Chapter 24

5.5K 197 114
                                    

To know why I'm having slow updates, visit my twitter account @PrinsesaFever :) mas active po ako diyan.

Pinaglalaruan ko ang daliri ko habang naghihintay kami dito sa Theatre. Yes, may sariling Theatre ang EU.

"Guys guys, chill! Kaya natin 'to!" sabi ni Ryle dahil tensyonado ang lahat.

Hinihintay namin si Sir Arvin para magbigay ng go sign saamin. Hindi ko alam kung bakit dito pa kami sa Theatre samantalang ang nga subject teachers at Principal pati Vice lang naman ang manonood saamin.

Nagulat ako nang may humawak sa magkabilang pisngi ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitignan siya na nakatingin din saakin.

"You need to calm," sabi niya habang nakatingin pa din sa mga mata ko.

My words abandoned me. Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"N-Nakakakaba lang talaga..." nauutal kong sabi.

Tumaas ang sulok ng labi niya at tinanggal ang pagkahawak sa pisngi ko bago ginulo ang buhok ko.

"This is our last exam for today. You can do it," sabi niya bago umalis sa harapan ko.

Sinundan ko siya ng tingin. Pumunta na siya kay Via at tinabihan ito sa pagupo. Dinaldal agad siya ni Via pero si Brozon ay hinawakan lang ang kamay niya.

Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa kanina kaya gulat na gulat ako. Bigla ba naman siyang lumitaw eh!

"Genesis, ready?" sumulpot bigla si sir Arvin galing sa likod ng mga kurtina.

"Siiiiiir..." ayan na at nagdaingan na ang mga kaklase kong kabadong kabado.

"Cous! Maihi ka naman diyan! Dito ka nga!" tawag sakin ni Julia.

Naglakad ako papalapit sakanila. Umupo ako sa tabi ni Julia dahil umurong naman siya.

"Kesa magreklamo kayo, magperform na kayo para mamaya mawala na 'yang kaba na nararamdaman niyo," sabi ni Sir dahil maraming nagreklamo.

Bumuntong hininga ako. Nakakakaba lang talaga dahil nandoon si Principal! Nandun si Tita Kait! And when it comes to performance, walang kama-kamag anak sakaniya. I swear, mamaya kung makatingin 'yan saamin mamaya parang hindi niya kami kilala.

"Ryle, where's your USB?" tanong ni sir Arvin at nilapitan si Ryle. Inabot naman agad ni Ryle ang USB niya. "Okay. Places, everyone!"

Doon ulit ako nakaramdam ng kaba. Pero hinugot ko lahat ng lakas ko at tumayo. Pumwesto na din ako. Nasa gilid ko si Keith dahil doon niya gustong pumwesto at wala ng nagawa sila Ryle nung inaayos nila ang mga pwesto.

"Set aside your nervousness, Genesis. We can do this!" sabi ni Ryle.

"Para sa grades, pucha!" sigaw ni Enzo and I thank him for that because it lessen my anxiety.

After a few seconds, the curtains moved aside and our music started playing.

Ramdam na ramdam ko ang kaba ko habang tinitignan ko si Tita Kait na halatang inoobersabahan ang bawat galaw namin. Hangga't maaari, pinapakalma ko ang sarili ko para hindi ako magkamali.

And luckily, I didn't. Tinapak ko paharap ang isang paa ko bago umikot at tumalon at hinampas namin ng sabay sabay ang mga arnis namin sa sahig at tumingin sa mga nanonood samin.

Habol hininga ang ginawa ko at naramdaman ko ang pagkawala ng kaba ko. Ang sarap sa pakiramdam!

Nakatitig lang sila saamin kaya tumayo kami ng ayos at nagbow ng sabay sabay.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon