"Close your eyes..." sabi sakin ng nagm-makeup sakin kaya ipinikit ko naman ang mata ko.
Kanina pa kami naghahanda. Si Mommy nasa kwarto nila at naghahanda na din. Five thirty na din kasi. 7pm ang start ng party kaya dapat before or by 6:30 ay nakaalis na kami dito.
Kung anu-ano pa ang nilagay niya sa mukha ko. Sanay na din naman ako sa ganito kaya hindi na ko nagrereklamo.
Sa fifteen years na existence ko sa mundong 'to, ilang beses naba akong namakeup-an? Kahit nung bata pa ako umaattend na kami ng parties kaya sanay na ako. Pero ewan ko ba at minsan tinatamad at nahihiya pa din ako.
Thirty minutes passed at natapos na din ang pagm-make up sakin. Lipstick na lang at pagkatapos ay pinatayo niya na ako.
"Beautiful as ever. You look like a lady na," sabi ng nagmake-up sakin.
Siya din naman yung nagm-make up sakin dati. Kaya nakita niya na talaga paglaki ko.
"Thank you po," nahihiya kong sabi.
May kumatok at siya na ang nagpresintang magbubukas ng pinto. Nakita namin ang isang lalaki na may dalang camera.
Napabuntong hininga na lang ako. They'll take a photo of me again.
"Is Brina done? I need to take a picture of her,"
"She's done. Come in,"
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kamukha ko talaga si Mommy.
"Hi there, stunning lady! Few shots?" tanong niya kaya tumango naman ako.
Pumwesto ako at umayos. Ginawa ko ang mga pose na alam ko. Pagkatapos ng ilang shots ay tinignan niya ang mga 'yun.
"Are you sure you don't want to enter some modeling company? I'm sure you'll be the Princess of runway," tanong niya sakin.
"Ayoko po. I want to focus on my studies. And it's not my forte," honest kong sagot.
"But you're doing good with this. Anyway, I won't push you for it. Thank you, Brina." he smiled.
"Thank you din po."
Nagpaalam na din sakin ang makeup artist ko. Aniya'y bababa na daw siya. I took selfies habang naghihintay ng oras. After a few shots, inayos ko na ang mga gamit ko sa purse ko at lumabas na.
Nakasalubong ko si Kuya sa hagdan. He was wearing a tuxedo. Ayun naman lagi ang suot ng lalaki. Sa babae lang naiiba dahil sa design ng gown na gusto nila.
"Sakto tatawagin pa lang sana kita," I'm waiting for his compliment kaya hindi ako gumagalaw. "Ano? Bilis! 'Di ka pa din mukhang tao dahil lang sa naka-gown ka." asar niya sakin at naunang bumaba.
Napaka talaga! Kung hindi lang siya bumaba baka ginulo ko na ang buhok niya. Sasabihin ko pa din naman sana na ang gwapo niya pero hindi na! Mukha siyang trying hard magpagwapo! 'Yun na lang!
Dahan dahan ang pagbaba ko. Pero bago pa ako tuluyang makababa sinalubong ulit ako ni Kuya. Nakangisi pa siya.
"I'm just kidding. Stop frowning. You look like a Princess. Don't grow up too fast, okay? I don't wanna see you being a lady. Not now. Stay as our baby," imbes na mainis tuloy ako sakaniya natouch pa ako.
Nakita kong pinipicture-an sila Mommy nung nagpicture sakin kanina. I was smiling while I'm walking towards them. Napansin naman agad ako ni Daddy and he smiled to me.
"Hi, little Kylie," I blushed.
"Okay na? Can we have our family picture now?" tanong ni Mommy sa photographer.

BINABASA MO ANG
My Other Half
Teen FictionBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!