Chapter 63

4.3K 136 55
                                    

Nawala na ang pagkagulat sa sistema ko pero nanatili akong hindi gumagalaw.

Aaminin kong sa kaloob-looban ko ay natutuwa ako dahil nandito siya pero nang maalala ko kung bakit ako pumuntang Netherlands ay nababalewala ang tuwa na iyon.

Sa hindi kalayuan ay nakita kong naglalakad palapit sila Julia saamin kasama si Mommy. Sumasakit na ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil na maiyak ako. Gumuguhit yung sakit sa puso ko.

Kumalas sa yakap si Brozon kaya agad kong pinahiran ang pisngi ko para hindi niya mapansin. Tuluyang nakalapit sila Mommy sakin at nasalubong ko ang tingin sakin ni Kyle na nasa gilid ni Keith. Ngumiti naman siya sakin ng bahagya.

"How did you know?" tanong ko sakanila.

Lumapit sakin si Mommy at hinawakan ang braso ko.

"Nag-notify sakin kung saan mo ginastos ang pera mo," sagot niya at ngumiti sakin bago nginuso si Brozon. "He was about to go back to Netherlands yesterday nung nalaman niyang wala ka sa bahay at pumunta doon. Nagkasalisi kayo. Mabuti na lang pumunta sila sa bahay kaya nasabi ko sakaniya kagabi na pabalik kana dito." explain ni Mommy.

Ngumiti naman ako ng bahagya, "Can we go home, Mom? I'm tired."

Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ni Mommy at tinignan si Brozon sa likod ko pero hindi ako lumingon.

"Sure, sweety," sagot ni Mommy at binalingan sila Julia. "Let's go, kids."

Hahawakan ko na sana ang maleta ko pero nauna si Brozon na hawakan iyon. Gustuhin ko mang titigan siya ay hindi ko na ginawa at kumapit na lang sa strap ng body bag na iniaabot niya.

"Let me," parang nangangapa din siya at alam kong nakakaramdam na din siya.

Tumango na lang ako at sumabay kay Mommy sa paglalakad. Pagkalabas namin ay nakita ko ang van namin na agad namang binuksan ni Kyle ang pintuan para makasakay kami.

Sa unang row ako umupo. Aayain ko na sana si Mommy na umupo sa tabi ko pero nakita ko si Brozon na tinutulak niya papasok at naunang umupo sa tabi ko bago si Mommy. Nasa likuran ko naman si Julia na kinakalabit ako pero sumenyas ako na mamaya na lang.

Naramdaman ko ang pagtitig ni Brozon sakin pero pinilit kong 'wag pansinin iyon. Nanatili ang tingin ko sa labas hanggang sa gapangan ako ng antok at unti unting lamunin.

Nagising na lamang ako na nakasandal kay Brozon. Saktong tumigil ang sasakyan kaya nagsibabaan na sila Mommy. Inalok naman sakin ni Brozon ang kamay niya.

"Kaya ko," sagot ko at hinintay na makuha ni Keith ang gamit ko.

Papasok ng bahay ay maingay na sila Julia. Pero pakiramdam ko kulang na kulang ang tulog ko dahil hindi naman ganun katagal ang byahe. Kaya nagpaalam ako kay Mommy na aakyat muna ako sa kwarto para magpahinga.

"Ipapaakyat ko na lang yung gamit mo, sweety."

"Ako na po, Tita." prisinta ni Keith.

Umakyat na kami ni Keith at pagkarating sa kwarto ay agad akong gumapang sa kama at humiga. Ngayon ko naramdaman yung pagod.

"Let him explain." sambit ni Keith kaya naidilat ko ang mata ko at tinignan siya. "Hindi ko siya pinagtatanggol. Tulog kana muna." lumapit siya sakin at pinatakan ng halik ang noo ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maisara niya na ang pintuan. Nang wala na siya ay doon ako napabuga ng hangin.

Bakit parang may alam si Keith at parang sigurado siya doon? Hindi malayong sinabi ni Julia sakaniya kung bakit ako pumuntang Netherlands at sigurado akong kinausap niya na si Brozon kaya niya nasabi 'yun sakin.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon