Chapter 16

5.7K 169 54
                                    

"Ang bilis mong hingalin! Nagw-warm up naman tayo bago magsimula ah?" sermon ni Kuya sa isang freshmen.

"S-Sorry po..."

Pumito si Kuya. "Five minutes break!"

Umupo sa tabi ko si Kuya kaya inabot ko sakaniya ang pamunas niya. Binato ko naman kay Ianrie ang towel ni Keith at nginuso si Keith.

Magrereklamo pa sana siya pero lumapit na ng tuluyan si Keith sakaniya at nagpapunas.

I giggled. Bagay sila.

"Sino yung nilapitan ni Kyle?" tanong ni Kuya kaya napatingin ako kay Kyle.

Nilapitan niya yung babaeng kasama niya kanina. Nahihiyang binigay nung babae ang towel kay Kyle na agad namang tinanggap ni Kyle.

"Mukhang nakahanap ng chix," tuloy ni Kuya.

Pinagmasdan ko ang babae. Junior din siya katulad namin at naging kaklase ko siya noon!

I forgot her name. Pero pano kaya sila nagkakilala ni Kyle?

"Whoa, whoa. Ano 'to? Paupo upo lang kayo diyan? Bakit hindi kayo nagp-practice?" napalingon kami sa mga dumating.

Sila Tito.

Si Daddy at Tito Jules lang ang wala sakanila pero kumpleto sila.

"Captain! Ano?" nagkunwaring galit si Tito Ian.

"What, tito?" tanong ni Kuya at tumayo.

"How's your team?" tanong naman ni Tito Ethan.

"Still the same. Pero kayo po bahala humusga sa mga bagong salta." sagot ni Kuya.

"We know you won't recruit someone who doesn't have any potential when it comes to basketball," sabi ni Tito Bryan.

Pumito si Kuya at nagstart ulit ang practice nila. Si Kyle ay tumakbo patungo sa court pero agad siyang hinatak ni Tito Kurt.

"Where have you been?" tanong ni Tito.

Blangko na ulit ang ekspresyon ni Kyle. Hindi ko naman alam kung anong ekspresyon ang pinakita niya doon sa babae. I don't care anyway.

"I'm with someone," walang emosyon nitong sabi.

"Someone?" nagtatakang tanong ni Tito.

Hindi ako nakatingin sakanila pero kasi nasa gilid ko lang sila kaya naririnig ko talaga ang pinaguusapan nila. Pinilit kong ituon ang atensyon ko kila Kuya.

"Who's she?" tanong ni Tito nang hindi ko narinig ang kibo ni Kyle. Malay ko ba kung tinuro niya o ano.

"I met her along the way."

"Bri, tara kila Ate?" aya ni Rie kaya tumayo ako at sumama sakaniya.

Pumunta kami sa Volleyball side. Pawis na pawis na silang lahat at nakita kong namumula na ang mga kamay nila.

I remember when Mom told me she used to play Volleyball. At nung nanalo sila, nanonood si Daddy. Maaga pang pumasok para lang mapanood si Mommy.

I won't deny I adored my Mom after what she have been through. Hindi ko rin inakalang nerd siya noon. Wala sa itsura niya. Walang bakas.

"Ugh!" daing ni Julia nang sumubsob siya para lang masalo ang bola at itira.

"Juls!" napatayo ako.

Nakita kong lumapit na sakanila sila ate Jeremae. Lumapit na din kami ni Ianrie at nakita naming nakalagay ang kamay ni Julia sa noo niya habang mabilis ang paghinga.

"Dalhin na ba namin siya sa clinic?" nagaalala kong tanong.

"Juls, dadalhin ka ba sa clinic? O kaya mo?" tanong ni ate Love.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon