Chapter 62

3.4K 146 51
                                        

"Ang sakit na ng tenga ko sayo," halos pabulong kong sabi habang inaayos ang isusuot kong damit.

"Aba! Dapat lang! Umalis ka ng walang pasabi! Magugulat kami absent ka tapos malalaman na lang namin na nasa Netherlands kana?! Anong ginagawa mo diyan?!" sigaw muli sakin ni Julia kaya inilayo ko na ang cellphone at niloudspeaker iyon.

"As if you don't know why I'm here,"

"Aba eh magtatanong ba ako kung alam ako?! Nasan ba utak mo, Brina Kaye Garcia?! May jetlag kapa ata, e!"

"Malamang meron! Kakarating ko lang dito tapos sisigaw sigaw ka diyan. I'm here to find your great friend, Brozon Aguilar, okay?"

Naiimagine ko tuloy ang mukha niya ngayon. Feeling ko napanganga siya at natulala. Alas nuebe ako umalis kagabi ng Pilipinas at halos kakarating ko lang ngayon. Five pm na ngayon sa Pilipinas at alam kong uwian na kaya naglakas loob 'tong bruha na 'to na tawagan ako.

"T-Teka... Wait! Gaga hindi pa pumuproseso sa utak ko!"

Umirap ako at humiga muna sa kama. Mamaya maya na ako maliligo kapag natapos na 'tong tawag niya.

Tinignan ko muna ang kisame. Iniisip kung saan ko hahanapin si Brozon dahil hindi manlang sinulat ni Kuya ang address nila Brozon. Ano bang akala niya? Makakabisado ko yung address?

Natawa pa ako nung maalala ang mukha ni Daddy kagabi. Halos mamutla siya nung malamang aalis ako. Panay naman ang sorry ko nung nagalit siya sakin.

"Dahil lang kay Brozon aalis ka at iiwan ang pagaaral mo dito? Ano bang iniisip mo, Brina Kaye!" galit na sigaw sakin ni Daddy.

Nagwalk-out siya nun pero lumapit sakin si Mommy at tinanong kung ano bang plano ko. I explained to her everything. I even showed her the pictures and said she'll handle Dad and Kuya.

Wala rin naman akong planong magtagal dito. I just want to talk to Brozon and hear his explanation. I just want to clear things out.

Hindi kasi patas. Ako naghihintay, siya may iba na?

"Do you miss him that much that's why you did that?!" sigaw muli ni Julia dahilan para magitla ako.

"Julia, remember the envelope that Zoe gave me?" tanong ko, "There's something inside of it." at sinabi ko sakaniya lahat.

"Pucha! E dapat lang! Sugurin mo! Paguntugin mo sila nung babae niya kung ako sayo! Bilisan mo para mahuli mo sa akto! Taragis! Dapat sinama mo ko para may back up ka!"

"Julia, can you please not shout?" halos magmakaawa na ata ang boses ko dahil sa sobrang tining niya.

"Sinong hindi mapapasigaw dahil dun? Nagiinit dugo ko kay Brozon! Osige na. Magpahinga kana muna tapos mamaya mo sugurin. Pero umuwi ka din agad dahil magpapasa lang si Tita Kylie ng letter pero 'di ka pwedeng magtuloy tuloy diyan. Graduating tayo, oy!" paalala niya.

"I know. Tatlong araw lang ako dito. Bale sa isang araw, babalik na ko diyan. Sige na, magpapahinga na ko. Lalo akong napagod sa bunganga mo." paalam ko at pinatay na ang tawag.

Nagsend muna ako kila Mommy na nandito na ako. Tapos tinext ko si Kuya para hingin ang address ni Brozon dahil balak ko bukas na bukas ay pupuntahan ko siya.

Naligo muna ako at pagtapos humiga na sa kama para makapagpahinga. Tinignan ko pa muna ang cellphone ko kaso walang reply si Kuya. Gutom na ako dahil sa byahe pero pagod na din ako. Eleven am pa lang naman dito kaya siguro paggising ko na lang ako kakain. Hindi ko na talaga kaya yung pagod na naramdaman ko.

Nagising ako nang papalubog na ang araw. Tumayo ako agad at lumapit sa bintana para tignan ang ganda ng langit. Grabe, hindi ko inakalang makakakita ako ng ganito kaganda ng wala akong kasama. This will be my first time to experience being alone and worst is nasa ibang bansa pa ako.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon