Epilogue

8.3K 210 91
                                        

Kumawala ang ngiti sa labi ko habang tinitignan silang lahat na naguusap-usap. Napakaingay ng lugar. Idagdag pa ang music na sumasabay na akala mo may party dahil sa beat.

May biglang umakbay sakin kaya nalipat ang tingin ko sa gilid ko. Inangat ko pa ang tingin ko dahil mas matangkad si Keith sakin kaya hindi ko makikita ang mukha niya kung 'di ko gagawin iyon.

"Congrats," he said while his eyes are fixed in front.

"Congrats to you too, Salutatorian."

Napatingin siya sakin at natawa. Natawa din tuloy ako.

"Thanks, 1st honorable mention." matamis siyang ngumiti. "Can you believe it? I wasn't even focusing on my studies the whole time! I remember cramming and prioritizing Ianrie."

"Sus! Ang yabang talaga!" sigaw ko at nagkunwaring aalisin ang pagkakaakbay niya sakin pero mas lalo niya pang binigatan ang braso niya.

Hinarap niya ako at biglang may isinuot sakin. Malamig na bagay iyon kaya napatingin ako sa leeg ko at namamanghang tinitigan siya pabalik.

"This is... this is your MVP medal."

"Yes. And I'm giving it to you since you've been cheering for me all the way. And I couldn't done it without you, Bri. You know that you're my source of strength."

Napangiti ako. Parang natutunaw ang puso ko dahil sa mga sinasabi niya sakin. Alam naman naming dalawa na walang nagbago. Alam naming naging busy lang kami pareho pero kami pa din yung Brina at Keith na magkadikit. Na laging pinagkakamalan na mag-on. Kami pa din 'yon.

"My love for Ianrie won't beat the love I feel for you. And you know that, right?" tanong niya at napatango naman ako.

Hindi ko sinasabing hindi deserve ni Keith ang maging MVP pero kahit siya alam na kay Kyle sana iyon o Brozon kung nagpatuloy lang sila sa paglalaro.

Hindi naman tumigil si Kyle. Hindi lang siya laging naglalaro dahil mas may pinagkakaabalahan na siya ngayon. Pero wala pa din namang nagbago saming magbabarkada. Sa totoo nga lang, parang mas naging close pa kami despite of what happened.

"And you know that you're always my soulmate," bawi ko. "Having Brozon beside me feels surreal, Keith. Hindi ko na-picture out na balang araw yung lalaking mamahalin ko ay isa din sa mga kaibigan ko. But, Keith, having you... having you by my side after all of these is unbelievable. Thank you."

Ginulo niya bigla ang buhok ko pero hindi na ko umangal. Kung ginawa niya 'to kaninang nasa ceremony kami baka nasapak ko na siya. Kaso celebration na lang naman 'to kaya hindi na mahalaga kung magulo ba o maayos ang buhok ko.

"Why are we having this conversation like we've encountered a life and death situation?" natatawa niyang tanong kaya pati ako natawa na din.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at niyakap na siya. I missed him. I missed everything about him. Nag-guilty ako dahil hindi ko na siya halos napansin noong mga nakaraang buwan. Bukod sa graduating kami hindi naging madali yung sitwasyon ko kay Kyle at Brozon.

"You started it," depensa ko dahil alam kong ako ang sisisihin niya.

"Look at our Valedictorian over there celebrating like she's really a partygoer." tawa ni Keith at tinuro pa si Janeah.

Yes, si Janeah ang Valedictorian namin. Hindi lang halata pero nasobrahan ata sa talino 'yan. Sumunod naman sakin si Ianrie tapos si Julia. Si Enzo itatanong mo paba 'yon e halatang halata naman na? Hehe.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon