakita ko ang dalawang kwintas.

Dalawang puso iyon. Isang maliit at isang malaki. Sa maliit ang nakalagay ay ang taon kung kailan kami naging magbestfriend. Habang sa malaki ay pangalan naming dalawa.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon