Napaiwas ako ng tingin kay Brozon. Hindi ko alam kung bakit nagiwas ako ng tingin pero naiilang ako sa paraan ng titig niya.
Ilang beses pa kaming nagscript reading hanggang sa nagsimula na kami with actions.
"Brina! Sasabay ka kay Julia pagpasok pati kay Emman!" paalala sakin ni Ryle.
"Oo, sorry." sabi ko at inulit namin ang scene na iyon.
Isang oras at kalahati ata naming pinractice iyon hanggang sa tinawag kami ng Mama ni Jav para pakainin.
"Kailan ba ang exam niyo at parang gahol na gahol kayo sa oras?" tanong ng Mama ni Jav habang nilalapag ang mga basong may tubig.
"Next next week pa naman po, Tita," si Karis ang sumagot.
"Oh, mahaba habang oras pa naman pala ang mayroon kayo."
"E ang kaso po meron rin po kaming dapat gawin sa Mapeh subject namin. Arnis performance po iyon kaya kailangan po naming hati hatiin ang oras namin sa mga practice." sagot ni Ryle.
"First quarter pa lang pero ang dami niyo ng ginagawa. Pero sabagay, you need to finish those para makapagtapos kayo." sabi nito. "O sige na, kumain na kayo."
"Kayo po? Hindi po ba kayo kakain?" tanong ko sakaniya.
Ngumiti siya, "Mamaya na ako. Kayo na lang muna."
Naging maingay ang pag kain namin. Naguusap usap sila sa kung ano ano. Minsan ay nakikisali kami sa usapan ni Julia pero kung hindi naman namin alam ang pinaguusapan ay nananahimik kami.
Si Brozon? Ano pa nga bang aasahan mo doon?
"Uy, Brozon! Hindi ka ba nab-bored? Hindi ka nakikisali sa usapan, e." tanong ni Jav sakaniya.
Umiling lang si Brozon kaya hindi na nagsalita si Jav.
"Tara na?" aya ni Ryle at tumayo.
"Susunod na lang kami ni Julia. Liligpitin lang namin 'to," sabi ko at tinuro ang mga pinagkainan.
"Ano? 'Wag na, Bri! Sila Manang na ang bahala diyan." sabi ni Jav at winagayway pa ang kamay niya na senyales na 'wag na.
"Ano ka ba! Nakakahiya. Mabilis lang naman 'to susunod din kami agad." sabi ko at sinimulan ang pagkuha ng mga plato.
"Pero--"
Pinutol ko ang dapat sasabihin ni Ryle at sumenyas na umalis na sila.
Nakatingin pa din saamin si Jav at Emman habang paalis sila. Tumawa na lang ako at tinignan si Julia.
"Oh, ikaw? Kumilos kana para makasunod na tayo dun!" sabi ko kay Julia at kukuhanin na sana ang mga pinggan pero may nauna na sakin.
Napatingin ako kay Brozon at nanlaki ng bahagya ang mata ko.
Akala ko sumunod siya doon? Hindi ko napansing nandito pa pala siya!
"Ako na," tipid niyang sabi.
"Bakit... akala ko kasama ka nila,"
"Nakikita mo naman ako ngayon dito." sabi niya at pinagpatong patong ang mga pinggan.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa sink. Nabalik lang ako sa tuliro ng narinig ko ang tawa ni Julia.
"Huy, cous! Ano ba 'yan? Bakit parang gulat na gulat kang makitang nandito pa si Brozon? Kilos kilos din!" tawa niya at humarap sa lababo.
Umirap ako sakaniya kahit hindi niya na nakita iyon at sinunod ang mga baso.
Pagkalagay namin ng mga utensils ay kinuha ko na ang basahan pero agad akong nakarinig ng boses galing sa likuran namin.
"Oh my! What are you doing here, kids? Kami na ang bahala diyan!" rinig kong sabi ng Mama ni Jav at nilapitan ako.
BINABASA MO ANG
My Other Half
Teen FictionBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!