"Run away with me. Just for tonight." bulong sakin ni Kyle at ramdam ko ang lapit niya sakin.
Hindi ako nakagalaw. Naubusan ako ng sasabihin kaya nang tangayin niya na ako ay doon lang bumalik ang huwisyo ko. Hinatak ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya kaya napatigil siya sa paglalakad at tinignan ako.
"Anong sinasabi mo?" sinusubukan kong maging matapang pero mukhang pumapalya ata ako.
Humakbang siya palapit sakin. Dun ako nagkaron ng tsansa na titigan siya. Wala namang nagbago sa katawan niya. Hindi naman siya pumayat o ano. Pero merong isa na nakakuha ng atensyon ko.
His eyes. It's full of sadness. Na sa oras na titigan mo iyon, para ka na ring dinudurog. Eyes never lie.
"Just for tonight, Brina. Please..."
Para akong tinusok dahil sa paraan ng paghingi niya ng pabor. Gusto kong umiwas ng tingin pero natatakot ako na baka madurog ko siya lalo sa oras na gawin ko iyon.
"I... I can't. Aalis kami nila Brozon. May out of town kami. I can't, Kyle. I'm sorry." akmang tatalikuran ko siya nang hawakan niya ang kamay ko at pigilan ako sa paglayo.
"I know. I'm just asking you this night. This night, Brina. It won't reach until tomorrow."
Gusto kong maiyak. Hindi ko kayang marinig si Kyle. Kahit ang boses niya halatang napakalungkot niya ngayon.
"Hours only, Bri. Pati ba naman 'yun, ipagdadamot mo sakin?"
Nanginig ang labi ko. Tumingin ako sa taas para pigilan ang luha na nagbabadyang tumulo. Hindi ko na kaya. Ang sakit na.
"Let go, please..." ako naman ngayon ang nagmakaawa.
"I will. Just give me until midnight. Please, Brina. Please."
Ibang let go ang tinutukoy niya. Dahil nung sabihin niya ang I will ay hindi niya naman binitawan ang kamay ko.
Dahan dahan ko siyang hinarap. Halos mamilog ang mata ko nung makita kong unti unti siyang lumuhod, hawak pa din ang kamay ko. Gusto ko sanang bawiin ang kamay ko kaso natatakot akong masaktan siya.
"This night. Please..." Pagmamakaawa niya at tinitigan ako sa mata.
Pinilit ko siyang tumayo pero hindi siya natinag. Nanatili siyang nakaluhod at nakatingin sakin, nagmamakaawa. Hindi ko kaya yung ganito. Ayokong mangyari yung ganito.
Hindi ko alam na yung bagay na kinakatakutan kong mangyari saming magbabarkada ay mangyayari. At ang masaklap ay sakin pa. Ako pa ang magdedesisyon. Nasakin ang sagot kung magkakaron ba ng ganitong sitwasyon o hindi.
"I won't do anything to you. I promise." sabi niya sakin nung tumayo siya.
Parehas kaming napatingin sa bulsa ko nang tumunog ang cellphone ko doon. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon at dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makitang si Brozon iyon.
Napatingin ako kay Kyle at nailipat niya din ang tingin sakin.
Sumakit ang dibdib ko nung bitawan niya ang kamay ko at ngumiti. It's a sad smile. And it's a smile that shows defeat.
"Answer it," sambit niya.
Siya ang nagdesisyon para sakin. Ganun ba kabakas sa mukha ko na nagdadalawang isip akong sagutin ang tawag?
Titig na titig sakin si Kyle habang sinasagot ko ang tawag ni Brozon. Nang itapat ko iyon sa tenga ko ay sinalubong ko ang tingin ni Kyle.
"Hello?"
Ganito ba talaga ang pakiramdam? Parang trinaydor ko na si Brozon dahil sa ginagawa ko. Ito ba yung sinasabi nilang nangangaliwa? Ganito ba 'yon? Pero hindi ko naman naisip na gagawin ko 'to! Hindi kahit kailan sumagi sa isip ko 'to!

BINABASA MO ANG
My Other Half
Fiksi RemajaBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!