Chapter 58

4.3K 146 30
                                    

"Cheer for him when he play daw!" siko sakin ni Julia habang nandito kami sa opening ceremony ng basketball.

Nandito kami ngayon sa gym. Opening ceremony na ng lahat ng sport sa mga kanya kanya nilang lugar kaya nandito ako ngayon sa gym dahil sa basketball.

Ang volleyball naman after pa ng basketball. Pinapakilala na ang players ng Easton at Western. Maya maya lang ay maguumpisa na pagtapos nilang magwarm-up.

"Tigilan mo ko, Julia,"

Nakita ko ang pagbusangot niya.

"Bri, kinukulong mo lang yung sarili mo–" I signalled her to stop, and she did.

"And their Captain, no other than... Bryle Klay Garcia!"

Humiyaw ako. Tumalikod pa ako para makita din nila ang Garcia na nasa likuran ko. Nagtawanan sila Keith nang makita nila ang ginawa ko.

Nang ipakilala naman ang Captain ng kabila ay ginaya din ako nung Captain nung cheerleaders.

"Gaya gaya puto maya!" sigaw ni Julia kaya siniko ko siya.

Nagsplit pa yung Captain nila kaya napailing na lang ako. Pumwesto na silang lahat kaya lalong naglakasan ang sigaw ng mga tao. May dalang drums ang magkabilang panig kaya pagandahan din ng chant.

"LET'S GO WILDCATS!" malakas kong sigaw at winagayway ang pompoms ko.

Walang nagbago sa laro nilang lahat. May mintis man pero nababawi naman nila agad. Dumoble din ang depensa nila kaso natatapatan ng kabilang grupo dahil 'di hamak na medyo mas malalaki sakanila ang mga 'to. Parang laging batak sa gym sa sobrang laki ng mga katawan.

"Ba't parang kulang sila?"

"Sino?"

"Yung Wildcats. Parang kulang yung grupo nila,"

"Wait. Let me see,"

"Girl, kulang nga sila! I forgot the name but the handsome one? Yung maputi at laging nakabrush up yung buhok!"

"I remember him! Brozon's his name! Oo nga! Bakit kaya wala siya? Injured?"

I restrained myself from looking to those girls who's talking.

Sana nga injured lang e.

"Hala? Anong ginagawa nito ni Kyle?" rinig kong sambit ni Janeah kaya napatingin ako kay Kyle.

Hindi ko mawari pero parang may problema. Tinignan niya ako ng may pagaalalang mga mata. Nagcall ng timeout ang coach nila at pinunasan ni Kyle ang noo niya gamit ang jersey niya.

Nakita kong kinausap siya ni Kuya. Yumuko si Kyle at may sinabi bago siya pinalitan ng isang player. Imbes na umupo ay naglakad siya papalapit saakin.

"What's—" bago ko pa siya matanong ay inunahan niya na ako.

"Is there something wrong? Parang nalungkot ka bigla. I got worried,"

Napatingin ako sa gilid ko. Nakatingin si Zoe saamin at masama ang tingin nito. Binalik ko ang tingin ko kay Kyle.

"No, nothing's wrong. Concentrate on your game, Kyle. Don't worry about me."

Bumuntong hininga siya, "Can you cheer for me?"

Napaiwas ako ng tingin. May mapaglarong ngisi sa mga labi niya. Inangat niya ang kamay ko na may hawak na pompoms.

"Sayang yung pompoms pati pagiging cheerleader if you won't cheer for someone," ngumuso siya bigla.

Natawa ako at umirap.

"Sige na. Just win this and the rest of the games, okay?"

Tumango siya. "Roger that, my cheerleader!" masaya niyang sambit bago nagjog pabalik sa bench nila.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon